Chapter 1

82.5K 924 22
                                    



Ako si Maria Alicia Yuson-Gonzales.
24 years old at asawa ko si Vladimir John Estrella-Gonzales ang dating terror na professor ko na ngayon asawa ko na.. Oh nagulat ka no? Kung ikukuwento ko ulit baka abutin ako ng isang linggo. Basta ang masasabi ko lang eh ang himala talaga ay nangyayari. Maniwala ka.

Ngayon buntis na ako. At hindi pa din namin alam kung sya ba ay lalake o babae? Kung ako ang papipiliin kahit ano basta anak namin yun eh. Si Vlad gusto ng lalake. Hmm- ako girl.
Medyo hirap ako ngayon sa pagbubuntis at unang beses ko. Ang taba ko na nga eh. Baka nauumay na sa akin si Vlad.

"Love? Ano'ng gusto mong iluto ko para bukas? "tanong sa akin ni Vlad.

Ako na kasi ang nasusunod ngayon kung ano ang kakainin namin. Ewan ko ba bakit ako ganito maglihi. Nagseselan ako sa pagkain. Ang dami ko ayaw, ang dami kong gusto.

"Uhh- gusto ko pancakes yun may strawberry filling.

"Strawberries?" gulat na tanong ni Vlad. Tumango ako na nakangiti. Nahihilig ako sa strawberries ngayon, lahat ng kakainin ko gusto ko may strawberry.

"You sure?

Tumango ulit ako. Bukas na nga pala mapopromote si Vlad as Dean. Akala ko hindi na matutuloy yun. Buti nalang at nagawan namin ng paraan yun kungdi hindi makakabalik si Vlad sa pagtuturo.

"Let's sleep.."yaya nya sa akin. Gabi na kasi kailangan nanamin matulog.

Pinatay ko ang tv at sumunod sa kanya sa itaas. Nasa 6 buwan na ang tyan ko medyo malaki na din sya. Ang alam ko pag 5 buwan malalaman na namin kung girl boy bakla tomboy ba si baby. Kaya lang dahil busy si Vlad ngayon palang ako makakapagpa ultrasound. Hehe. Sana girl. This week sasamahan ako ni Mama at ni Vlad sa pagpapacheck up. Kaya naeexcited na din ako. Hindi na ako makatulog!

"Love? Halika na." yaya sa akin ng asawa kong nakatopless. Ano ba! Inaakit mo ba ako!

Umakyat ako sa kama namin at tumabi ako sa kanya.

"Matulog kana. Tatapusin ko lang ito." sabi nya habang hawak nya ang laptop nya. Nakasandal lang ako sa balikat nya habang pinagmamasdan ko ang ginagawa nya.

"Para ba yan bukas?" tanong ko.

"Yes Love. Sa tingin mo ba kakayanin ko talaga yun position as Dean?"tanong nya habang ang mga mata nya nasa laptop.

"Oo naman. Ikaw pa. Sisiw lang sayo yun.

Natawa sya. Bakit ba habang tumatagal lalo syang gumagwapo? Lalo syang nagiging yummy. Minsan naiisip ko baka may mga nagkakagusto nanaman sa kanya yun nakaw nakaw sulyap, malaman ko lang babanatan ko yun mga yun.

"Love? Okay ka lang?" nagulat ako.

"Oo naman. Bakit?"tanong ko din.

"Wala naman. Inaantok kana ba?

Tumango ako. Umusog ako papunta sa kanya at niyakap sya. Ang lamig kasi ng singaw ng katawan nya ang sarap yakapin.
Hinagkan nya ako sa noo.

"Goodnight Love.."bulong nya at hinalikan nya ako sa labi. Napapikit ako.

----

"Wake up, love!"nagulat ako sa boses na narinig. Si Vlad? Ang aga naman ako gisingin.

Dumilat ang mga mata ko at nakita ko sya na may dalang tray.

"Ano yan?" tanong ko habang bumabangon sa higaan.

"Breakfast.. Pancakes with strawberries.

Bigla akong napangiti ng makita ang ginawa nya. Saan kaya sya kumuha ng strawberries?

I'm Married To A Professor ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon