My Angel's a Rebel [prologue- Ch. 1 Wolf in Sheep's Clothing]

420 10 10
                                    

Siguro pag sinabing "mala-anghel" iisipin natin agad, mahinhin, mabait, di makakasakit ng kahit langgam, sweet, tapos yung smile niya, matutunaw ka sa sobrang...haaaaay. <3

...yung tipo ba na pag pasok niya pa lang sa room, parang tumutugtog yung kalangitan.

Yun yung ideal girl ko. 

Ako pala si AA-- short for  Axel Andrew. Perez ang apelyido. 18 y/o (pa-19 na, actually). 5'11", brown hair, brown eyes, maputi. One-fourth Korean dahil sa mama ko. One-fourth Spanish dahil kay papa. Pero buong-buong Pinoy ang puso.

Psychology major ako sa SAU-- St. Adelaide University. Musikero, dancer, pintor. President ng student council. Nagsusulat din. Hindi naman sa nagyayabang *hehehehe*, pero achiever na kung achiever. Sabi ng iba, genius raw. Nagfa-flat 1.0 ako sa karamihan ng subjects. *woooosh. Humagin ata!*

Good boy ako, generally. Pero may pagka-bayolente. Lapitin ng babae (naks!)...kaya eto. Ang alam nila di ako umiinom. Walang bisyo...YUNG ANG ALAM NILA. >:D

Balik tayo kay dream girl. Yun na nga...siya. Angel. Naghahanap ako ng anghel sa lupa.

Kaso iba ang bumagsak sakin. 

Ito ang kwento ko.

***

CHAPTER 1

"Run! It's the cops, mga dudes!"

"Takte, english-english ka pa. Dali na mga dre!"

I looked behind me. A bunch of kids were running out of the alley as the police sirens became louder. They were vandalizing and practically trashing up that place when I passed by.

They ran in all directions. May bumaba sa tunnel; may mga tumaas sa mga fire escape. Parang mga langgam lang. Some ran toward the fruit stands, making the vendors curse. A few toting bags filled with spray paint cans rushed into an abandoned garage.

I just shook my head, at napa-kunot ng noo.

These kids gained infamy for being delinquents. Opo-- delinquents, gangsters, mga ungas na tarantado, walang magawa sa buhay. A few were doing drugs, at karamihan kung makalaklak, ginagawang tubig ang mga 'dor (Fundador, Emperador, Matador. You name it.)

Ang masaklap pa, mga ka-eskwela ko ang mga 'to.

"Hoy! Ikaw! Kuyang matangkad na naka-blazer!"

Napakiling ako ulit sa likod ko. There was this wavy-haired girl running toward me. I recognized her as one of the vandalists a while ago. Parang kaklase ko 'to sa English ah. I really just can't remember her name since it's a big class, at paiba-iba ang mga kaklase ko sa kada-subject.

"Me? Bakit--?"

Sinisimulan ko pa lang mag tanong, but then she grabbed me by the arm and practically dragged me with her. Imbyerna naman si ate oh.

"Hinde, hinde. Yung telephone booth sa likod mo ang kausap ko!" she rolled her eyes "Of course, ikaw ang kausap ko Perez!"

Napataas ako ng kilay. Oo, nasa iisa kaming klase, pero di niya pa ako kinakausap mula nung first sem. So I assumed that she never knew me in the first place.

"Why do you know my name?" tanong ko. Oo. Inglisero ako. Paki mo.

"Kasi natripan ko lang na may listahan ako ng buong student body sa St. Adelaide Univ!" she replied sarcastically.

We ran into another alley at nagtago sa likod ng garbage bins. Ang convenient naman, ate.

"Wait! What was that for? Kinailangan mo pa ba talagang kaladkarin ako papunta dito kasama ka?"

My Angel's a RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon