Two ~ First day

2 0 0
                                    

"Tsk. Sino ba yan? Pacool masyado."

"Wow. Ang cool niya."

"Transferee yata."

"Mukhang suplada"

"Ang ganda niya!"

"Sexy"

"Sana magtagal siya dito. Tss."

Ugh. Eto na nga ang sinasabi ko e. Isa pang dahilan kung bakit ayokong lumipat sa school na to ay dahil big deal silang lahat sa itsura ng kahit sino. Kung pwede ko nga lang isigaw sa kanila ngayon na Shut up, kaya lang nasa harap ko ngayon ang principal papuntang principals office. Yeah alam kong pagsasabihan niya ako na kesyo sana wag ako gumawa ng gulo, wag mangbully at kung ano ano pang kaewanan. As if namang ganon ako.

Pagkarating namin sa room niya ay pinaupo niya agad ako sa harap ng desk niya. Maganda yung principal nila, mga nasa 25-30 palang siya.

"So Miss Sanders right?" Nakangiting tanong nya habang umuupo sa desk nya. Kinuha niya ang ballpen niya at pinaikot ikot ito sa palad niya.
"Yes miss" Walang ganang sagot ko
"Kinausap na ako ng daddy mo. Sinabi niya yung lahat ng ginawa mo sa past schools mo." Nawala ang mga ngiti nya "Pero sinabi niya rin sakin na nagagawa mo lang yun dahil self defense. Kaya Miss Sanders, please. Habaan mo nalang ang pasensya mo sa mga estudyante dito. Sana ay wag nang maulit yung mga kaguluhan sa ibang school mo, dito." Pakiusap nya.
"Pero Miss hindi ko maipapangako sainyo na hindi ko dedepensahan ang sarili ko sa ibang tao dito." Sagot ko
"Naiintindihan ko, but wag mong depensahan ang sarili mo in brutal way. Sinabi sakin ng dad mo na muntik nang hindi makaalis sa ospital yung lalaking nangbastos sayo dahil sinipa mo sya sa kanyang private part which is namaga DAW ng ilang buwan. Alam mo bang yun ang kahinaan ng lalaki Miss Sanders?" Naningkit ang mga mata nyang nakatingin saakin
"Yes miss. Kaya nga yun ang pinuro ko. Tsk." sabi ko habang naningkit din ang mata kong nakatingin sa kanya. Sa lahat na yata ng nakausap kong principal eto ang pinaka pakielamera. At sa lahat na siguro ng pwedeng magsabi sa kanya non yung tatay ko pa.
"Sana ay wag mangyari yon sa dito." Ma-autoridad na sabi nya
"Sana nga po." Sagot ko
"Sige na, pwede ka nang pumunta sa klase mo." Tumalikod sya sakin habang nakaupo sa swivel chair nya at humarap sa bintana na parang may malamim na iniisip. Tumayo na ako pero nagsalita siya ulit.
"Magiingat ka sa mga makakasalamuha mo dito" mahinang wika nya.

Pagkalabas ko ng principals office ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Ewan ko lang pero parang pinagbabantaan niya akong may kakaibang mga estudyante dito. Tsk. Who cares? Wag lang nila akong galawin magiging okay ang lahat.

Nagtungo ako sa building kung saan tinuturo ng map ang magiging room ko. Sa totoo lang ang creepy ng ibang estudyante dito. Yung iba titignan ka mula ulo hanggang paa. Yung iba tititigan kalang sa muka, at yung iba parang pagaaralan ka sa tingin palang.

Kumatok muna ako sa room ko bago ako pumasok. Pagkabukas ko ay tumambad ang maiingay na estudyante at umiiyak na guro.

"A-ah ikaw ba y-yung new transferee?" Tanong saakin ng guro habang pasimpleng pinupunasan ng panyo ang luha nya
"Yes miss"sagot ko habang nakatingin sa mga estudyante
"M-maupo ka"
"Sige po"

Tahimik na nakatingin lahat saakin ang lahat ng estudyante habang naglalakad ako sa pinakahulihan kung saan walang nakaupo. Ngunit habang tahimik din na naglalakad ako ay natalisod ako sa isang paa na sinadyang iharang ng sinuman. Napakapit ako sa desk sa kanan ko kaya hindi ako natumba. Lintek naka 4inch heels pa ako nito.

Narinig kong mahinang nagtawanan at nagngisihan ang mga magiging kaklase ko. Napapikit nalang ako habang pinigilan ang sarili kong wag magalit.
Parang walang nangyaring naglakad ulit ako sa hulihan.

Natapos ang klaseng umiiyak lang ang guro dahil sa kamalditahan at kasupladuhan ng mga kaklase ko. Mukhang hindi magiging maganda ang stay ko dito sa school na to.

Nagsitayuan na sila palabas. Siguro ay break time na. Tsk. Wala manlang akong natutunan sa unang subject. Ang hina naman ng mga prof dito. Inayos ko na ang sarili ko at tumayo para pumunta sa next class ko pero may grupo ng mga lalaki ang lumapit saakin. Apat sila.

"Hi miss." Nakangiting bati nung nasa unahan nila at umupo sa lamesa ko
"Whats your name?" Tanong naman nung isa. Mukang manyak.

"Scarlette" walang gana kong sagot at kinuha ang bag at sinubukang maglakad palabas
"Sandali!" habol saakin nung isang cute na lalaki. Mukha siyang inosente pero kita sa porma nya na mayabang sya.
"Ano?!" Supladang sagot ko at humarap sa kanya
"A-ah wa-wala pala. Hehe" napaatras sya at nagkamot ng batok habang pilit na nakangiti. Natakot ata sa pagtataray ko.

Bago ako makalabas ng pinto ay narinig kopang pinagtawanan nila yung cute guy. Tsk. Cute guy? San ko napulot yung word nayon. Ew.

A/N : Hi ulit guys. Please comment and share para mamotivate ako na lagyan ng sunod sunod na chapter to. Thanks!

Blank Space Where stories live. Discover now