Jane POV.
Di ko alam Kong totoo ba talaga yun sinasabi nila saken tungkol Kay Jack. Di ko alam kung nag bibiro lang ba sila at pinag tritripan ako, pero di mawala-wala sa isip ko na sana totoo ang sinasabi nila. Pero di talaga ako makita ng kahit anong evidence na may gusto sya saken, I mean , parang normal lang naman sya saken. Walang kahit anong ilang na nararamdaman, o kahit ano, I guess that's cool, pero maiinis ako eh, di parin tinitigil ng mga kaklase ko ang panunukso nila kada mag kakalapit kami ng landas, sabi pa nga ng iba na daig pa raw namin ang mga couple sa TV. Parang sinabi lang naman nila na kasing Ganda at gwapo namin ang Artista *flip hair* di naman sa pag mamayabang pero medyo lang hahaha.. kung nag tatanong kayo ng iba pang impormasyon tungkol Kay Jack ay willing ako mag kwento.
Si Jack gaya ng sabi ko sa last chapter. Sya yung lalake na tinanong ng barkada nya na kung gwapo sya pero mataray kung sinabi na "ikaw ? Gwapo?" Akala ko naman habang sinasabi ko yun perpekto. Basta. Let's start muna, first time ko syang makilala or nakita syempre di ko alam ang pangalan, ay sa endurance test, I mean sa dinami Dami ng tao sya pa talaga napansin ko nun, at sya rin ang una Kong natandaan, bago ang mga naging kaibigan ko ngayon. Bawat kilos nya pinagmamasdan ko , at syempre di ko pinahalata yun, nagwapohan kasi ako sa kanya , iba sya sa mga lalake na nakilala ko, tahimik sya, Tatawa lang siguro kung tumatawa ang tao sa paligid nya, di ko sinasabi na cold sya, pero sa tingin ko mahiyain sya for some odd reason, at parehas kami minsan ng attitude (walang kaalam-alam sa nangyayari -_-) paano ko nasabi? Kasi nung nag mamath kami nag Tanong sya "Ma'am paano yan naging 8?" Sabay ng tawanan. Napatingin naman ako sa blackboard, ano ginagawa ko ng time na yun? Well nag wa-wattpad lang naman kaya di ko alam ang pinag sasabi ni ma'am.
Napatingin ako sa isa kung kaklase na tumatawa parin sila kaya kiniblit ko, sabay Tanong ng may napansin ako. "Bakit naging 8?" Tapos sabay sabi nya ng "Jack be like? " Nakairap nalang ako sabay tingin sa Phone ko at palihim na tinignan sya na napakamot ng ulo siguro dahil na pa hiya sya, tinanggal ko agad tingin ko sakanya ng kiblitin ako ng kiniblit ko kanina. "Ginagamit ang phone pero nakabaliktan? O baka tinitignan mo lang sya?" Automatically napaiwas ako ng tingin di ko alam na baliktad pala ang cellphone ko haha OK lang paki ko?.. and Jack is. Basta gwapo sya , chinito, cute nalaman ko nga na pinagkakaguluhan sya sa isang school dati at Pati narin sa school nila. Mukha syang leader ng gwapong lalake pero Hindi. Sino ang leader?
Well walang iba kundi si Ken. The ugly nerdy, pero bully , maitim, mayabang, bastos, Hoy di ako judgemental yun talaga ang sinabi ng kaklase ko. Paano ba naman kasi kung makapang maliit akala mi kung sinong perpekto, at nang hahawak ng hita, nang hihipo diba ang bastos? Minsan nga nahuhuli ko yung nakatingin sa legs ko, seriously it's creeping me out. But I must admit magaling syang maging leader sa mga group project laging nananalo eh.
So ito na ang sinasabi ko na kung bakit nag dadalawang isip ako kung may gusto ba talaga sya Sakin o ano. Galing kami ni Bea sa UIC (university of Internet and Computer, or something like that) may ka chat ako. Since lalake ang profile ko hahaha Basta , may nag cha-chat saken na mga babae ang lalandi hahaha. Pero more importantly, ng pag balik namin agad namang sumalobong yung dalawa sa mag pinsan sa barkada,.
"Oh bakit?" Ako
"Ang Ganda mo talaga Jane.. nakakainis kang babae ka!!" Dona
Sinamaan ko sya ng tingin dahilan para mapa atras sya
"Hahaha kahit talaga kailan matatakutin ka Dona " Cally
"Ano kasi, kanina habang Wala pa kami , well obviously Wala ka edi sana nakita mo Tanga rin minsan nuh?" Dona
"Ito kasi si Jack , crush talaga nya friend. Baka ginayuma mo yun lagot ka" Cally
Sinamaan ko sya ng tingin , kainis ang mag pinsan na to eh.
BINABASA MO ANG
Sa Pagibig
Non-FictionTula, kanta, tips,quotes, at story para sa pag-ibig, mapa bitter man o hindi, at mga tunay na istorya na nangyari talaga pero yung iba kathang isip lamang... mѧʟѧʟѧmѧňɢ ňʏo ňѧmѧň ҡuňɢ ţoţoo o һıňԀı єһ!! ҡѧʏѧ ɰѧɢ mѧɢ ѧʟѧʟѧ .... Pinangako ko kasi na...