Special Chapter 49

13.4K 207 4
                                    

Pagkapasok ni Jelly sa coffeeshop. Kinawayan sya agad ng isang lalake, nasa 5'9 ang height, naka shirt ag shorts lang, naka sneakers at medyo magkalapit lang sila ni Jelly ng age. Nagulat si Jelly at nilapitan ang kaibigan.

"Long time no see!" bati sa kanya ng kaibigan at niyakap. Natawa naman si Jelly at sabay silang naupo.

"Ngayon ka lang nagparamdam!" said Jelly pagkatapik sa balikat ng kaibigan.

"Naging busy sa work at career. Pasensya na. So how are you? Buti natyempuhan kita." nagtaka si Jelly sa sinabi ng kaibigan.

"Natyempuhan? Para saan?"

Napakamot ng bahagya si Jared habang nahihiya sa balak na sabihin.

"Well, I just wanna see you and..

"BLAG!!

Nagulat ang dalawa sa ingay ng pagbagsak ng mga kamay sa table nila. Nagulat si Jelly sa nakita.

"C-Chris!!

Napatayo agad si Jelly.

"Sino?" tanong ni Jared na nalilito.

"Ah- Anong ginagawa mo dito?" mabilis na tanong ni Jelly kay Chris na bigla nalang sumulpot.

"Nawala lang ako, nakikipagdate kana sa iba?!" nagulat si Jelly sa sinabi ni Chris. Kitang kita nya sa mata nito ang selos.

"Ano! Hindi ako nakikipagdate! Kaibigan ko si Jared."

"Kaibigan. He stares at you like I do.

Napatingin bigla si Jelly kay Jared.

"Nababaliw kana Chris." said Jelly at hinawakan sa braso si Chris saka hinatak.

"Sorry Jared. Next time nalang. Pasensya na talaga." said Jelly habang hatak hatak si Chris na galit na galit pa din.

"Bakit ka nagsosorry sa kanya!" sigaw ni Chris. Halos pinagtitinginan na sila ng mga tao. Hinatak naman ni Jelly si Chris palabas ng coffeeshop.

Pagkalabas nila ng coffeshop.

"Ano ka ba! Gumawa kana man ng eksena dito! "galit na sinabi ni Jelly.

"Who's that guy. I don't like him!" said Chris na nakasimangot pa din.

"Kaibigan ko lang sya. Ayaw mo naman makinig sa akin."

"Julia. He's a guy. And your..

Nagulat si Jelly. Huminto sa pagsasalita si Chris.

"Chris?

Nagblushed si Chris.

"Your mine Julia.. Your mine. Not his..

Hinawakan sya ni Chris sa magkabilang braso.

"Im sorry kung nawala ako for a week. Madami lang ako'ng inayos at alam ko nagtatampo ka sa akin. And you know what I came here rushing because I'm dying to see you. I missed you so much.." He said pagkalapit ng labi nya sa pisngi ni Jelly. Ramdam nya ang madiin paghalik nito sa pisngi nya. At ang pagpisil nito sa mga braso nya.

"Chris.."
"Natatakot ako Chris.

Nagulat si Chris.

"Saan?

"Baka kasi maging busy ka ulit. Makalimutan mo ako.. Ang hirap kasi na naghihintay ako sayo. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sayo.. Halos mabaliw ako kakaisip kung ano nangyayari sayo. Nag aalala ako.

"I'm sorry Julia.. Dapat noon ko na ginawa to' eh.

Nagtaka si Jelly. Hinawakan sya ni Chris sa kamay.

I'm Married To A Professor ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon