Paano maging Gangster

547 7 1
                                    

Chapter 1

Page 1

“Paano maging Gangster”

Sa mga kabataan lalo na sa high school life, madami nahihikayat na sumali sa mga grupo kung tawagin ay gangsta. Sa kagustuhan nila ng proteksyon o kaya naman naghahanap sila ng mga karamay sa problema sa skwela, lalo na kung ang kabataang ito ay nakakaranas ng bully at iba namang kabataan ay sinasaktan ng mga magulang..

Ang inyong mababasa ay gawa ng kaisipan at walang taong nauugnay..

Isa ako sa naging gangsta nung kabataan ko ako si tabong, marahil ay nagtatanong kayo kung bakit ako sumali sa gangstang “Devil Eye” isa lang akong normal na kabataan na naghahangad ng magandang buhay nag aaral ng mabuti at iniisip ang kinabukasan,. Second year ako sa skwelahan ng Constancio Padilla High School.. ng isang araw sa buhay ko.

Biglang magbabago sa di sinasadyang pagkakataon may isang grupo ng kabataan na nag-aaral din sa skwelahang aking pinapasukan ang nakabangga ko, ng dahil lang sa nagkabunggo ang aming mga braso nung kami’y nag ka salubong sa corridor, sinita nya agad ako “yabang mo ahh!” sabi ko naman pasensya na nagmamadali kasi ako, hindi nya tinanggap ang sorry ko at bigla nya kong sinugod at sinuntok, pinagtulungan nila ko hanggang sa mabugbog ako buti nalang nakita kami ng titser na kasalukuyang nag kla-klase, inawat nya ang ng bugbog sa akin.

Paano maging GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon