Chapter 1

6 0 0
                                    

Halos 3 weeks na akong pumapasok dito sa bago kong school. Everything is just normal. New friends, new life. Aral dito, aral doon.

Sa library ako kasama ang mga kaibigan ko. Sila Nina, Vivoree. Mahilig kasi kami magbasa ng libro. Anyways, share ko lang din na mahilig sila sa gwapo. Hahahaha. Ewan ko ba jan sa kanila, may makita lang na gwapo eh, kala mo magnet na yung mata nila. "Omg bes, pogi alert!!!!" Pabulong na sabi ni Nina. Agad tumingin si Vivoree sa likuran namin, at sumunod na din ako. "Omg. Oo nga bes. Ano? Diskartehan natin?" Sabi ni Vivoree. "Uy nakakahiya ba kayo" sabi ko naman sa kanila. "Wala yan. Suss, di ka pa ba sanay saamin?" Sabay nag act si Nina na para bang detective expert. "Balita ko, famous daw sila dito sa university" sabi ni Vivoree.

Mga nasa 4 silang grupo. As if gwapo naman talaga silang apat pero mas mataas nga lang yung sex appeal nung isa. Pero hindi ako na-aattract. Sila lang. Ewww.

Mga ilang oras na din ang nakalipas, kami nalang tatlo ang natira doon. Saktong palubog na ang araw kaya nauna nang umuwi yung dalawa at ako nalang at yung librarian ang nasa loob. Tinulungan ko siya iligpit at umuwi na din.

6:30 na ng hapon noong naglalakad ako mag-isa sa side walk. Tutal malapit lang naman yung sakayan dito ng jeep e. Binilisan ko yung lakad ko, dala dala yung backpack ko at yung libro ko ng hindi ko napansin na may nabunggo na pala ako. Naglalagan yung dala kong libro. Kaya agad ko naman itong dinampot. "Sorry talaga ha. Nagmamadali lang talaga ako."

"Okay lang. Haha" sabi ng nabunggo ko. Tumingin ako sa mukha niya. 0____0 yung lalaki kanina sa library. Umupo siya at tinulungan ako ligpitin ang nahulog kong mga libro. "Sa susunod kasi, mag ingat ka." Tinap niya yung noo ko sabay ngiti. Omg. Biglang nagtaasan yung mga balahibo ko. "Sige. Ingat ka ha." Nag bye na siya saakin at kumaway na din ako pabalik habang naglalakad at sumakay na sa jeep. Ang weird lang. Sabi kasi ng iba, batas daw yan sila. Kahit babae pinapatulan. Haaays ang gulo.

Fall for me, Elliah (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon