mLove has no reason and future explanations
Sabi nila pag-mahal mo ipaglalaban mo
Pag-mahal mo kaya mong gawin ang lahat ng bagay na magpapasaya sa kanya at ikakabuti nila to the point na mas nanaisin mong ikaw ang masaktan kaysa sa makita siyang lumuluha at nag-dudusa.
Sa kagustuhan mong ma-protektahan siya, sarili mo naman ang sinasaktan mo.
Sabi nga nila ang salitang LOVE walang explanations bigla-bigla na lang yan nararamdaman.
Nakatanaw sa alapaap iniisip ang mga nakaraan, nakakaramdam ng kalungkutan hindi mabilang ang mga buntong hingang pinakawalan.
Mga luhang kusang tumutulo, nag-sisisi sa mga disisyong binitawan, pusong nasasaktan at pilit na lumalaban.
Pusong madaming katanungan kung bakit siya iniwan. Anong mali ang kanyang nagawa bakit siya iniwan ng walang dahilan. Bakit sa mga taong dumaan ang sakit ay nanatili parin sa damdamin, mga alaalang pilit ng winawaksi sa isipan ang hirap burain. Pilit na lumalaban sa sakit na nadadama. Pinipilit lumalaban para makamtam naman ang kasiyahan sa buhay.
Pusong nag-hihintay sa taong magmamahal sa kanya. Yung tipong lahat ng katangian niya ay mamahalin, hindi babasihan ang panglabas na kaanyuan. Pusong umaasang makakatam din ang tamis ng pag-ibig. Pusong umaasang mararamdaman kung mag-mahal at mahalin ng taong labis na iniibig.
Instagram: @itsmeeemjeyy
Twitter: itsmeeemm_jeeyy
Facebook: MJ Lee Chua
Wattpad: hOtIceWriter