Chapter 3. *Charmaigne's POV
Good good good good morning!
Rise and shine!
Wee!
Ganda ng gising ko ngayon!
Anniversary kasi namen ni Kervin todaaaaaaaaaaaay!
Pero hindi niya pa din ang binabati. :( Ayoko siyang batiin. Gusto ko siya mauna. Baka kasi nakalimutan niya eh. Simpleng test lang to kung gaano ako kahalaga sa kanya. Mamaya, mas pinapahalagahan niya na yung club kaysa saken, nakow! Aawayin ko talaga siya. Haha.
Nga pala. Kahit saturday ngayon, I have to go to school kasi... Manonood ako ng play na prinoduce ng club nila Kervin.
**********
Fast forward.
Andito na ko sa school, kasama si Sam at Margaux.
Nasa harap kame ng theater sa school, binabasa yung description ng play.
Dameng arte ng school namen noh? Yung theater kasi dito parang sa mall. Maliit nga lang! Haha.
Si Brianna pala yung bida ng play. Hindi siya ganun kaactive/karecognized sa club nila Kervin kasi mas madameng 'pasikat' na members kaya di gaanong naaapreciate ang kanyang precious talent. Kaya nakakapagtaka kung baket siya ang bida ngayon. Himala, walang kumontra?
Nga pala si Brianna daw ang aking "long lost twin sister". Kamukha ko nga daw kasi yan ee. Mas maputi nga lang siya. Pero mas maganda ang mata ko sa kanya. Magkakilala kame, pero di kame friends. Baket? Siguro wala kameng connections. I mean, wala ata kameng mutual friends. Wow, mutual friends, facebook? Haha. Pero gusto ko siyang maging friend eh. :( By the way her full name is Brianna Shanice Williams. Sounds foreign huh.
Tapos yung "leading man" yung second cousin ni Kervin. Wala silang hawig, pero parehas sila ng skin color. Tsaka yung lalaking yung parehas na parehas ng ugali ni Kervin! Ang name niya Timothy Joshua delos Reyes.
Pagkatapos namen basahin yung play description pumunta na kame sa loob. Talagang sa harap pa kame umupo kasi sabe ni Sam dapat maging memorable ang first play na papanoorin ko.
Naghintay pa kame ng mga 30 minutes. Alam niyo naman, pag sinabing 1 PM, 2 PM magsstart. Filipino time. Deal with it.
At eto na nga, nagsimula na yung play.
Bawat linya, bawat scene sa play na to, sobrang pamilyar. Hindi ko alam kung bakit. Pero di talaga ako mapakali kung saan ko to nakita.
Arrrgh. Nakakacurious.
Dame kong tanong sa sarili ko.
Napanood ko na ba to?
Napanaginipan ko na ba to?
Ahh basta. Ang gulo, pero I'm still trying to concentrate on the play. Para naman hindi masayang ang effort ko na gumising ng maaga para mapanood to. :P
********
At eto na nga. Tapos na ang play. Pero di pa din nagcclose ang curtains.
Nagtaka nga yung audience eh. Yung kaninang nakaconcentrate sa play, ngayon para nang nagrarally sa EDSA sa sobrang ingay, nagrereklamo kasi sila, kung bakit di pa din nagcclose ang curtains eh wala na namang lumalabas sa stage.
After 3 minutes, may lumabas dun sa malaking projector. Pictures nila Brianna at Timothy. Ganto pala sila behind the camera (naks parang sikat na artista, behind the camera pang nalalaman). Ang vain, slideshow ng pictures nila. Ang dameng pictures, sobra. Yung iba, aware sila, yung iba stolen.
BINABASA MO ANG
A2L3T6
Teen FictionMy first ever short story. ♥ A sweet anniversary surprise :) KERVIN RALPH DELOS REYES & CHARMAIGNE ROSABELLE LEE. Read, vote, comment. :)