Jane- the main character
Kane- ka-chat ni Jane at crush ni Bea famous at well matalino
Bea-may crush Kay Kane pero wala ng saysay ang pagtago nya nito kasi kalat na kalat na
Dona- isa rin sa barkada nilaTotoo tong nangyari peg-interview ko pa nga sila eh.. Pinilit kung sabihin nila at sinabi kong gagawin Kong story pero di gamit ang tunay nilang pangalan at wag ko na raw sabihin yung mga chat nila (¬_¬)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Jane POV
Ka-chat ko sya pag sabado pinag uusapan namin ang tungkol kay Bea.. Lagi ko syang tinatanong kung maganda ba kaibigan ko ... Pero di nya dinidiretsyo ang sagot para bang iniiwasan ang mga tanong ko minsan naman mag-u-oo sya pero parang napipilitan lang sasabi ba namang "Oo na nga lang" ok na yun kaysa sa hindi nuh! Aarte pa ba ako?.. Pero kawawa naman kaibigan ko, yung crush nya di sya gusto pero hindi to yung first time na di sya na gustuhan ng crush nya.. Well yun ang sabi nya
Dumating ang Lunes , I mean tapos na ang mahabang bakasyon namin, balik nanaman sa stressful lesson at nakakairitang problem at teacher namin ( ̄へ ̄)Normal lang ang araw ko nun ng may lagi akong napapansin nag bago ang lahat sa oras nayun... Ang boring life ko medyo maging exciting..
Madalas ko syang mahuling naka tingin saken lilingonin ko sya pero bigla naman syang titingin sa ibang direksyon na para bang di man lang ako nakita.. Isnabero? Sa bagay iba talaga ang tao sa chat at personal..
9:00 am nanaman may favorite time mawawala ng sandali ang stress at puwedeng gawin ang gusto mo habang wala pa ang next subject nyo... It's called recess kung subject yan baka yan na ang paborito ko..
Habang naglalakad kaming apat nina bea at nag kwekwentohan ako nakikinig lang kasi di naman alam ang topic.. Kung makalakad ako para mang modela Sa mga pageant (*^▽^*) chin up na chin up at ang likod straight na straight.. Pero napansin ko naman na kanina pa kami pinag mamasdan ng tropa ni Kane.. Yung iba sinisiko sya habang may tinuturo samin na para bang kinikilig na di ko naintindihan.. Nahalata naman to ng barkada at ayun umiral ang pagka assumera at malisya namin (=^・^=)... "Si Dona siguro ang Tinuturo... YIEHH!!" naki sama nalang ako sa trip nila at kiniliti pa si dona .
Kasi Tinignan namin ang tinuturo ng barkada nya it's either me or dona ang tinuturo nila.. Pero di naman ako assumera para mag assume na ako nga pero sabi naman ng barkada ako raw talaga... At yun umiral nanaman ang insecurity nila at pambobola saken, ang ganda ganda ko raw, ang puti, na saken na raw lahat.. Haist!! Kailan kaya nila ititigil ang insecurities nila naging dahilan yang insecurity nila para di nila ako pansinin.. Kasalanan ba na may itsura ako? Di sa pag mamayabang huh!
Tanghali na.. Skip na natin kasi boring ang lesson namin... 2:30 pm na dahil wala kaming math as usual kaya mahaba ang vacant namin.. Yun iba kung kaklase ayon.. Tutok na tutok sa crush nila.. Kulang nalang matunaw yung mga crush nila.. Pati barkada ko nakisali na rin narin, pero inalis rin naman nila agad at nag-usap sila ako naman, inisip kung sino si ka-chat wala kasi syang ka mukha sa profile pic nya... Pero sabi nya nakita nya na raw ako, ano ba yan sya kilala ako pero ako? Ito hinahanap kung sino sya .. Kaya nagtanong ako sa kaklase ko kung sino si Mystery chat mate ko....
"Ahh yan si kane? Ayon O" sabi ng barkada ko pero nung mga araw kasi na yun di ko pa kilala si kane kaya di ko alam kung sino ang tinuturo nila, dahil sa pag ka desperada ko at gusto ko rin makasigurado kung sya ba talaga ang tinuturo nila. "Nasaan?" sabi ko naman at lumapit ng 4 steps pero di naman nilapitan kung nasaan sila nuh! Nakakahiya kaya. "Yun nga"
Tapos yun na gets ko na at umalis naman sila , si Mystery ka-chat ko ay yung lagi akong tinuturo pag nakatalikod ako at tinititigan rin ako, at last of all... Ang isa sa famous dahil sa basketball at crush ng 10 sa kaklase ko ヽ(*≧ω≦)ノ wow huh!Ako rin ginaya ko ang ginagawang pag titig ng kaklase ko sa crush nila para matandaan ko ang mukha nya, di dahil famous sya ay dapat alam ko na kung sino sya.... At ayun mga assumero feeling nila sila ang tinititigan ko ಠ_ಠ ngingiti-ngiti pa argghh!! Feelengero.. Tumingin ako sa baba ko at sa ulap at muling tumingin sa kanya para tandaan muli ang lahat ng facial features nya at sa di sinasadyang pangyayari ay nagka eye contact..
Nagkatitigan pero ilang Segundo lang mga 2 yata kasi ng bigla syang ngumiti saken ako naman tong Pa simple kunwari di ko na pansin at tumingin sa ibang direksiyon ng dahan-dahan para di nya mahalata... Mahiyain po kasi ako sa personal... Tinago ko ang flustered face ko, siyempre akalain mo Yun yung ka-chat ko pala ay yung famous dito....
Oo alam ko na crush sya ni bea pero di ko alam na famous pala sya, Well noon di ko alam... Napangiti naman naman ang lola nyo ヽ(=^・ω・^=)丿 at napag desisyonan ko na tumingin muli "Di na siguro sya nakatingin" yan ang sabi ko sa sarili ko.. At yun din ang pagkakamali ko kasi nang tinignan ko ulit sya ay nakatitig parin pala sya pero agad nyang inalis ang tingin nga saken at ganun din ako sa kanya (^ω^) medyo awkward..

BINABASA MO ANG
Sa Pagibig
No FicciónTula, kanta, tips,quotes, at story para sa pag-ibig, mapa bitter man o hindi, at mga tunay na istorya na nangyari talaga pero yung iba kathang isip lamang... mѧʟѧʟѧmѧňɢ ňʏo ňѧmѧň ҡuňɢ ţoţoo o һıňԀı єһ!! ҡѧʏѧ ɰѧɢ mѧɢ ѧʟѧʟѧ .... Pinangako ko kasi na...