Three ~ Amity Academy

1 0 0
                                    

First day ko dito sa Amity Academy. As far as i know kapag first day ko sa mga napapasukan kong school ay may mga nabubugbog o nakakasparing nakong estudyante. Pero ngayon wala. Titignan lang nila ako ng masama at ganon din ako. Gagantihan ko lang din sila ng deadly stare ko at hahayaan ko nalang sila. Mabuti na rin yung ganito. Tahimik at walang pinagkakaabalahan na kahit ano.

Umupo ako sa isang bench kung saan nasa harap ang soccer field na nasa gitna ng buong school. Napakalaki ng paaralan nato compared sa ibang napapasukan ko.

"Haha dapat lang yan sayo nerd!"
"Kawawa ka naman"
"O ano? Nasan na ang knight in shining armor mo?"
"Napaka desperada mo naman para magustuhan ka ni Kennard!"

Oh crap. Kasasabi ko lang na gusto ko ng tahimik. Pumikit ako at sinubukang wag intindihin ang ingay sa paligid.

"Please t-tama na. Please.."
"Shut up! Dapat lang sayo to! Napakalandi mo!"
"A-ayoko na.. tama na.."
"Hahaha kawawa ka naman. Napaka hina mo!" *slap*

Napalingon bigla ako sa lugar kung saan narinig ko yung malakas na sampal at tawanan ng mga babae. Tumayo at Lalapit na sana ako sa gitna ng gulo kung saan binubully yung kawawang babae pero napatigil ako dahil nag echo yung boses ni dad At nung principal sa tenga ko.

"Bukas ka na pumasok. Naienroll kana sa Amity Academy. Naipadala narin sayo ang lahat ng requirements at uniform mo. Ang tangi mo nalang na gagawin ay pumasok ng tahimik at magaral nang walang sinasaktan na kahit sino. You understand?"-dad

"Magiingat ka sa mga makakasalamuha mo dito"-principal

Tila kinabahan bigla ako sa huling boses na narinig ko which is yung boses nung principal. Ano bang meron? Bat ganito nalang ang pagkatakot ko sa mga estudyante dito. Pero hindi naman ako mahina para matakot sa mga babaeng to.

Nakakita ako ng mga hose kung saan nakatutok iyon sa lugar nung mga babae. Mukhang science garden yung tinutungtungan nila kung saan nakatanim ang ibat ibang uri ng halaman. Pft. Napangisi nalang ako sa naisip kong plano. Hinanap ko yung tangke kung saan naka extend ang hose.

Nakarating ako sa isang building kung saan nandun din ang next class ko. Tamang tama at malalate nako. In-on ko ang switch at mabilis na tumakbo paakyat ng room ko. Rinig na rinig ko ang hiyawan at pagkagulat ng mga babae. Napangisi nanaman ako.

Binuksan ko ang pinto. Tumambad saakin ang mga mata ng estudyante at nung gurong lalaki. Hindi tulad nung kanina sobrang iingay ngunit ngayon ay akala moy may lamay sa sobrang tahimik.

"So you're the transferee?" Tanong nung prof saakin at itinigil ang pagsusulat sa white board

"Yes sir" sagot ko

"Introduce yourself first before you sit." Seryosong sabi niya. Mukhang terror tong prof na to ah.

Pumunta ako sa gitna at nag bow.
"Joyy Scarlett Sanders, 18"

Kita sa mga mukha nilang naghihintay pa sila sa sunod kong sasabihin pero wala na akong balak pang magsabi ng kahit ano.

"Thank you. You may sit now Miss Sanders. By the way I'm Rens Cruz. Your general mathematics teacher." Paliwanag niya at pinagpatuloy na ang pagsusulat sa board.

Tila slow mo akong naglalakad patungo sa pinakahulihan kung saan bakante. Lahat sila ay nakatitig saakin. Pero hindi ako nagpatinag, dineretso ko ang paglalakad ko papunta sa upuan ko malapit sa bintana.

Masasabi ko lang na may mali talaga sa school na to. Mukhang may misteryong gusto kong malaman. Sa principal, sa mga guro at lalo na sa mga estudyante dito.

Sa ngayon gusto ko lang magaral ng walang inaalalang gulo. Pasalamat nalang ako at hanggang titig lang sila saakin. Hindi na mababali ang mga buto ko sa pagtatanggol sa sarili ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blank Space Where stories live. Discover now