Pag uwi ko, siyempre ginawa ko muna yung mga assignments ko. Tapos chineck ko ang facebook account ko.
*You have new message (1)
Sino kaya nagmessage saakin? Ging click ko yung nagpop up na notification.
Loaaadingg......
Dexter Reyes: Hi! :)
0____0 omg. Ano kaya ang kailangan nito saakin? Narealize ko na yun pala yung nabunggo ko kanina. Hmm.. Dexter pala yung pangalan niya?
Agad naman akong nagreply ng hello dahil active siya ngayon. Nakakahiya naman pag i-seseen ko lang siya diba.
Dexter is typing.........
Dexter Reyes: Kamusta?
Me: Okay lang naman. Hehe ikaw?
Dexter: Okay lang din ako. Buti naman naka uwi ka ng ligtas :)
Me: Haha. Nagmamadali lang talaga ako kanina. Sorry.Ano bang intention nito saakin? Baka mamaya rapin ako. Mygad.
Dexter: Ah. Okay lang haha. Pero sa susunod mag ingat ka ha ;)
Omg. Ano yang may kindat kindat effect niya? Baka na-typo lang siya. Nag bye na ako kaagad kasi kailangan ko na mag beauty sleep. Haha.
-------------
"Ella, tingin ka ba sa likod mo." Sabi ni Nina habang kumakain kami sa canteen. Tumingin ako sa likod ko, nakatitig si Dexter sa akin. Yung para bang kakainin niya na ako ng buhay. Jsq. Wag ako pls. Kasama niya kumakain ang buong grupo niya. Biglang nagbilis yung tibok ng puso ko. Heart attack na ba to? May sakit ba ako? Ano ba yan Kylie. Kung ano ano nanaman pinag iisip mo. "Iba ka bes" singit ni Vivoree. "Oo nga, haba talaga ng hair mo hahaha" nagtawanan lang yung dalawa habang patuloy ako na kumakain. Mga ilang oras ay pumunta na kami ng library. Uwian na din kasi namin kaya tambay muna kami doon. Ganon talaga gawain namin.
Habang nakaupo kaming tatlo sa isang table, biglang may narinig akong boses na pamilyar. "Hi Kylie!" 0___0 "Dexter?" "Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong sinabi. Napatingin ako sa reaction ng dalawa, halos mamatay na sila sa kilig. Nakakahiya talaga sila. Hay nako. Hindi ko alam kung bakit ko ba sila naging kaibigan. "Ah eh? Pwede ka ba sumama saakin?" Nahihiya niyang sabi habang nakalagay ang kanang kamay niya sa kanyang batok habang bitbit naman niya ang libro sa kaliwang kamay. Nakatingala lang ako sa kanya habang kausap siya. "Sorry, pero baka kasi magtampo yung mga kaibigan ko" dahilan ko para maiwasan si Dexter. Ano kaya ang gagawin niya saakin? Rapin? Oh no way!! Sana naman umalis na to sa harapan ko. "Hindi okay lang saamin ni Vivoree." sabi ni Nina na alam ko sa loob loob niya na kinikilig siya. Titig niya palang nga e. "So, tara?" sabi ni Dexter.
Naglalakad ako.. este.. kami ni Dexter ngayon. Wala akong magawa. Alangan naman tanggihan ko diba? Mas nakakahiya. Medyo awkward kasi wala man lang saamin ang nagsasalita. Kaya inunahan ko na. "Uhm... san tayo pupunta?" sabi ko. Jsq po. Sana naman po wag ako malasin. Ikaw na po ang bahala saakin Lord. "San mo ba gusto?" nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko kasi may masama siyang balak. At isa pa, batas daw siya dito e. "Ha? Ikaw nga yung nangyaya tapos ako yung tatanungin mo?" Ano to? So weeird lang. Date ba to? Huh? Ang guloooo! Promise. Hindi naman sa pag aasume ha pero bakit ako? Ang dami namang mas magaganda sa school namin. Makinis, maputi, sexy. Ughhh!! Naguguluhan talaga ako."Sige. Uhmmm....." tumingin siya sa langit at hinihipo hipo ang baba niya. Yung tipong nag-iisip. "Ah alam ko na!!" Biglang nagkaroon ng buhay ang mukha niya. "Gusto mo ba kumain sa mcdo?"
Dito na kami ngayon sa mcdo. Ang bilis noh? Hahahaha. Siyempre sumakay kami sa jeep. Ang layo kasi ng mcdo galing sa school namin. Anyways, nilibre niya ako ng fries at burger which is tinanggihan ko naman. Kasi meron naman ako ditong pera e. Pero wala e, mapilit talaga siya. Tapos nagkwentuhan kami chuchu. "E yung mama mo? Nasa abroad?" Tanong ko. Siya lang pala yung nakatira ngayon sa bahay nila. Kasi yung tatay niya daw, nag iba na ng pamilya. Tapos yung ate niya, kasama daw ng mama niya. Kaya siya nalang ang natira dito kasi kailangan niya tapusin ang highschool niya. "Oo, kasama niya yung ate ko. Hindi ko alam kung babalik pa ba sila dito." Bigla akong nauubusan ng topic. Kaya hindi naman makatiis yung bunganga ko na tanungin kung bakit niya ako dinala dito. Silenceee.... parang nag alanganin siya ng sagot. "Wala. Trip ko lang ha-ha. Tara, hatid na kita" lumabas na kami at nag abang na ng jeep. At inihatid niya na ako sa bahay.
BINABASA MO ANG
Fall for me, Elliah (EDITING)
RomanceDahil sa isang dare, nagkakilala kami ni Dexter. Miyembro siya ng isa sa mga grupo ng mga sadista sa school namin. Isa pa, sobrang sikat sila sa university. Sa sobrang close na namin, na-fall ako sa kanya. Ang hindi ko alam, dinare lang pala nila si...