FAIRY TAIL

78 2 0
                                    

Fairy Tail

Hii! Sana maipost po ito.

Alam kong nabasa nyo yung title so, siguro iniisip nyo na based to sa anime na to but no. Kung yung iba sainyo sinabi na dun ko kinuha, hindi rin, sana maniwala kayo. Also first time kong magpost dito sa spookify at sana respetuhin nyo po kwento ko :) salamat!

May babaeng galit kayla Mommy at pumunta sa bahay namin, di nya lang pinaramdam na galit sya. She explored our home and had a few talks with my parents. Nung time na paalis na sya, she took pics of us family and meron na kasama sya, ako naman may solo. Umalis na sya that  day at di na namin sya nakita Ulit.

A few weeks after, nagising ako na para bang ang bigat ng pakiramdam ko, lumapit sakin yung alaga kong pusa at kinamot ko tyan nya, maya maya, palakad sya palabas ng kwarto ko at nagcollapse. Dali dali akong bumaba at sinugod sa vet namin alaga ko, dineclare syang dead on arrival at natural death lang yon.

Two days after, nanonood ako ng Fairy Tail at naiiyak sa storya ni Zeref. And yes ngayon ko lang sya napanood year 2016. Tumawag yung kapitbahay ko at nagpapasama sya sa kanila. Pumunta naman ako at niyakap ko sya kasi antagal na naming di nagkikita. Nanlamig bigla kapitbahay ko at bumagsak sa sahig, sumigaw ako ng napakalakas kasi hindi ko alam gagawin ko dahil, nasa kamay ko sya ng magkaganun at baka sabihin ng iba ay pinatay ko sya. Tinawagan ko nanay nya at sinabi nangyari at tumawag ng ambulansya. Dead on arrival si Sonic at sinisisi ko sarili ko sa nangyari.

Nasa family reunion kami at ako ang ginawang emcee sa throwbacks ng pamilya ko dahil magaling ako sa hosting. Nung nasa stage ako, napaluha ako kasi mahal ko talaga buong pamilya ko kahit yung iba matanda na, may sakit, abno o iba pa. Maya maya, isa isa silang nahilo at bumagsak sa mesa at sahig. Pati ako din, bumagsak at nawalan ng malay. Kinabukasan, naibalita sa aming barangay na namassacre yung pamilya namin at walang maitrace na killer. Ako lang yung tanging survivor.

Thinking na ako may kasalanan, lumayo ako at tumira sa marikina magisa, ng makasalubong ko yung isang albularyo, dinala nyako sa bahay nila dahil may masamang elemento daw nakapaligid sakin, sabi ng albularyo, kinulam ako ng isang babae at dahil don, pagpinahalagahan ko yung mga tao sa paligid ko, mamatay sila, ang malala, walang solusyon para umayos to.

The more Zeref held life more dearly, the more he would steal kt away.

Mavis
Marikina

TRUE HORROR STORIESWhere stories live. Discover now