THIRD EYE

123 3 0
                                    

Third Eye

Hi, first time ko mag share ng story ko dito sa spookify. May third eye ako, literal na open siya.

Nagsimula to nung bata ako, nakatira kami sa bacoor sa dating bahay ng lola ko. 3months old pa lang ako nung lumipat kami don. Nung lumaki ako nagsimula lahat.

1st event. Natutulog kami ng ate ko sa kwarto nila mama na dating kwarto ng lola ko. Nagising ako kasi naramdaman kong may tumabi sakin, pagdilat ko nakita ko Lola ko nakatingin sakin at parang may sinasabi sya. Ginising ko ate ko sabay tumakbo kami palabas ng bahay. Di kami umuwi hangga't di nadating parents namin.

2nd event. Grade school ako, madaling araw na non. Ginising kami parents namin para sabihin na pinatay yung isang lola namin which is mother ng papa ko. Umalis sipa papa para pumunta sa bahay nya na crimescene. Habang umiiyak kami sa bahay nagdadasal kami ng ate ko then may naramdaman akong malamig na dumaan saamin..

3rd event.  Grade 6 retreat namin sa school lang overnight, yung room namin malapit lang sa guard house at ang likod bakanteng lote na may sinisimulan na building. Habang nasa field pa kami napatingin ako sa teacher ko na nasa second floor at may inaayos then suddenly, natulala ako. May nakatingin sakin na bata, at inaaya ako na umakyat sa 2nd floor. Napaluha ako kasi yung mukha nung bata may dugo kaya alam kong hindi sya totoong tao.. Di ako kumibo hanggang matapos camp fire namin. Pagpasok namin sa rooms after 1hr lights off na may narinig kaming sumigaw. Humihingi ng tulong.. Di namin pinapansin hanggang sa nakatulog kaming lahat. After nung retreat, kinausap ko yung teacher ko, sinabi ko sakanya lahat. Ang sinabi niya lang sakin "alam ko yun, nakita ko din siya. Gusto nya makipaglaro, nagkataon lang na ikaw ang nagustuhan nyang makalaro kaya tinignan ka nya. Mabait na bata yun."

4th event. May activity sa school, inabot kami ng gabi kasi may inayos kami sa booth namin. Pupunta sana kami sa church nang pagtingin ko, napatigil ako. May nakita akong babaeng naglalakad sa isle ng church. Buntis sya at kasama nya yung bata na nakita ko.. Sabi ko sa mga kasama ko, wag na kami tumuloy.

5th event. High school na ko, 1st year sa UPHSD Molino Campus. may pinapractice kami. Nung pauwi na kami, sumilip kami sa isang classroom kasi nakita ko may pumasok na estudyante, pagkita ko babae naka uniform ng perps pero nagtataka ko nakaupo sya dun pero walang kasama. Hanggang sa napansin ko yung dugo, dugo sa bandang leeg nya.

6th event. Pag uwi ko nang bahay galing school nag selfie ako. Background ko bintana ko. Di ko pinansin hanggang sa pag upload ko ang daming comments na may tao sa likod ko. Pagtingin ko meron nga, mag asawa. Naka wedding dress na ang style parang pang kastila.. Tapos yung lalake naka barong. Until now hindi pa din sila umaalis sa bahay. One time may bisita kami, may third eye din sya pero sya nakikita yung mangyayari sa future. Bago sya pumasok sa bahay nakausap nya daw yung dalawang matanda. Ang sinabi lang daw sakanya "hinding hindi kami aalis sa bahay na to. Saamin ang lupa na ito" hanggang sa nakasanayan ko na sila sa bintana ko gabi gabi.

7th event. Naiwan ako sa bahay mag isa. Nanonood ako nv The Fault In Our Stars sa sala namin. Habang nanonood ako, yung sofa namin napansin ko may bumakat na kamay. Akala ko wala lang, pero nalintikan na. Ang tindi nung bakat ng kamay. Madiin talaga siya.

And last, retreat namin ng 4th year. May sariling retreat house ang UPHSD sa Laguna, bundok sya. Literal pero maayos naman. Malamig kaso yung pagkaen lang talaga hindi masarap. Hahaha okay to cut the super long story short. Tulugan na, tapos na kaming maligo lahat. Hiwalay ang girls sa boys. Nasa dorm kami, nung malapit na magpatay ng ilaw yung isang classmate ko pilit na nag iingay. Tinanong ko sya kng bakit, ang sagot nya may nakatingin at may manggugulo sa atin mamaya alam kong nakikita mo sila. Napalingon ako sa pintuan ng cr, may nakatayo. Putahamnida! Tapat ng kama ko pa. Letse. Di ko pinansin. Pero takot ako, swear. Takot na takot. Nagtabi kami nung classmate ko nag usap kami kng ano pwedeng gawin.. Hanggang sa napagkasunduan namin na manahimik at wag magsasalita sa mga classmates namin. Di kami nakatulog, tinignan lang namin yung babae. Palakad lakad lang sya. Pabalik balik. Pero nagulat kami nung sumigaw isang classmate namin. May patay na palaka sa tabi nya. Sabay may kumakatok sa bintana. Eh alam namin bangin labas ng bintana. Nalintikan na ulit. Nagkagulo na kami sa dorm nung naglabasan kaming girls, nagilat kami yung boys takot na takot din. Same din may kumakatok sa bintana nila at may nagsasalitang malaking boses. Kinaumagahan, may spiritual churva kami (nakalimutan ko tawag eh) bigla nyang sinabi "alam nyo bang tatlong tao sainyo ang may third eye? Pero isa lang sainyo ang hinahabol ng mga multo." Nagtanong mga classmate ko kung sino pero sumagot si father na hindi nila pwedeng malaman dahil delikado. Naglakas loob ako na kausapin si father, at ang bungad nya sakin "mag iingat ka palagi iha. Alam kong alam mo na ikaw ang tinutukoy ko kanina. Hindi pa yan bukas na bukas pero ang dami mo nang nararamdaman at nakikita." Ang sagot ko saknya "father, ano po bang dapat kong gawin? Natatakot po kasi ako." Ang sagot nya, mas matakot ka sa buhay wag sa patay. Biniyayaan ka ng Diyos ng extra ordinaryong kapangyarihan na bibihira lang" sagot ko "dapat po ba akong matuwa? Di po ako sanay ng ganito father" at huling sagot nya sakin "masasanay ka din." Simula non, mas nakakakita na ako. Natatakot ako pero wala akong choice. Wala akong magawa.

Pero ang pinaka tumatak sa isip ko na nangyari sakin simula nawala lola ko na pinatay napapanaginipan ko sya. Humihingi sya ng tulong sakin. Ilang taon yon. Nagpapakita din sya sakin sa bahay namin pero sa tuwing lalapitan ko sya lumalayo sya sakin.. Pero last year, huling beses na napanaginipan ko sya. Ang sinabi nya lang "magpapaalam na ako.. Masaya na ako ngayon.. Matatahimik na ako.. Mahal ko kayo.. Wag ka nang malulungkot ha? Andito lang ako palagi, babantayan ko kayo. Babye." Sabay ngumiti sya.. At yun na ang huling beses.. Nung napanaginipan ko yan, kinabukasan nalaman namin na namatay yung isang kamag anak namin na kasama nya dati sa bahay...

Sorry ang haba. Wala akong mapagsabihan na iba. Minsan bawat lingon ko may nakatayo sa isang gilid. Minsan may batang tumatakbo. Pero ang madalas don yung mga panaginip kong hinahabol nila ako. Natatakot ako, takot na takot na ako.

Kath
Bacoor

TRUE HORROR STORIESWhere stories live. Discover now