VICTIM #2

799 12 2
                                    

THIRD PERON'S POV

"10 20 30 40 50 60 70 80 90 100" malakas na bilang ng mga bata sa lumang basketball court na walang bubong. Maalikabok ang paligid, maraming mga batang nag lalaro ng kung ano ano sa kaliwang bahagi ng court habang sa kanang bahagi naman nito ay ang mga binatilyong nag papasahan ng bola. 

"Si Nena ay dalagana pa, kaya ang gianagwa nya ay um um um ah ah" habang umaaksyon ito na parang nag papaganda. kanta kanta ito ng isang bata. Maya maya naririnig ang malakakas na sigawan kung ano ang sagot.

"Nag lalagay ng lipstick"

"Nag lalagay ng pulbo"

"Nag sasalamin" iba ibang sagot ang maririnig mo.

"I wanna be, A tutubi nawala ang nakatagong bato na nahulog sa lupa tinuka ng manok na nang galing sa bun-dok!" Napangiti si Renaldo ng makitang masaya ang anak na nakikipag laro sa mga bata duon. Tatlong buwan din syang di nakababa sa patag dahil sa kinampohan na ito ng mga sundalo.

"Eto" agad na tinaggap ni Renaldo ang sodang ibinigay ng suki nyang tindera na si Fedelia. Linagok nya ang soda gamit ang straw na ibinigay sakanya habang pinag mamasdan ang anak.

"Eto" ibinigay ni Fedela sa kanya ang isang notebook, nakalista duon kung ano ang inutang ng anak nya. Hindi sya nag bibigay ng pera kay Lualhati, pinapa kuha nya lang ito ng pagkain, inumin at mga chichirya sa tindahan ng matandang Fedela saka nya ito babayaran pag naka baba sya galing sa bundok.

"Hahahaha" napahalakhak ito sa nakita kung anong pinang kukuha ng anak may sweet corn, jelly ace, pochi, holen, bobot, lumpia, mik mik, stay fresh, polar, yakee, sorbetes, ice drop, at kung ano ano pa. Hindi na nga kilala ni Renaldo kung ano yung iba.

"Renaldo, tingnan mo, lumalaki na ang anak mo" napatingin namna si Renaldo sa direksyon kung saan nag lalaro ang anak nito.

"Habang lumalaki yan nalalaman nya kung ano ang nasa paligid. Maiintindihan nya at mahihirapan sya" sabi ni Fedela na ngayo'y nakaupo na sa harap. Napabuntong hininga naman si Reynaldo. "Ayaw namin ng gulo, dadaan kayo dadaan ang sundalo. Tinatanong nila kami pero sinasarado namin ang bibig namin. Hindi dahil sa kumakampi kami sa inyo, pamilya na rin namin kayo saksi tayo sa isat isa kung pano tayo lumaki. Pag mag sasalita kami sa gobyerno wala silang ibang iisipin kundi ang tugisin kayo. Nasa bundok kayo nasa patag lang kami, siguradong babaha ng dugo pag nangyari iyon. Si Lualhati lalaki syang hindi makapag aral, puro tago lang ang ginagawa. Di mag tatagal lalaki sya't mapapansin nyang di sya normal. Kaya pakisusap ko sayo Reynaldo, kung gusto mong mag patuloy sa ginagawa mo ngayon at ayaw nyong makipag cease fire sa gobyerno iwan mo nalang ang bata dito. Wag mo nang idamay si Lualhati" mahabang sabi ng matanda, muling napahugot ng malalim na hininga si Reynaldo. 

"Hindi kasi ganun kadali Inang" mahinang sagot ni Reynaldo sa pinakamatandang babae sa lugar. "Ayaw ko din naman nito Nang, pero wala akong magagawa utos ng nasa taas" napa yuko ito at umiling iling.

"Alam ko nahihirapan kana" hinagod ng matandang Fedela ang likod ni Reynaldo. "Huwag kang mag madali sa pag disesyon, basta ang isipin mo ang kaligtasan ng anak mo" Tumango tango na lamang si Reynaldo sa sinabi ni Fedela. "Kung sana nandito lang si Nazomi matagal na itong natapos" agad na lumadas ang luha ni Reynadlo na agad nya namang pinunasan "Wag kalang mag pa ka aso jan sa taas Reynaldo, alam mo kung gaano sila kadumi" maka hulugang paalala ni Fedela sa kanya bago lumayo.

"Manang, pabili po ng yosi" agad na umayos ng upo si Reynaldo sa narinig nyang boses. Mula sa pag kakayuko, dahan dahan nyang itinaas ang ulo. Naka combat na sapatos ang apat na lalaking nasa harap nya. Suot suot nila ang unipormeng galing sa gobyerno na ang lalarawan na silang sundalo. Kapansin panis ang mga dog tag na suot nito. Isang dayuhang sundalo at talong pilipinong sundalo. Umayos si Reynaldo  ng upo.

Being VictimsWhere stories live. Discover now