It's been two days mula ng makabalik kami ni Esau.
Andito na ako ngayon sa Condo niya nakatira. Hindi pala I mean after a week aalis na rin naman ako dito kasi dadating na si Angel.
So parang three weeks kaming magkasama ni Esau.Tsk bakit nga ba kasi ako nandito? Magpapakatanga na naman? Ah ewan.
Akala ko kaya ko ng igive up si Esau hindi pa pala.
Pero wala naman akong igigive up kasi hindi naman sa akin si Esau.At kaya lang naman ako nandito kasi may pinanghahawakan ako.
Pero hindi ko alam kung pwede ko nga bang pang hawakan yun.Kasi alam na alam ko namang isang "Iloveyou" lang talbog na yung
"Please stay" na pinanghahawakan ko.Wala naman kasi talaga akong magawa naiintindihan niyo ba ako? Mahal ko kasi siya eh.
*toot**toot*
Fr.: Zandro Villeo
"George can we meet? I miss you badly!"Guilt is killing me. Haisst kahit sinabihan na ako ni Esau na wag makipagkita kay Zandro I can't just abandon him. Afterall he's a friend. And I think he deserves an explanation. Parang napakasama ko naman na kung ipagkakait ko pa yung pagpapaliwanag diba?
Samantalang he was always there nung mga panahong parang basura ako. I even used him. Nagpaligaw pa ako gayong alam na alam ko naman na si Esau ang Mahal ko.
To: Zandro Villeo
"Yeah sure. Give me 1 hour. White Bean Zands"
Pumasok ako sa kwarto NAMIN! Yes namin ni Esau. I saw him peacefully sleeping.
Pano ba ako makakapag paalam nito?
Gisingin ko kaya?
Eeh wag na nga mag iiwan nalang ako ng Note._______________
Dumating ako ng mga alas diyes. Pagkapasok ko pa lang nakita ko na si Zandro na nakaupo sa isang two-seater na lamesa.
Naglakad ako palapit sa kanya."Hi " bati ko kay Zandro pagkaupo ako.
"Hello"
"Uhmm" shit awkward
"How are you George?"
Tanong niya saakin."I'm doing good, ikaw?"
"Good, I'm good"
Shiiiiit pano ko ba 'to sasabihin?
Nahihiya ako sa pagiwan ko sakanya nung eeerrrr date namin..Nanatili kaming tahimik.
"So what happened? I heard you were with Esau"
"Ah yeah"
Napayuko ako." Look Zandro I-I'm sorry" sabi ko.
I don't know kung para saan yung sorry.
Kung dahil ba sa pagiwan ko sakanya
O kung dahil sa pagpapaasa ko sakanya
O kung dahil sa gagawin ko ngayon.
"Esau and I, we're together again. I-I'm-----
But he cut me off"Naiintindihan ko. Ako naman ang nagpumilit diba?" hindi ako nakaimik.
"Order na muna tayo" sabi ni Zandro.
Umorder lang kami ng shake at tig isang slice ng cake.
"So kumusta naman?" sabi nito saakin.
"Okay naman ako."
"Ayos lang George. Basta ba kapag may problema tawagan mo ako. Magkaibigan pa rin naman tayo diba?"
"Oo naman magkaibigan pa rin tayo. Salamat Zands"
"Uhm sige George una na ako. May meeting pa ako eh."
Zandro's P.O.V.
"Arghhhhh" pinagpupukpok ko yung manibela.
Bakit ba kasi lahat ng nagugustuhan ko sa iba napupunta.
Oo naman magkaibigan pa rin tayo.
Oo naman magkaibigan pa rin tayo.
Oo naman magkaibigan pa rin tayo.
Paulit ulit sa isip ko yung mga sinabi ni George.
Magkaibigan? Haha
Yun na nga eh magkaibigan lang.Kailangan kong ilabas to.
BINABASA MO ANG
It's the S*X that matters
RomansaNakakasawa pa lang maging parausan. Yun bang tatawagan ka lang pag nag-iinit ang katawan niya kasi hindi yun maibigay ng Girlfriend niyang Maria Clara. Nakakasawa pa lang maging second choice. Yun bang aayain ka lang niya lumabas kasi tinanggihan si...