K A B A N A T A 8

131 9 3
                                    

Jinderella's POV

Bumalik na galing sa paghahanap si Tete at Jim. At eto na naman sila, nagpapayabangan sa harap ni Kook.

"Eto Kook, kainin mo. Masarap yan." Sabi ni Jim

"S-salama--"

"Mas masarap tong akin Kook. Ito nalang kainin mo." Ngumiti naman si Kook at sinubo yung pagkaing binigay ni Tete.

Kala ko ba si Jim mahal neto?

Nakita ko si Jim na nalungkot at siya nalang ang kumain sa pagkaing nilahad niya kay Kook.

Di ko na kaya ang kadramahang ito. Naiinis nako.

"Kook, diba may sasabihin ka sa kanila?" Napatingin naman sila sakin.

"H-ha?" Halatang walang alam si Kook sa gusto kong mangyari.

"Mas lalala ang gulong to pag di mo agad sila sinabihan."

"Pero unnie..."

"Natatakot kang masaktan mo yung isa? Alam mo namang sa pag-ibig, meron talagang nasasaktan. Kung gusto mong sumaya, sabihin mo ba sa kanila kung ano ang totoong nararamdaman mo..."

"M-may nagugustuhan ka samin?" Masayang sabi ni Tete. Nagpapakampante ata siya dahil nga binasted noon ni Kook si Jim.

"K-kasi..."

"Siguro nga kailangan ko na talagang sumuko." Sabi ni Jim

Ha? Anong pinagsasabi ng dwendeng to?

"Si Tete ang nagugustuhan mo diba?" Napa facepalm nalang ako.

"J-jim--"

"Alam ko namang sa simula palang talo nako. Di ko alam kung bakit nakipagkompetisyon pako kay Tete, eh halata naman kung ano ang resulta."

Ngumiti si Jim kay Kook.

"Diba nga sabi mo sakin noon, hindi bagay ang dwende at tao. Hinding-hindi ka magkakagusto sa dwendeng katulad ko."

Jusko naman. Ang tanga ng dwendeng to!

"Jim--"

"Sana maging masaya ka Kook. Binabati kita, Tete." Umalis si Jim at sinundan siya ni Kook.

The Misadventures of Jinderella and the 3 IdiotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon