A2L3T6

715 27 12
                                    

Chapter 1. * Charmaigne's POV

"Sis, parang gusto ko nang makipagbreak kay Kervin." sabe ko kay Samantha. 

Para akong lantang gulay ngayon, akala mo di pinakain ng isang taon. Wala kasi akong ganang makipag-usap sa mga tao ngayon, badtrip nanaman kasi ako kay Kervin, boyfriend ko.

"Ano nanaman bang maligno ang sumapi sayo Charmaigne Rosabelle? Anniversary niyo na next week, ngayon mo pa talaga binalak makipagbreak!" sermon saken ni Samantha.

"Hoy Samantha Nicole! Kung makasermon ka akala mo sayo ako makikipagbreak." nagsisigawan na kame.

"Alam mo naman na number one fan ako ng love team niyo kaya ganto na lang ako makapagreact. Magbigay ka nga ng three valid reasons kung bakit ka makikipagbreak sa kanya."

"First, wala siyang time para saken. Lage na lang niya inuuna yang club na yan. Second, pag may free time siya nandun na lang lage siya sa mga kaibigan niya. Pangatlo, parang di ako nag-eexist sa buhay niya."

"Ako ba pinagloloko mo? Ee iisang reason lang yun na pinaikot ikot mo para maging tatlo."

"Mahal ka naman niya. And duh, madame kayang naiinggit sayo." nagsalita ulet siya.

"Tss. Bakit naman?"

"Biruin mo, nabigay niya lahat ng gusto mo. Yung locket, infinity ring, at kung ano ano pa. Maraming mga babae ang naiinggit sayo kasi yung mga boyfriend daw nila, ni hindi daw sila mabigyan ng regalo pag monthsary nila."

"Hindi ko siya tatay para sa kanya ako humingi ng gusto ko. Hindi ko siya genie para isang wish ko lang makukuha ko yung bagay na yun. Kung naiinggit sila, edi magpalet kame ng sitwasyon. Oras ni Kervin ang kailangan ko, hindi yung mga binibigay niya."

"At least nag-eeffort siya na ibigay sayo yung mga bagay na yun."

"Samantha, kahit ako kaya kitang ibili ng mga bagay na binibigay niya saken."

"Ano ba Sis! Matuto kang mag-appreciate. Lahat ng binibigay niya sayo ay parte ng memories ng relationship niyo."

 "A memory is what is left when something happens and does not completely unhappen. Never magiging memory ang relationship namen, kasi naniniwala akong di yun mag-eend." sagot ko, talagang memorize ang nakasulat sa dictionary? Haha.

"Yun naman pala ee. Ikaw lang naman nagsabe na gusto mo nang makipagbreak."

"Haha, Ayoko. Sobrang lungkot ko lang siguro kanina, namimiss ko kasi siya ee." ang gulo ko rin noh? Parang kanina lang gusto ko na makipagbreak.

Di na ulet nagsalita si Samantha, pero tawa siya ng tawa habang may pinipindot pindot dun sa phone niya. Naloka na ata to ee. 

"Hoy Samantha! Sino yang katext mo?"

"..."

Patuloy pa din siya sa pagtext (or whatever na ginagawa niya sa phone niya) habang nakangiti. At take note, abot langit yung ngiti niya.

Sinisilip ko yung ginagawa niya sa phone niya pero nilalayo niya yun saken pag sinisilip ko. Aba may tinatago to saken ah.

"Samantha Nicole Oliveros! Baka gusto mo kong pansinin?" sigaw ko. Nakakainis kasi ee, sobrang busy siya sa ginagawa niya. Nakalimutan niya na atang may kasama mo ako.

"Ay sorry Sis. Haha."

Tapos nun nagkwentuhan na kame ng kung ano-ano.

Hanggang sa nakikipagtext na ulet siya.

Di ko naman yun pinansin, tuloy tuloy lang ako sa pagkkwento.

"Ano sa tingin mo Sam?" hinihintay kong sagutin niya yung tanong ko.

"Sam."

"..."

"Samantha."

"..."

"Sis."

"..."

"Samantha Nicole."

"..."

"Samantha Nicole Oliveros!" tae. Naiinis na ako. Text lang siya ng text. 

"Ay... Ano yung sinabe mo?" sa wakas narinig niya na rin ako.

"Wala" sabe ko, with the coldest tone.

"Huy Charmaigne.. Sorry." nakayuko siya, pero halatang halata yung sincerity sa mata niya.

"Ano pang silbi ng sorry mo kung nagmukha na kong tanga? Kasama mo nga ako pero nasa ibang mundo yang utak mo." napakacold ng boses ko sa sobrang inis. 

"Everything happens for a reason. Masaktan ka man ngayon, tandaan mo, laging may kapalit na happiness yun." sabe niya. Huh? Anong connect ng mga pinagsasabe ni Sam? Paranoid na ata tong babaeng to ee.

"Naks Sis! Drama ah. Sang telenobela mo nanaman nakuha yang linya mo? Hahahahahaha." nakipagbiruan na ulet ako, walang patutunguhan tong kadramahan namen. Haha.

*************

Read, vote, comment.

A2L3T6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon