DUWENDE

136 3 0
                                    

Duwende

Hello po. First time ko lang magsend ng story dito. Palagi lang kasi ako nagbabasa dito so ayun, ginanahan akong magkwento.
Bata pa lang po ako marami na kong nakikitang kung ano ano. Sa lahat ng nangyaring katatakutan/ kababalaghan, eto talaga yung di ko makakalimutan.

Mag grade 1 na ko nung nangyari to. 6 years old ako nun. 2009 to nangyari.
Pagod ako nung araw na yun, Pagkauwi ko galing sa mga tita ko natulog agad ako, kakagaling ko lang kasi sa lagnat. Natulog ako ng nakapanty lang hahaha, Bata naman kasi, so maggagabi na nung nagising ako kasi alam kong naihi ako. Bumangon ako para magpalit. So ayun, pumunta ko dun sa kabilang bahay, dun sa mga pinsan ko, (dikit dikit kasi bahay namin)  nandun kasi yung damitan ko, pagbukas ko nung cabinet ako, nagulat ako sa nakita ko. Mga dwende. Di ko alam nangyari sakin nun, Parang ang saya saya nila nung nakita nila ko. Alam kong mababait naman sila.
Tapos sabi sakin ng mga tita ko, Nahimatay daw ako, akala nila patay na ko kasi halos sampalin na nila ko magising lang ako, nung umiyak na yung isa kong tita, dun lang daw ako nagising.
Minsan, Kapag naliligo din ako bigla na lang sila nagpapakita, Masaya ako kapag nakikita ko sila.

Next naman po, 2010 po ito nangyari. Ito po ay isa sa mga experience ng tita ko. So nandun kami sa bahay ng Mommy ko, Sa gilid kasi ng hagdanan namin may poon, Mahal na Poong Nazareno, Araw araw kapag mga 4 or 5:00  na nun Lagi kaming nagrorosaryo, Mga 5:30 natapos na kami so sabi ko sa tita ko mauuna na kong umuwi, Pumayag naman siya. Umupo muna siya saglit. Tas pakiramdam daw niya may something. So Nagulat siya sa nakita niya, Pagkita niya sa kabilang bahay, sa may bintana may nakatayong dwende. Puting puti daw ang balbas na parang bulak, (nakalimutan ko na kulay ng damit at sapatos hehehe tulog na kasi si tita di ko matanong) kumakaway kaway pa daw sa kanya, basta daw parang si Santa Claus lang. nung tatawagin na si Ate Mel (di tunay n pangalan) Nakita daw niya na parang bula daw na unti unting nawawala yung dwende.
Yung next namang pangyayari, same person lang din sa tita ko, 2010 din, After din niya magrosary, Lagi niya kasing gawi na maupo muna, May bike dun sa tapat niya, gawing kanan, So ayun nga parang may nararamdaman siyang kakaiba, Paglingon niya, nakaupo nung dwende, Nakangiti, Kumakaway na naman sa kanya, Nung tinawag spniya ulit si Ate Cam at Kuya Nik (di tunay na pangalan) Nawala na naman yung dwende.
Sa totoo kang, sa tuwing nagpapakita siya tumataya si tita sa jueteng, Palagi silang nananalo.
Sa Kaibigan naming dwende, Gusto ko lang mag thankyou,️Sana makita ulit kita kahit saglit lang. Hehehe.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala, Kahit 13 na ko ngayon, Hindi pa rin kita nakakalimutan.
Sana Walang bad comments po. Thankyou sa nagbasa. Hehehe.

Nyx
Angat, Bulacan

TRUE HORROR STORIESWhere stories live. Discover now