Chapter 13

18K 390 22
                                    



Pagkapasok namin sa loob ng Hotel. Nakasunod lang ako kay Chris. Mukha kasing alam na alam nya ang pasikot sikot ng company ni Andrea. Malamang dahil ex nya yun dati. Hindi pa rin maalis sa isip ko kung bakit sila nagbreak. Nacucurious ako at gusto ko magtanong kay Chris kaya lang magmumukha nanaman akong tsismosa.

Sumakay kami ng elevator paakyat ng 4th floor. Doon daw ang main office.

"Kinakabahan ako.." bulong ko kay Chris nang makarating kami sa harap ng office ni Andrea. Napahawak ako sa dibdib ko.

"Bakit naman?" napalingon sa akin si Chris. Hindi ako makapagsalita.

Biglang nagbukas ang pintuan. Nagulat kaming dalawa.
Lalo ako'ng kinabahan sa nakita ko.

"VLAD.." sabay naming nasabi ni Chris. Gulat na gulat si Vlad sa nakita.

"Hey, Vlad! Wait!" narinig ko ang boses ni Andrea ng makita namin syang pahabol dito. Halos walang nagsasalita ng magkasalubong salubong kami sa pintuan. Nakakatitig ako kay Vlad at si Vlad nakatingin kay Chris. Habang si Chris nakatingin kay Andrea. Umiiwas naman sya ng tingin dito.

"Love.." bulong ni Vlad. Hahawakan na sana nya ako sa braso pero umiwas ako. Umatras ako ng bahagya at halos magkadikit na kami ni Chris.

"Ohh-- reunion of friends pala tayo dito.. Chris and Aly?" tanong sa amin ni Andrea na pambasag ng hindi magandang mood.

"Uhhh-" Hindi makapagsalita si Chris.

"Oo. Magkaibigan kami." sabi ko. Nakita ko kung paano hinawakan ni Andrea si Vlad sa balikat nito. Naiinis ako.

"Well. Nandito na tayo.. Lets have lunch. Hindi pa kami naglalunch ni Vlad.

Nagulat ako. Kami talaga? Nakakainis! Hindi man lang nagsasalita si Vlad!

"Uhh-- Aly?" binulungan ako ni Chris.

Hindi ko sya gaano maintindihan. Pero naramdaman kong awkward para sa kanya na nasa paligid nya si Andrea.

"Love!" tawag sa akin ni Vlad at bigla nya ako hinawakan sa braso. Nasaktan ako.

"A-aray!" sabi ko ng hinigpitan nya ang hawak sa akin.

"Vladimir.. Aly and I were just friends." said Chris na nag alala bigla.

"Pinayagan kitang makilala ni Feena as her uncle pero hindi kita binigyan ng permiso na makipagkaibigan sa asawa ko. So please leave Aly to me. She don't need you!

Nagulat ako. Nalungkot si Chris sa narinig. Alam ko masakit yun sinabi ni Vlad at kahit ako gusto ko syang sampalin. Masyado syang masakit magsalita sa kapatid nya although na hindi naging maganda ang start nila ng magkakilala sila .

Hinila ako ni Vlad paalis sa harap ng office ni Andrea. Naiwan ang dalawa.

"Ano'ng bang pinaplano mo? Andrea.." mariin tanong ni Chris kay Andrea habang direkta syang nakatingin dito.

"Your the bad guy here.. Not me.." mataray na sagot ni Andrea kay Chris. Sinaraduhan nya ito ng pinto.

"Vlad and Aly's in danger.." bulong ni Chris sa sarili nya. Umalis na sya.

----

Hatak hatak lang ako ni Vlad papunta sa parking lot. Pagkadating namin sa harap ng sasakyan nya. Binuksan nya agad ang pinto at pinapasok ako sa loob. Pero nagpigil ako sa pagpupumilit nyang pagpapapasok sa akin.

"Wait nga lang! Nasasaktan na ako Vlad ha!" sabi ko pagkatanggal ko ng kamay nya sa braso ko. Nasasaktan na ako sa pagpisil nya sa akin.

"Your with him!!" sigaw nya. Nagulat ako. Galit sya?

