K A B A N A T A 1 0

206 8 4
                                    

Jinderella's POV

Kung kelan magaalok na ng kasal ang prinsipe, tsaka naman may umepal!

Sarap batukan ng pesteng to.

"Di ko hahayaang maging masaya kayo..." at tumawa ito na parang timang.

Gusto ko nang itapon tong glass sandals ko sa kanya pero sayang naman.

Mas masasayangan pa ata ako kung masira tong sapatos ko kesa sa masira mukha niya.

"Kala niyo magiging masaya na kayo?! Hah! Dahil sa paglapit mo sa prinsipe, naisumpa na rin kita, babaeng may dilaw na buhok."

Ako ba tinutukoy niya?

At anong ibig niyang sabihin? Naisumpa niya na rin ako?

"Kailangan mong mamili, Jinderella, ito ang sumpa mo..."

Lumapit siya samin at napakapit naman ako sa prinsipe.

Oo na, libreng chansing, pero puta. Kinakabahan ako...

"Kapag sumapit na ang hatinggabi at wala ka paring mapili, tuluyang magiging halimaw ang prinsipe at ikaw naman ay matutulog habambuhay! Bwahahaha!"

Teka! Anong magiging halimaw ang prinsipe?! Kala ko ba nawala na ang sumpa?!

"Mamili ka Jin... papakasalan mo ang prinsipe ngunit ang kapalit nito ay ang mga kaibigan mo. Makakalimutan mo sila at makakalimutan ka nila. Hinding-hindi ka sasaya dahil pakiramdam mo may kulang sayo. Kapag ang mga kaibigan mo naman ang pipiliin mo, hindi mo na makikita ang prinsipe dahil magiging tunay na halimaw na siya! Jin! Mamili ka! Ang prinsipe, o ang mga kaibigan mo?!"

Fairy swag grandfather... Nasaan ka kung kelan kailangan ko ng tulong? Huhuhu.

Napatingin ako kina Tete.

"Piliin mo na ang prinsipe Jin! Wag mo na kaming alalahanin!" Jhorse

"Mas importante ang kapakanan ng prinsipe kesa sa amin, unnie! Siya ang piliin mo!" Kook

Hinawakan naman ako ni Prinsipe Namjoon sa kamay kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi Jin, sila ang piliin mo. Mas mabuti naring maging halimaw ako dahil kamalasan lang naman ang dala ko sa buhay nila Ama..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Misadventures of Jinderella and the 3 IdiotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon