Tamad na tamad na naglalakad si Joy sa kanilang village habang inaalala ang mga masasayang alaala nila ng kanyang dating nobyo na si Wayne. Cliché man pero yun ang totoo. Anim na buwan na ang nakalilipas ngunit wala pa ring pag-unlad na nagaganap sa kanyang buhay. Wala e, mahal niya daw e. Tatlong taon din silang nagkikiligan, nagtatawagan, naglalambingan, nagkakan...tyawan. 'Wag madumi isip mga babes. Kukutusan ko kayo e. Ngunit, natapos lamang ang kanilang kasiyahan dahil hindi daw kaya ni Wayne ng long distance relationship kuno dahil maninirahan na siya sa Marikina samantalang si Joy naman ay sa Caloocan. Jusko, Caloocan-Marikina, puchang yan, layo ah. Pumayag si Joy sa ganoong set-up at umasang magiging masaya ulit sila kapag bumalik na si Wayne sa Caloocan. Hindi na nakatiis si Joy kaya naman binisita niya na lang ang kanyang ex-nobyo sa Marikina at gulat na nadatnan niya si Wayne at ang isang makinis at matangkad na babae. Si Wayne at ang magandang babae ay magkapatungan, ng kamay. Sinampal ni Joy si Wayne samantalang tinadyakan, sinabunutan, sinapak, tinalunan, ni-wrestling, binalibag at saka sinampal naman ang babae. Sobrang nasaktan si Joy nun kaya tumakbo siya palayo sa dalawa at napag-isipang mag-move on na.Okay. Balik na tayo sa mabagal, na mas mabagal pa sa paghilom ng iyong puso, na paglalakad ni Joy.
Habang naglalakad si Joy ay naramdaman niya ang pag-aalburoto ng kaniyang tiyan at sigurado siyang dahil ito sa sandamakmak na kamote na kinain niya kay Aling Nenang na paborito niyang tambayan. Binilisan niya ang kanyang lakad at hindi napansing may kasalubong pala siya kaya nama'y nagkabanggaan sila. Napaupo si Joy at naramdamng konting-konti na lang ay lalabas na si bebe. Inis na napatingin siya sa lalaki at tumambad sa kanya ang malapad na kamay na parang pang-basketball player na nag-aalok ng tulong upang siya'y makatayo. Pagkatayo niya ay handa na niyang ratratin kung sinuman ang bumangga sa kanya ngunit nang makita niya nang maayusan ang itsura ng lalaki ay tila naging biglang maamong tupa ang itsura. Muli, ay naramdaman niya ang paghihilab ng tiyan ngunit hindi niya ito ipinahalata sa lalaki bagkus ay ngumiti pa siya rito ng pilit at mukha talaga siyang natatae pero 'di niya alam. Dahil nga sa napakadesperada niya ng makamove-on at lumandi muli ay nagpabebe muna siya sandali.
"Thenk ye kuye. Uhm, pere mebelik ke eng tulong ne ginewe me, heto nember ko." Pa-chicks at pabebeng tugon ni Joy sa makisig na lalaki. Naisip niyang masyado 'ata siyang mabilis ngunit wala itong pake. Nginitian lamang siya ng lalaki at kinilig naman ang kababaihan ni Joy at hindi niya napigilang umutot. Nagkatitigan sila ng lalaki at namula nang napakapula si Joy. Napaka-wrong timing ng utot niya sa isip-isip niya. Naamoy ni Joy ang hanging inilabas niya at halos mahimatay na siya sa amoy. Hindi naman superhero ang makisig na lalaki na hindi maaamoy ang himagsik ng demonyo kaya hayun napatakip din siya ng ilong na naging dahilan ng sobrang pagkahiya ni Joy.
"Uhm, sige una na ako. May training pa kami sa basketball e. Tawagan na lang kita." Sabi ng lalaki nang hindi man lang tinatanggal ang pagkakatakip sa ilong. Nang maiproseso ng slow na utak ni Joy ang mga salitang galing sa lalaki ay kinilig ulit ang kanyang kababaihan at ngayon ay konting-konti na lang talaga ay lalabas na si bebe. Tumakbo na si Joy papunta sa bahay nila at inilabas ang dapat ilabas.
Pagkatapos ng cr session ni Joy ay narinig niya ang kantang biglang liko ng sagpro crew. "Unang araw pa lang minahal na kita~", hindi na nahiya ay sinabayan pa ito ni Joy. Papikit-pakit pa siya na akala mo may birit sa kantang iyon at naramdaman niya na lang na may akala-mo-batong-unang humampas sa kanyang bunbunan.
"Puchang yan ate! Sagutin mo na yang tarantadong cellphone mo nang matapos na!" Iritang sigaw sa kanya ng kanyang nakababatang lalaking kapatid. Dalawang taon lang ang tanda dito ni Joy. Nanghihinayang man ay sinagot na ni Joy ang kanyang Cherry Mobile na cellphone na galing pa yata kay Willie Revillame na ipinagmamalaking android iyon. Huta.
"Bebeko, musta ka na?" Sagot ng kabilang linya. Natulala si Joy at napasinghap. Lumaki ang kanyang mata at napatakip ng bibig at feeling niya cute siya sa ganoong pose pero ang totoo ay kamukha niya si Shomba.
"Bebeko? Nandiyan ka pa ba?" Naaalala ni Joy ang boses na iyon. Ang boses na iyon ang nagpakilig sa kanya. Ang boses na iyon kumikiliti sa kanyang tenga. Ang boses na iyon ang hinahanap-hanap niya. Ang boses na iyon ang umuungol ng kanyang pangalan tuwing gabi. Napahagulgol si Joy at naglumpasay sa sahig habang nakalagay pa rin sa matuliling tenga ang cellphone na Android.
"Bebeko? Okay ka lang? Huhu." Sabi sa kabilang linya at mas lalong napahagulgol si Joy. Bigla niyang naalala ang mga memories nila ni Wayne. Tila rumehistro sa kanyang utak ang kanilang motto ni Wayne na '1k4wH L4n9xzs x54P4t nU4Hh". Naalala niya rin ang couple shirt nila ni Wayne na Wolf 88 na kulay black pa. Napakasaya nila at naisipang sumagot na ni Joy sa wakas.
"Bebeko Wayne, mahal pa rin kita. Ahuhu." Sagot niya sa kabilang linya at sobra na siyang humahagulgol. Biglang napatigil ang kausap niya at napatigil din si Joy.
"Ahhh-- 'di kasi Wayne pangalan ko miss. Vic po, teka ikaw ba si Pia?" Pagpapaliwanag ng nasa kabilang linya at nagkaroon ng sobrang habang awkward silence. Oo sobrang haba talaga, kinabog pa ang talong ng syota mo. Nagsimulang mahiya si Joy at sumagot kay Vic ng "Hala, hindi." Pagkatapos ay tumawa si Vic, tawang pang-puta. Humingi siya ng tawad sa asadong-asadong Joy at saka binaba ang tawag.
Inis na inis si Joy kasi, bakit nga ba siya umaasa? Halu-halong emosyon ang nararamdaman ng kanyang puso't isipan. May inis sa sarili, galit, at lungkot. Ngayon niya lang napagtanto na wala na pala talagang pag-asa na balikan pa siya ng minamahal niyang dating nobyo. Ngayon niya lang napagtanto na sobra siyang nagpakatanga. Ngayon niya lang napagtanto na kailangan niya ng matanggap ang sakit na dati'y iniiwasan niya. Ngayon lang napagtanto ni Joy na kailangan niya ng mag-move-on nang tinatanggap ang lahat ng maaaring maidulot sa kanya. Ngayon niya lang napagtanto na hindi pala makatutulong na maka-unlad sa kanyang buhay ang paghahanap ng ibang lalaki. Makakalimutan ang sakit, ngunit maaalala ulit. Kikirot at kikirot yan. Ano? Magtitiis ka lang? Ngayon niya lang din napagtanto na kailangan niya ng gumawa ng paraan upang matulungan ang kaawa-awang sarili.
Usad na.
BINABASA MO ANG
Usad na
HumorHalina't alamin ang istorya ni Joy na hirap na hirap umusad dahil sa kanyang mala-higad sa kating ex-nobyo. Maikli lang ito promise, pero mas maikli pa rin yang talong ng syota mo. Hihi. Lablab.