"At ikaw pa ang galit! Ako ang dapat magalit dahil naglilihim kana sa akin! "nag iinit na ang ulo ko sa ikinikilos ni Vlad.

"I told you, Andrea and I were just friends.. Hindi kana man naniniwala!

"Hindi talaga! Iba ang kutob ko sa babaeng yun! Masama! Masama sya!

"Why? Sinabihan ka ni Chris? At mas naniniwala ka sa kanya?" tanong na direkta ni Vlad. Galit na din sya.

"Walang sinabi sa akin si Chris bukod sa ex nya si Andrea. Nararamdaman ko yun na masama ang kutob ko sa sinasabi mong "kaibigan". Sisirain nya tayo!" pagpupumilit ko.

"Andrea helped me. She's behind in organizing our wedding and our beach vacation.. Sya din ang katulong ko sa paghahanda ng surpresa para sa birthday mo!

Nagulat ako.

"Kahit na! Para paraan lang nya yun para mapalapit sayo at para kaibiganin ako.

"My god Aly! Wala na sa lugar ang pagseselos mo.. "he said at napahawak sya sa noo nya.

"Your acting like a kid!" sigaw nya sa akin. "Stop being a teen. And start being matured Aly!

Nahinto ako sa pag akma para mangatwiran pa sa kanya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga sinabi nya.

"Lets go home.." dugtong pa nya, pumasok ako sa loob ng kotse ganundin sya. Tahimik syang nagdrive pauwi.

Gusto kong umiyak pero nagpipigil ako. Oo nasaktan ako sa sinabi nya. Sya ang ayaw maniwala sa akin.. At walang kinalaman ang kapatid nya sa mga naiisip ko. Nagseselos? Iniingatan ko lang sya, dahil masyado syang tiwala sa mga kaibigan nya at masyadong mabait. Hindi ko sya sinasarili pero alam ko na gusto lang nya na magkaroon ng mga kaibigan pero pakiramdam ko hindi lahat sila dapat nya pagkatiwalaan tulad ng pagtitiwala nya kay Sir Aries o kay Sir Jerald. Naiinis ako dahil nagpapaniwala sya sa magandang pinapakita sa kanya ng Andrea na yun.

Pagkahinto ng kotse agad akong bumaba. Hindi ako nagpaalam sa kanya at diretso ako hanggang sa kwarto. Ayoko na magkaroon pa kami ng oras para mag away.

----

"Aly.." bulong ni Vlad pagkapasok nya sa kwarto at ng makita si Aly na nakahiga na sa kama.

Sinilip nya ito at mukhang tulog na. Inilabas nya sa bulsa nya ang phone nya na biglang nag open at lumitaw ang message ni Andrea.
Pumasok sya ng cr para maghilamos.

----

"Andrea.." bulong ni Chris. Nakaharap sya sa laptop nya at nag iisip.

"Bakit mo ginagawa ito.. Hindi maganda ang kutob ko dito..

Itinype nya sa open browser..Case of Attorney Vicente Gonzales (Unfinished Case)

Maraming lumabas na results. Nag open sya ng isang link at lumabas ang lahat ng info about sa naging kaso ni Vicente Gonzales.

"Huh?

Nabasa nya ang isang pangalan.

"Gustavo Delgado..? This name is..

Nag open pa sya ng link at isinearch ang pangalan Gustavo Delgado..
Ilan link ang lumabas.

"Number one businessman.. May ari ng car industries.. Madami palang syang business at ari-arian.. Huh?

Ikinclick nya ang isang litrato.

"Is this Andrea?

Tinitigan nyang mabuti ang litrato at.

"My god. This is Andrea..

Napahawak sya sa noo nya.

"Ano'ng connection nya kay Gustavo? His daughter? Relative?

Napaisip si Chris. Nalilito sa mga nakita at nalaman.

"Alam kaya ni Vladimir ito.. Who is Gustavo? Is he the one who killed Vlad's father?

----

Enjoy reading and keep updated for more!

Sensya na sa late update guys!  Babawi ako pramis 😂

Sa mga gusto mag add sa akin sa facebook: Search Edlyn Monique Medina Perez ⚠️

I'm Married To A Professor ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon