NOTE: This is only a work of FICTION.
Warning: This is angst. Grammatical errors ahead.●●●
Tayo'y musmos pa lamang.
Walang pang kaalam-alam sa mundo.
Walang kamuang-muang.
Kailangan ng gabay ng magulang.
Pero bakit tayo nasasaktan ng ganito?
Bakit natin nararamdaman ito?
Bakit naimbento pa ang emosyon?
Bakit ito nangyayari sa buhay natin?
●●●
Maliit na bata pa lamang ako, gusto ko na ng atensyon ng aking magulang. Sino bang ayaw 'non?
Ginagalingan ko sa lahat ng aking ginagawa, mapansin lang ng aking magulang at mapuri. Ang mga gusto nila'y ginagawa ko. Pero hindi pala iyon sapat.
Pinipilit kong hindi makagawa ng pagkakamali. Pero, tayo ay tao lamang. We are just a mere human. Nagkakamali.
Wala sa murang pagiisip ko dati na 'wala lang' sakanila ang mga ginagawa ko. Sa paningin ko noon ay masayang-masaya sila sa mga nakakamit kong pangaral sa eskuwelahan.
Pero ngayon ko lang napagtanto na iba ang saya sa kanilang mata kapag ang kapatid ko ang nakakagawa ng maganda.
Ngayon ko lang naisip na ang sakit pala para sa batang "ako" ang senaryong nangyari noon:
Minsan lang ako dumalo sa "recognition" ng aking paaralan dati. Dahil "ribbon" lamang ang natatanggap ko noon at hindi "medal", kaya naman hindi na kami nagaabala pang pumunta.
Ngunit isang beses, na hindi ko na mantadaan kung ano ang aking baitang noon, nalaman kong may matatanggap akong medalya, ayon sa nakasulat sa "invitation letter".
Isa lamang iyon. Tuwang tuwa ako noong araw na malaman ko iyon.
Pinakita ko ito sa aking magulang. Masyado akong masaya noong oras na iyon para mapansing wala silang pakialam.
Marahil hindi sila masaya, dahil 11th honor lang iyon kaya ako may medalya.
Ngayon ko lamang naalala.
Dumating na ang araw ng "recognition". Nang tinawag na ang pangalan ko ay dalawang medalya ang aking natanggap.
Pagkababa namin ng stage ay tinanong ako agad ng aking ama,
"Bakit dalawa iyan? Akala ko ba isa lang? Halika, isoli natin iyan baka hindi yan 'iyo."
Akmang hihilahin na nya ako pero tinignan ko ang likod ng medalya,
Best in Attendance. Nandoon ang pangalan ko. Akin iyon. Ako ang nakakuha 'non.
Sa mga oras na iyon, hindi ako nasaktan. Masaya ako dahil sa aking munting nakamit.
YOU ARE READING
A Child's Point Of View
Teen Fiction"Life is cruel" « ONESHOT » « this is not a story and this is only a work of fiction. read at your own risk » © 2016 ※made with feelings※