Naglalakad kaming tatlo nila Vivoree sa school. Habang napasarap ng kwentuhan sila Vivoree at Nina,
"Bakit kaya kasama ni fafa Dexter si Kylie kahapon? Ewww nakakadiri mas bagay pa yata kami ni fafa Dexter e"
Alam ko na pinaparinggan ako ng mga mean girls na yun pero hinayaan ko nalang. Hindi ko naman kasalanan na magkasama kami kahapon e. Actually, si Dexter kaya ang nangyaya. Duuuhh.
"Hala bes, kailangan muna namin pala tapusin yung speech sa english. Tapos ipapaprint pa namin yun. Pwede ka? Baka kasi magabihan kami. Baka hindi ka payagan." Sabi ni Nina saakin. Okay lang naman. Naiintindihan ko. Chaaar.
"Sige. Okay lang. May gagawin pa naman ako dito sa school. Sanay na din akong mag-isa" abaaa nag hugoat si lola niyo oh.
"Aba. Grabe siya oh. Hahaha. Basta bes. Para sa project naman e."
Umalis na sila at ako nalang ngayon ang mag-isa. Medyo awkward lang kasi kanina pa talaga nakatingin saakin yung mga mean girls. Parang may inaantay sila na may mangyayare.
"Kylie!!" Si Bea, yung kaklase ko. Tinawag ako na para bang may ipapakita. Kaya lumapit naman ako kaagad. Paglagpas ko sa may hagdanan, medyo nafeel ko na may madulas akong natapakan. Hindi ko alam kung ano yun. Pero bahala na. Sigurado akong gawa ito ng mga mean girls. Nararamdaman ko na babagsak na talaga ako.
Dexter's POV
Shit! Bakit pa si Kylie? Pwede naman sa ibang babae na mas sexy. Mga loko loko talaga yung mga kaibigan ko. Ang hirap kaya magpanggap. Kung hindi na sana ako sumama sa mga kaibigan ko. Bwiset.
*Flashback*
"Pare! Wag ka muna umuwi! Tara laro tayo" sabi ni Keith saakin. "Balita ko kasi playboy ka daw. Hahaha! Sige nga patunayan mo!" "Hahaha! Oo nga Dex, patunayan mo naman na lalaki ka!"Tinitigan ko sila ng masama. Wala ako sa mood makipagbiruan. Kaya tinalikuran ko nalang sila. "Oh? Teka? Akala ko ba lalaki ka? Sige. Para patas, kailangan mapa-fall mo sayo si Kylie. Tapos, saktan mo. Pag nagawa mo yun, hindi ka na namin sasabihan ng bakla. Ano game?" Gago to ah. Oo, inaamin ko na ayoko ng sinasabihan akong bakla kasi bumabalik sa isipan ko lahat ng pinagdaanan ko noong bata pa ako.
Nakatayo lang ako at nakatulala.
"Anjan na si Kylie!" Pabulong na sabi Paul. Isa sa mga barkada ko. Tapos tinulak ako ni Keith sakto kay Kylie at nagkabungguan kami. Tumingin ako sa kanilang tatlo na humahagulgol sa tawa habang tumatakbo palayo. Wala na akong magawa kundi gawin ang pinapagawa nila saakin. Kailangan ko magtiis, dahil sa tuwing sinasabihan nila ako ng bakla, unti-unti akong nawawalan ng lakas ng loob. Unti-unti din bumabalik ang nakaraan.
*End of flashback*
Dito ako ngayon sa rooftop. Mag-isa, at unti-unti na nabubuo ang nakaraan na ayoko na ulit pang maalala.
Bumaba ako pagkatapos ko magpahangin ngunit nagulat ako nang may natumba saakin, buti nalang nasalo ko kaagad. Medyo pahiga kasi yung bagsak niya kaya ang hirap balansehen ang paghawak ko sa kanya. Pagkatapos nun, tinulungan ko siya na tumayo, kasi halatang na-shock siya sa nangyare. "Okay ka lang ba miss?" Nakatalikod pa din siya habang inaayos yung uniform niya. Tapos humarap siya saakin.
"Kylie?" Nagulat ako. As in sobra. Inaayos ayos niya yung buhok niya. Halatang putlang putla sa nangyare.
Kylie's POV
"Kylie?" Nakatingin lang saakin si Dexter. Paano nangyare yun? Magic? Impossible na may magliligtas saakin sa sitwasyon ko kanina. Tinignan ko kung ano yung madulas na natapakan ko kanina, nakita ko yung balat ng saging na tumilapon sa unahan ko. Nahalata ko na tumawa si Bea pati yung 2 mean girls na nakatitig saakin. Dun ko napagtanto na gumawa sila ng set na prank.
"Uy, okay ka lang?" Hinawakan ni Dexter yung dalawa kong pisngi. Sabay niyakap niya ako. 0___0.
Nagtaasan ang balahibo ko. Tapos parang may naramdaman akong kakaibang feeling na para bang nakaramdam ako ng care or something. Basta ganon. Prrt!!!!! Wag kang ganyan Kylie!! Wag kang paapekto! Niligtas ka lang niyan! Nasa peligro ang buhay mo kanina!!
"Uy!" Halata sa mukha niya na alalang alala siya. Nabigla lang ako nangyari kaya ayun.
"Ha? Oo. Salamat" tapos pinagpagan ko yung sleeves ng uniform ko pati palda ko kasi medyo gumusot.
"Ah. Kala ko naman hahaha. Sige. Ingat ka sa susunod ha."
"Sige"
Umalis na si Dexter. Habang papalayo siya, nakita ko yung tatlo, masama ang tingin saakin.
BINABASA MO ANG
Fall for me, Elliah (EDITING)
RomanceDahil sa isang dare, nagkakilala kami ni Dexter. Miyembro siya ng isa sa mga grupo ng mga sadista sa school namin. Isa pa, sobrang sikat sila sa university. Sa sobrang close na namin, na-fall ako sa kanya. Ang hindi ko alam, dinare lang pala nila si...