Chapter 1:

5 0 0
                                        


Naglalakad ako ngayon sa bago kong school. Sa Gemini University.

Mag-isa lang ako dahil wala pa akong kakilala dito, pero pakiramdam ko na hindi naman ako mahihirapan maghanap ng kaibigan dito.

Habang naglalakad ako sa hallway, di ko sinasadya na may mabunggong isang lalaki. Nahulog ung mga dala kong libro.

Nakita ko ang lalaki na nagmamadaling maglakad. Nakasuot siya ng jacket na kulay itim na may burda na kulay pula, nakasuot sa ulo niya ang hood ng jacket niya, nakapantalon at nakarubber shoes.

Habang pinupulot ko ung libro, nagulat ako ng biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Nakakaloka siya noh? di na nga magsorry di ka pa tinulungan diyan"

sabi ng babaeng umupo rin para tulungan ako sa pagkuha ng mga libro ko.

Tumayo na kami ng nakuha na namin lahat.

"Ako nga pala si Jessy"sabi niya sabay abot ng kamay niya sakin para makipagkamay.

Hinawakan ko naman ang kamay niya at nakipagkamay.

"Primm"

Ngumiti siya sakin.

Napakaganda ng ngiti niya.

Di nga ako nagkamali.

Hindi ako mahihirapan makahanap ng kaibigan dito.

"Prim Rose Everdeen?"

Teka...

kilala ko un ah.

"Hunger Games"sabi ko habang natatawa.

Naglakad na kami.

"Haha! tama! anu palang course mo?"

"Ahh. HRM"

Biglang nanlaki ang mga mata niya na para bang tuwang tuwa.

"Classmate tayo!"

Nakakatuwa siya.

Ang saya niyang kasama.

"Ahm. Thanks nga pala"

"Huh? para saan?"

"Sa pagtulong mo sakin kanina"

"Ahh! sus yun lang eh!"

Nginitian ko nalang siya at tumango.

"Friends na tayo hah!"sabi pa niya muli.

"Sure!"tugon ko.

Naglakad na kami papunta sa room namin.

Dahil first day naman namin ngayon, puro pakilala lang ginawa namin.

Magkatabi kami ngayon ni Jess at nakikinig naman sa mga nagpapakilala sa harap.

Ito ung pinaka ayaw ko eh.

"Ok next"sabi ng prof. namin.

Ako na pala.

"I'm Primm Goh. Half Chinese but pusong Pinoy, 18 years old." tama na siguro ung nasabi ko

Sumunod naman sakin si Jess.

"Hi guys! my name is Jessy Evans. Katulad ni Primm may half pero half Canadian ako but pure hearted Filipino. 18 years old. That's all thank you!"

Hmm..

Imported si Jess.

Nangmakaupo na siya, may tinanong ako sa kanya.

Naalala ko yung lalaking nakabangga sakin kanina.

"Jess, kilala mo ba ung lalaking nakabunggo sakin kanina?"natanong ko siya kasi alam kong nakita niya ang pangyayari kanina.

"Ahh.. hindi eh. Bakit?"

"Wala lang nawierduhan lang ako."

Wierd niya kasi, ung pagkakalagay kasi ng hood sa ulo niya eh, pati ung mukha niya natatakpan na. May tinatago kaya yun? tas nagmamadali pa.

Siguro nagmamadali na yun dahil sa malelate na siya.

Hmm..

Bakit ko pa ba iniisip yun.

Nagdaldalan nalang kami ni Jess hanggang sa matapos ung time ng prof. namin. Hanggang sa nagbreak time na kami.

"Caffeteria tayo"yaya sakin ni Jess

"Ge, gutom nako eh"

Bumili nalang kami ng sandwich at maiinom sa caffeteria dahil sa dami ng tao. Sa garden nalang kami kumain.

"Jess, may iba ka rin bang kaibigan dito?"

"Ah. wala pa, ikaw ung first. Haha!"

"Ganun"wala na akong masabi eh.

"Te-teka friend, diba yun ung guy na nakabungguan mo earlier?"sabi ni Jess sabay nguso dun sa puno sa gilid ng building.

Oo nga noh.

P-pero bakit nakatingin siya dito sa pwesto namin?

Parang ang sama ng tingin niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Will Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon