My Angel's a Rebel [Ch. 5 Numb,That's What You Are] *Jared's POV

114 4 4
                                    

This is dedicated to Ai po. :) Isa sa mga pinaka-kalog na readers at napaka-wild ng reaction kinaumagahan sa classroom. Haha. Karyl, sa sunod, ikaw naman. ;p

[Jared's POV]

Nakatingin lang ako sa kalsada, di ko alam kung ano ba talaga dapat ang maramdaman ko. Should I be happy because of relief? Andito na siya oh-- safe sa passenger's seat. Or magagalit ba ako? Umalis siya nang walang paalam o kahit text man lang; naglasing ng mag-isa sa sidewalk.

Di niya ba naisip na baka may nangyari sa kanya?!

Sus kong bata 'to. I don't know what to do with you.

"Ja." 

Tinignan ko lang siya. Okay, mukha naman siyang nagsisisi, pero ewan ko pa rin.

"Jared naman." napasimangot si KC.

"Nag-iisip ka pa ba?"

Iniwas niya yung tingin niya sakin. Di na nakasagot. Nag hihintay ako na sana naman umimik siya, pero wala lang.

"Hoy, sagutin mo nga ako. Nag-iisip ka pa ba? O gusto mo ba talagang madisgrasya?" siguro di ko na talaga napigilang magalit.

"Kasalanan mo naman eh!"

Nagawa niya pa talagang isalin sakin yung kasalanan no? Pasalamat ka mahal kita.

I pinched the bridge of my nose, trying to concentrate on what to say. But it looks like mahirap nang pigilan pa ang saloobin ng isang tao sa mga ganitong sitwasyon.

"Ano? Ako pa talaga? Ako na nga 'tong mabaliw-baliw sa pag-aalala sayo ng sobra! Alam mo bang di ako mapakali nun? Sa buong campus pa lang, inabot na ako ng anong oras kakahanap sayo. Ni-hindi ka man lang tumawag o nag text! Tapos magte-text ka anong oras na, 4 AM? Four *effing* AM!"

Natigilan uli siya. Kilala niya ako. Minsan lang ako mapamura...kapag grabe na ang tinitimpi ko.

Bigla siyang napatingin sakin, "Ikaw kasi. Sana di mo na yun ginawa." mahinahon niyang sinabi.

"Yung alin?"

Mukha siyang naghe-hesitate sa kung ano ang dapat niyang isagot, "Yung pakiss-kiss mong ewan. Alam mo naman na ayoko ng ganun. Mag best friends tayo, di ba? Baka...iba ang isipin nila eh."

Aray naman, dre. Best friends. Manhid ba talaga siya para di niya ma-realize that I've always felt something for her simula pa nung bata kami? Imagine...grade 5 pa kami nun! Matapos talaga ng mga pagpapa-ramdam ko, di pa ba obvious? T.T

"That's not enough reason to put your safety on the line. Pano na lang kung nadatnan ka dun na mag-isa ng mga kalaban na gang? Pano kung si Xander yung nakapulot sayo? Naisip mo ba yun  ha?"

Natahimik siya uli, pero parang nagalit ata dun sa sudden outburst ko. Wala saaming umiimik. Pero maya-maya pa, di na rin ata siya nakapag-pigil.

"Wala ka bang tiwala sakin? Kaya ko naman sarili ko eh! Ikaw ang pangalawang leader ng grupo, kaya malamang alam mo naman kung pano ako lumaban!Takot kaya sila sakin."

"Bakit ako? Sa tingin mo, takot ako sayo?" supla ko.

"Takot akong may mangyari sayo."  Yun lang naman eh. Pero pakshet, di ko pa masabi.

Lagot. Di naman ako nagagalit sa kanya noon eh. Pero sobra na rin 'to. Itinigil ko na yung kotse, tulala lang ako sa manibela.

Oo, part ako ng grupo, at oo rin, leader din ako ng grupong yun. Pero di naman ako yung tipong mahilig makipag-away tulad ng mga miyembro. Di nga ako masyadong sumasama sa kanila eh. Ayokong tingnan kami as a gang...para sakin-- samin ni KC-- grupo kami na parang magkakapatid na rin. 

My Angel's a RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon