Screaming, crying, perfect storms
I could make all the tables turn
Rose garden filled with thorns
Keep you second guessing like oh my god
Who is she? I get drunk on jealousy
But you'll come back each time you leave
Cause darling I'm a nightmare dressed like a daydream 🎶"WHAT?!" galit kong sagot sa tumatawag ngayon sa cellphone ko. Psh. Siguraduhin lang nitong taong to na mahalaga ang sasabihin nya. Mas mahalaga pa sa pagtulog ko ngayon.
"Young lady! Ganyan na ba ngayon ang pagbati mo sakin? Umagang umaga ang init ng ulo mo!" Galit din na sagot nya. Crap. Napalayo ko ang telepono sa tainga ko sa lakas ng sigaw nya.
"Now what? Ano bang kailangan nyo?" Sagot ko. At napaupo sa kama ng may pagkabagot.
"Lilipat ka ng school." Kalmado nyang sagot.
"What?!Ayoko!" Automatic na Napatayo ako sa kama ko at pumunta sa terrace ng kwarto kung saan kitang kita ang buong lugar sa labas at papasikat na araw. 7am na pala. Napapikit ako nang dumampi ang malamig na hangin sa mukha ko. Eto ang gusto ko. Tahimik."Wala ka nang magagawa young lady. Sa ayaw at sa gusto mo lilipat ka sa Amity Academy."
"Fck. Pwede ba?! Ilipat nyo na ako ng ibang school wag lang sa lintik na school nayon!"
"Young lady wala na kaming ibang mahanap na school dahil lahat na siguro ng school dito sa manila nakick out kana. At ngayon tumawag sakin ang principal nyo dahil nakick out ka ulit dahil sa ugali mo at pangbubully sa maraming estudyante. We have no choice kundi sa Amity academy ka ipasok.Kung ayaw mo bumalik ka nalang dito sa korea at dito ka magaral!" Inis na paliwanag nya.
"Pero--"
"Bukas ka na pumasok. Naienroll kana sa Amity Academy. Naipadala narin sayo ang lahat ng requirements at uniform mo. Ang tangi mo nalang na gagawin ay pumasok ng tahimik at magaral nang walang sinasaktan na kahit sino. You understand?"
"Yeah." Walang gana kong sagot. Bumalik ulit ako sa kama at padapang sumalampak.
"May sasabihin ka pa?" Tanong ko
"Sana magtino kana..--"Toot.toot.toot
Pinatay kona ang walang kwentang conversation namin ng daddy ko. Yeah. Daddy ko yun. At wala kayong pakialam kung ganon nalang ang turing ko sa kanya.
Anyways, Im Joyy Scarlette Sanders. 18 yrs old at kasalukuyang lilipat na ulit ng panibagong school. Oh well, normal na sakin ang lumipat sa ibat ibang paaralan at wala na akong pakialam dun. Ano bang masama sa self defense? Lumalabas pa na ako ang bully at nananakit ng taong walang kasalanan. Hindi naman ako ganon kasamang tao. But actually I consider myself as suplada, maldita, amazona at kung ano ano pa. Kahit naman ganito ako wala sa bokubolaryo ko na manakit ng walang may kasalanan sakin unless ako ang saktan nila. Lalaban ako. Psh. Hindi ako tangang babae na iiyak nalang kapag binubully sila at biglang dadating ang knight in shining armor para iligtas sya. Walang ganon. Walang forever okay?
Lumabas ako ng bahay at nakita ang malaking box na may nakasulat na pangalan ko. Hayst. kailan ba si daddy matututo na magpadala ng taong magsasabi sakin na may ipinadala sya. Tsk.
Binuhat ko ang kahon at pumasok ng bahay. Isinalampak ko yun sa sala at binuksan. Isang pares ng PE uniform at Limang pares ng uniform ng Amity academy. Yung uniform nila may pagka style ng damit sa sailor moon. Mini skirt na kulay dark violet at white longsleeve na polo with matching neck tie na dark violet din. May kasama pang black shoes na may 4 inches na heels?! Fck. Pero hindi naman required ang magheels, pwede kang magrubber at flat shoes kung gusto mo pero siguraduhin molang na may sense of fashion ka kundi pagtatawanan ka ng mga elite estupidyante doon.
Kaya ayoko magaral dito eh ayokong magmukang girly pero no choice kailangan ko tapusin ang college ko dahil ako daw ang magmamana ng kumpanya nila daddy sa korea. May pangarap din naman ako kahit papano.
Kinuha ko din ang bag at ibang supplies na kailangan ko. Para akong batang sabik tignan ang laman ng kahon. Now i know si mom ang pumili ng mga gamit kong ito dahil puro scarlet ang kulay. Tsk. May pagkachildish ang nanay ko, biruin mong pati pangalan ko, ipapangalan sa paborito nyang kulay.
18yrs old na ako, at siguro buong buhay ko ako lang ang gumagabay sa sarili ko. Busy sila sa pagpapayaman eh. Pero sinosustentohan padin naman nila ako dahil nagaaral parin ako. Lahat na nga ng luho ko naibibigay nila, kaya wala akong problema don.
Mag isa lang ako dito sa bahay. Mabuti nga't napilit ko ang mga magulang ko na sa pilipinas ako tumira magisa. Simple lang kung bakit. Gusto ko ng tahimik na buhay. Yung walang gumugulo na kahit na sino.
YOU ARE READING
Blank Space
Romance"I have learned now that while those who speak about one's miseries usually hurt, those who keep silent hurt more." ~Scarlette