Kabanata 4

3 1 0
                                    

Kabanata 4

Cold

"Tss." Nasabi ko nalang sa sarili ko ng dahil sa nangyari at diko inakala na maririnig yun ni kaizer kaya nag sisimula nanaman siya sa pangungulit niya sakin.

"You okay?" Kaizer asked. Tumango nalang ako at dumiretso na sa booth na kung saan mag sa-sign sa PEC. Interesado talaga ako rito kasi i have this gut na mag e-enjoy ako sa upcoming na event ng PEC.

"Hey! Isulat mo nalang yung pangalan nating lahat!" Pasigaw na sabi ni Kloe. Nakalunok na naman siguro ng megaphone kanina.

"Pwede ba? I know what im gonna do okay? Dina need yung pag sigaw-sigaw mo!" Binulyawan din ni Kayleen si Kloe. Mag aaway na naman ang dalawang to. Ang ingay pa naman nilang mag away. Tss.

"Nye! Nye! Nye!" Pang iinis ni Kloe sa kaniya.

"Pati ba naman dito?!" Singhal ni Klivel sa dalawa. Oh-oh!

"Tsk. Tsk." Sabay pa naming sabi ni Kaizer na may pailing-iling pa. Kaya nagkatinginan kami at natawa nalang ng palihim. Bestfriend talaga kami ng mokong nato!

"Ako na nga lang! Wala tayong mararating sa pasigaw-sigaw niyo. Maraming nag hihintay na matapos tayo oh?" Nagtitimping sabi ni Kliv at nginuso yung mga taong nag hihintay na matapos kami. Alam ko na maraming mag sa-sign dito dahil sa upcoming event nila.

"Sorry na guys. Dont worry we will make it mabilis." Kayleen explained. Kloe just rolled her eyes. You know Kloe, she hates explaining and umaandar naman ang kanyang pagiging bitch.

"As expected." Bigla-bigla nalang sumulpot si Nile presidente ng PEC kung saan at sinabi yon sa aming lahat na nandoon.

"What do you mean?" Nalilitong tanong ni Kaiz.

"See you next week guys." Sabi niya and it's creepy. For pete's sake! Bago siya umalis may sinabi siyang nagpakilabot sa aming lahat na nandoon sa booth.

"Be ready. Once you'll enter, there's no turning back." At saka siya umalis sa booth. Agad naman akong naka hinga ng maayos nung umalis siya. Geeez! His presence must be creepy because of his voice!

"Uhhmm. Krish? Pwede ba'ng punasin mo yung pangalan naming lima?" Parang natakot na saad ni Kliv kay Krish na kanang kamay ni Nile.

"HAHAHAHA!" Tawa ni Krish at pareho lang sila ni Nile na may nakakatakot na boses. Ba't ba kasi kami napasubok dito? Kaizer naman kasi eh!

"Once you'll enter, there's no turning back." Pag uulit ni Krish sa sinabi ni Nile kanina. At binigyan niya lang kami ng isang nakakatakot na ngisi bago ibinaling ang atensyon sa mga mag sa-sign pa.

"Pa'no nato?" Natatakot na saad ni Kayleen kay Kaizer at Kliv. Agad naman silang tumingin sa'kin. Eh?

"Ano?"

"Ano'ng gagawin natin Phoeb? Hindi na daw tayo pwedeng mag back-out. Nakakainis naman kasi to si Kaiz at Kliv eh! Sa lahat lahat na ma-tripan ba't ito pa?" Sabi ni Kloe at itinuro ang booth. Natatakot nadin sila.

Lumapit ako sa dalawa at inuntog ng sabay ang kanilang ulo para magising sa kahibangan na ginawa nila. Pero wala na akong magagawa kahit ilan pang untog yung gagawin ko sa kanila naka-sign na kami. Miyembro na kami.

"Aray naman!" Inis na sabi ni Kliv.

"Huwag mo'kong madala sa inis-inis na yan Klivel ha?! At ikaw naman Kaizer! Sa lahat-lahat na napag isipan mo'ng trip ito pa? Ito pa na alam mong mapapahamak tayo? Tss. Ang ganda ng trip mo! EXCITED nga ako eh!" Sarkastiko kong sabi at nagagalit na talaga ako. Hindi ko na napigilan. Kasi kapag hindi ko pato pagsasabihan ang dalawa, hindi to sila titigil sa mga ginagawa nila.

