CHAPTER 2

76 27 10
                                    

Bell's POV

So , again and again and again and again and again. Nakakaumay sa dami ng 'again' ? Parang ako lang, nauumay na sa kinakain ko. Sana pala nagbaon na lang ako ng luto ni mommy.

Andito pala ako ngayon sa cafeteria ng school. Isa itong exclusive school na pagmamay-ari ng kung sino mang nilalang na hindi ko kilala at wala akong balak na alamin. May mga kasama nga rin pala ako. Mga plastic friends ko hihi.

" Oh Pre- Pret Prett--y . Aish! Bell , yeah Bell ah nasaan kuya mo? " maarteng tanong sa akin ni Amanda habang naglilipstick ito at nakatingin sa harap ng salamin.

Halata namang hirap at nasusuka siyang tawagin ako sa pangalan kong 'Pretty' kaya 'Bell' na lang ang itinawag niya sa akin. Duh! 'Bell' means 'Beauty' so it only means that she still chose to compliment me.

"Ah are you referring to my kuya Luke?" sagot ko.

"Who else? Iisa lang naman ang kuya mo." sabi nito at nag-roll eyes pa. Sarap dukutin ng mga mata niya. Promise! Nagtitimpi lang talaga ako. Ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong iniirap-irapan lang ako.

"Yah!" sabay-sabay namang sang-ayon nila Jane, Hannah at Veronica.

Kung sabagay, tama nga naman sila. Pero, pinapatay ko na talaga sila sa isipan ko. Ang hirap magpaka-plastic sa mga kagaya mong plastic. Gets?

"Baka nasa music room. " ako

Kung iniisip niyo na music lover ang kuya ko pwes nagkakamali kayo. Kakaunti lang kasi ang mga estudyanteng napapadpad doon kaya malayang nakakagawa ng anu mang milagro si kuya. Ang landi niya noh?

"K. " Amanda

Sa totoo lang, alam ko namang kinakaibigan lang nila ako dahil kay kuya. Alam kong pangit ako pero hindi naman ako tanga at bobo katulad na lamang nang iniiisip ng karamihan sa akin. Pero ayos lang naman sa akin iyon, atleast may mga kaibigan ako kahit pa na plastic, diba? At saka, magkakauri naman kami, pare-pareho kaming plastic. Mas maganda nga lang ang pagkakagawa sa akin at mas mahal na klase hindi katulad nila na mumurahin lang.

Pagkaraan lang ng ilang minuto matapos nilang mag-retouch ay bigla nalang silang nagsitayuang apat. Ano ba 'yan. Gayahan lang ampeg?

"Oh? San kay-yo p-pupunta?" nabubulol at may pag-iingat sa bawat salitang sinasambit ko. Baka kasi may masabi akong hindi maganda at mainis sila sa akin. Eh di bokya, wala na akong plastic friends.

Kahit papaano , na-attach na rin naman na kasi ako sa kanila. Mahigit isang taon ba namang sila lang ang nakakasama ko sa school. So it means, mahigit isang taon na rin akong nagpapaka-plastic.

"None of your business." Veronica

"Sabi ko nga at magsilayas na kayo." ako

"What?" Hannah

"Hehe, wala. Sige ingat kayo ." pa-inosenteng sagot ko.

"At baka matalisod kayo sa taas ng mga takong niyo." Habol ko pang sinabi ng makalayo na sila sa akin, ngunit pabulong lang.

As usual, pupuntahan ng mga 'yon ang kuya ko para landiin uli. Mabuti na lamang at hindi sila pinapatulan ni kuya. Malaman ko lang talaga na pinatulan sila ni kuya, tutuhugin ko ang lalaking 'yon!

Mag-isa na naman ako. Ano pa nga ba? Pupunta nalang siguro ako ng room baka mas ayos pa. Tapos na rin naman na akong kumain. Magmumukha lang akong lonely dito. Aba! Ayaw ko namang kaawaan nila ang beauty ko.

---

Pagbukas ko ng pinto ng room namin ay napahinto ako at --- WOW!

May milagro ba? Nasaan na ang mga immature kong kaklase? 'Yong mga childish acts nila? Bakit walang mga itlog na ibinato sa akin ngayon? Bakit walang tubig na nabuhos sa akin? Inaasahan ko pa naman 'yon. Tapos mukhang lahat sila busy sa kaniya-kaniya nilang grupo.

Ang saya. Sana ganito nalang parati. Ngiting-ngiti akong pumasok nang biglang--

"Waaah! " at napuno na nang tawanan ng aking mga kaklase ang apat na sulok ng silid.

Mali talagang nagpatangay ako sa gusto nilang mangyari. Nagpa-uto akong nagbago sila bigla. Imposibleng wala silang gawin sa akin ngayon. Imposibleng tigilan nila ang araw-araw na pambubully sa akin.

"I will rip you all into pieces, soon. " sabi ko sa utak ko. Tinignan ko sila isa-isa at tinatandaan ang mga pagmumukha nilang lahat. Napa-ngisi ako sa aking naiisip.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakadulas ko dahil sa balat ng saging at lotion na nakakalat sa tapat mismo ng pinto. Malamang sa malamang, sila ang may pakana nito. Aray. Ang sakit ng balakang at paa ko. Argh . Pati puwet ko ang sakit. Leche talaga. Pasalamat sila at mahaba ang pagtitimping mayroon ako. Lintik lang ang walang ganti. Kating-kati na ang dila kong pagmumurahin sila. Nagpipigil lang talaga akong ilabas kung anong mayroon sa loob-loob ko. Ayaw kong masira image ng parents ko nang dahil lang sa totoong ugaling mayroon ako.

Napapangiwi nalang ako dahil sa sakit. Kapag nalaman siguro ito ni kuya, tiyak susugod 'yon dito at magagalit ng husto. Baka nga ipatalsik niya lahat ng mga kaklase ko. Pero siyempre hindi niya malalaman. Ayaw kong may makaalam kahit isa sa family ko. Ayaw kong malaman nilang binubully araw-araw ang kanilang unica hija. Ayaw kong makialam pa sila rito. Kaya ko na 'to.

Oo, wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari sa akin dito sa loob ng school. Maski ang kuya ko na schoolmate ko ay wala ring kaalam-alam. Hindi lang dahil ayaw kong ipaalam, kundi dahil wala ring nagbabalak na magsabi sa kaniya. Bakit? Malamang, wala kasing nagmamalasakit sa akin dito na maaaring makapagsabi sa kaniya. Pati ang mga guro ay walang pakialam at nagbubulagbulagan sa pinag-gagawa ng mga estudyante nila. Pero mas okey naman na 'yon. Mas gugustuhin ko ang ganoong set up

Dahil sa sakit na dulot nang pagkakadulas ko ay paika-ika tuloy akong naglakad papunta sa upuan ko. Pangiti-ngiti pa ako habang naglalakad. Para ba ipakita sa kanila na wala pa rin silang kwenta. Mga immature kung mam-bully! Wala man lang thrill, masiyado nila akong dini-disappoint. Inggit lang sila sa beauty face ko. Duh!

Ano na naman kayang pwede kong ipalusot kapag nagtanong sila mommy ?

Sasabihin ko bang, "Nadapa po kasi ako kanina habang papuntang canteen. Ang taas po kasi nung heels na ipinasuot niyo sa akin ngayon, mom. " o hindi kaya naman ay "Nagpa-practice po kasi kami ng new dance steps kanina, eh ang dulas po nung floor. "

Mas ayos ata 'yong pangalawa? Kaya lang , ayan na 'yung palusot ko dati. Baka maghinala na sila sa kung ano talagang nangyayari sa akin sa loob ng school na 'to. Alam kasi nila na hindi ako lampa para madulas, matalisod, at madapa na lang basta. Alam nila 'yon kasi mula pagkabata tinuruan nila ako kung paano maging matatag at depensahan ang sarili ko. At saka, mula rin noong 6 years old ako ay kinuhanan nila kaming dalawa ni kuya ng trainer para sa martial arts. Para daw hindi kami api-apihin pag-laki namin, pero tignan niyo nga naman ang kinahinatnan ko? Sobra pa sa salitang 'api'.

"Hoy Pangit! Tumabi ka nga!" sigaw sa akin ng isa kong kaklase na nag-ngangalang Faye .

"Duh! Akala mo naman kung sinong maganda . Talampakan lang kita. Oyy!" bulong ko

Kaklase ko 'yan. Siya ang Campus Sweetheart dito sa school namin. Naisip ko tuloy, wala ba silang taste? o sadyang no choice na sila kaya siya ang nahirang na campus sweetheart? Sa pagkakaalam ko ay isa ang campus sweetheart sa role model ng school. So, gusto ba nilang maging malandi rin kami tulad niya? Kabi-kabilaan kaya lalaki niyan. Napaka-landi. Wala man lang kahit isang maipagmamalaki sa ibang estudyante rito.

Ilang beses ko na nga rin 'yang nahuli sa women's cr and guess what? May ka make out. Eww! Gross!

"May sinasabi ka?" Faye habang nakataas ang isang kilay.

"Ah hehe wala noh." Ako

"Sinabi ko lang naman na malandi kang pokpokita ka. Sarap mong hambalusin ng tubo sa pagmumukha." sa isip-isip ko

READ . VOTE . COMMENT . SUPPORT

- S L E N D E R I X -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untitled BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon