K A B A N A T A 4

179 9 4
                                    

Prinsipe Namjoon's POV

"Mahal na prinsipe, pinapatawag na po kayo ng Amang Hari."

"Salamat sa paalala, Jackson."

Kinuha ko ang ang cape at isinuot ito. Kinuha ko rin ang aking shades.

"Mahal na prinsipe..." Tawag sa akin ni Jackson

"Bakit? May problema ba?"

"Sana po, malaman na kung ano ang solusyon sa inyong karamdaman."

"Maraming salamat sa pag aalala. Sana nga ay alam na ni Ama ang gamot dito." Ngumiti ako kay Jackson at pumunta na sa kwarto ni Ama.

Pagkarating ko roon ay nakita ko si Ama na may kausap.

"Ama, bakit niyo po ako pinatawag?"

"Anak, maupo ka rito. May bisita tayo."

Tumingin ako sa isang hindi masyadong matangkad na lalaki, napakaputi nito, singkit ang mga mata, at mukhang galing sa ibang bayan.

"Sino siya Ama?"

"Isa siyang salamangkero, anak. Dahil sinumpa ka, maaaring may kaalaman siya tungkol sa iyong kaso."

Umupo ako at hinarap ang lalaki.

"Galak akong makita at makilala ka, Prinsipe Namjoon. Ako si Agust, isang salamangkero galing sa bayan ng Daegu. At alam ko kung ano ang napakamabisang solusyon upang maibalik ka sa dati."

"Paano ka nakakasiguro na iyang naiisip mo ay ang pinakamabisang gamot para sa aking kalagayan?"

"Dahil ang mangkukulam na nagsumpa sayo ay kilala ko."

"Sige, ano ba yang gamot na yan?"

"Isang babae lamang ang solusyon, mahal na prinsipe. Isang babaeng mamahalin ka, kahit ganyan ka pa."

The Misadventures of Jinderella and the 3 IdiotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon