Love is always forgiving.
.
.
.
.
.
.
.
Kliffer's point of viewNagising ako dahil sa liwanag na dumampi sa mukha ko. Napatingin ako sa kwarto at hindi pamilyar sa akin kung nasaan ako. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa mesa sa tabi ng kama na hinihigaan ko.
5:00 pm
Ganun ba ako katagal nakatulog? Napahawak ako sa ulo ko at nakapa ko na may bulak na nakalagay dito. Napatingin ako sa pinto dahil bigla nalang bumukas yun.
"Kumusta kana? Masakit pa ba ang ulo mo?" Mahinhin na tanung sakin ng babaeng nasa harapan ko.
Purple?
"Pasensya kana kung dito kita dinala ah. Wala naman kasi akong kasama dito at isa pa hindi ko din alam kung saan ka nakatira kaya—"
Agad ko syang hinila at saka niyakap ng mahigpit. Masaya ako dahil sya ang nag-alaga sakin. Simula ng araw na magpaalam ako sa kanya kung pwede ko syang maging kaibigan ay ngayon ko lang ulit sya nakausap.
"Maraming salamat." May saya sa puso ko dahil kasama ko sya.
"Wala yun. Pasalamat ka nalang at hindi ka napuruhan."
Bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sa kanya pero nakangiti padin ako. Nakita ko naman na ngumiti din sya sakin.
"Purple tungkol sa nakita mo kani—"
"Wag kang mag-alala. Wala sakin yun!" Putol nya sa sinasabi ko.
"Bakit ka umiyak?" Seryoso kong tanung.
Natigilan naman sya sa naging tanung ko at yumuko kaya hindi ko nakita ang kanyang mukha.
"W-wala yun!"
Hahawakan ko sana ang kamay niya pero agad nya itong inilayo sakin.
"Pasensya kana kung sa ganung pagkakataon mo pa ako nakita."
YOU ARE READING
Experience the love of loss
RomanceLife is to ironic. It takes sadness to know the what happiness is, noise to appreciate silence and absence to value presence. Let us experience how does the boy in love with the girl. And how they sacrifice for each other.