"Si Kaizer naman kasi talaga ang nag hatak sakin ne'to eh?!" Singhal ni Kliv kay Kaizer.

"Oo ako nga! Pero sino ba satin ang agad-agad na pumayag?! Hindi lang ako ang may mali dito!" Sigaw pabalik ni Kaizer kay Kliv.

"Ano ba naman kayo! Hindi ba kayo nag tatanda? Aba't ang tanda-tanda niyo na nag sisihan pa din kayo? Eh lahat naman tayo may kasalanan dito! Dahil lahat tayo ay nag padala sa excitement at hindi man lang natin naalala na posibleng may mangyaring ganito! Pero wala na tayong magagawa. Nandito na eh. Nangyari na. Kaya ang gagawin nalang natin ngayon ay harapin natin ng sama-sama." Mataas at mahinahon pa'ng sabi ko. Hiningal ako do'n ah? Kung di'to tatalab sa kanila tong litanya'ng to. Iiwan ko talaga sila.

"Da best ka talaga bunso!" Sabi ni Kliv at dinamba ako ng yakap.

"Tss." Sabi ko tsaka tinulak siya. I hate hugs. Eeww.

"Para ka talaga'ng di babae." Ngisi-ngisi pang sabi ni Kaiz.

"Di lang nag pa-hug dina babae? Eh kung ikaw kaya yung iuntog ko diyan? Ulit?" Natatawa ko'ng sabi kasi natakot ko siya. Akalain mo nga nama'ng isang KAIZER STANFORD ang matatakot sa isang babae? Hahaha!

"Ang sadista mo talagang babae ka!" Sumulpot si Kloe at sinapak ako sa braso ng mahina.

"Tss." Maka sadista eh parang di naman siya sadista! Tch!

"I love you talaga Phoeb. I don't know nalang talaga kung wala ka dito sa squad natin." Sabi ni Kayleen at niyakap ako ng tama lang. Kaya niyakap ko siya pabalik.

"Aba Phoeb! Nakakatampo kana ha? Buti pa si Kayleen niyakap mo nung niyakap ka niya? Pero nung ako yung yumakap sayo itinakwil mo pa ako!" Naiiyak na sabi pa ni Klivel. Tss such a gay!

"Bading! Li'nga kayo!" Tawag ko sa kanila at nag group hug kami.

Kahit ano man ang paparating na problema sa barkada namin. Haharapin at haharapin ko eto. Wag lang silang masaktan. Ganito ko sila kamahal eh.

"Ang drama naman natin?" Sabi pa ni Kliv.

"Ikaw lang!" Sabay naming sigaw apat sa kaniya. Hahaha!

"HAHAHAHAHAHA" Tumawa kaming lahat at nag desisyon na pumunta muna sa mga clubs namin. Ako pupunta muna ako sa Musika La Mika Club para ma follow up yun. Ayaw ko namang pabayaan yun.

Pagpasok ko palang sa Theater kung saan sila nag papa-audition ay may narinig na akong pamilyar na boses pero hindi ko makilala yun. Basta pamilyar lang siya. Kaya dahil sa nag gandahan ako sa kaniyang boses dahil sobrang lamig pumasok ako at tiningnan kung sino yung nasa stage. Talaga nama'ng napa nganga ako ng literal na'ng nakilala ko kung sino ang nasa gitna na nag-gitara pa at pumipikit pa. Hindi ko akalaing na may ikakalamig pa yung boses niya kapag kumakanta siya. Nang dahil sa pag-kanta niya lahat ng tao sa theater ay talagang titig na titig sa kanya. At bakas sa mukha nila ang pag kalito dahil hindi ito pamilyar sa kanila ang taong nasa gitna ng stage. Pero ako sigurado akong siya yon. Yung lalakeng may PK na necklace, yung lalaking sing lamig sa yelo yung treatment at boses,yung lalaking nag papatibok ng puso ko at yung lalaking binibigyan ako ng ganito ka sakit nang ulo. Hindi ko maipaliwanag ang sakit ng ulo ko. Halos gusto ko nang pumikit pero nilalabanan ko pa kasi hindi pa siya tapos.

"I hope that I can turn back the time to make it all allright PK... 🎶" At natapos ang kanyang kanta na nag iwan ng malaking tanong sakin. Who the heck is PK?! Bago ako nahimatay naramdaman ko pa yung prisensya niya. At alam kong siya yun dahil sa lamig na dulot niya.

Since ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon