CHAPTER 1

123 28 15
                                        

Bell's POV

HI! Ako nga pala si PRETTY LA BELLA F. CRUZ . Pero mas prefer ko ang tawagin na PRETTY o hindi naman kaya ay BELL.

Oha! Ganda ng name ko noh? Parang ako lang ---

Ay este! Pwe!

Kabaliktaran pala ng itsura ko.

Duh! Oo na! Ako na hindi nabiyayaan ng magandang mukha. Pero siyempre, marami pa rin ang mga nagsasabi na "You're so pretty talaga Bell, your name really suits to you!"

Sino-sino?

Aba! Nangunguna siyempre riyan si mommy. Siya ata ang number one fan ko. Sumunod naman si daddy. Si daddy na may motto na "Being natural is incredibly empowering for women because it's just who you are." Maka-english wagas noh? Siyempre, mana kasi sa akin.

At ang panghuli? Malamang 'yong kuya ko hahaha.

By the way highway ,expressway , segway 16 years old na ako at Grade 11, ABM student. Hmm mayaman rin kami. Oo ! mayaman kami! 'Yong tipong luluhuran ka ng karamihan dahil sa pera. Pero siyempre, humble pa rin kami at down to earth. Si daddy ay isang kilalang businessman, hindi lang dahil sa galing nito sa paghawak ng napakaraming mga kumpanya kundi pati na rin sa pagiging matulungin niya at sa pagiging matipuno at gwapo.

Oo tama kayo ng rinig ayy este basa. Gwapo si daddy. Pati nga rin si mommy ay maganda. Si mommy ay kilala sa pagiging magaling na fashion designer. May mga botique si mommy sa iba't-ibang bansa. Hindi lang iyon matatawag na mga 'simpleng botique' dahil karamihan sa mga customers o bumibili ng designs ni mommy ay ang mga sikat na artista at modelo o hindi kaya naman ay ang mga presidente , senador, at iba pang may mga pangalan sa industriya.

Ipamamana nga raw sa akin ni mommy ang mga botique niya. Kasi mahilig din akong magdesigns dahil na rin sa ako 'yong parati niyang kasama tuwing gumagawa siya ng kaniyang designs. Si kuya naman ay sikat rin. Iyon pa! Sikat sa pagiging playboy 'yon. Paanong hindi magiging sikat ang isang iyon eh ang tinik pagdating sa panloloko sa mga babae. 

Gwapo "RAW" kasi, pwe! Eww. Pero seriously, gwapo talaga si kuya. Huwag sana niya itong mabasa dahil lalong lakaki ang ulo niya. Ang dami na nga rin nung pinaiyak na mga babae. Ilang beses ko na rin siyang nabatukan dahil doon pero tuloy pa rin siya sa pagiging playboy. Mahirap talagang alisin ang nakasanayan, ano? At isa si kuya sa mga patunay doon. Hindi niya kayang alisin ang pagka-babaero niya. Ewan ko na lang diyan kay kuya kapag binawian 'yan ng karma. Baka bumalik sa kaniya mga kalokohan niya.

Tss

Ako? Hay naku! Huwag niyo nalang alamin. Kasi ako ang pinaka-kakaiba sa amin. Bakit? Paano ba naman, kung sila kasi ang pinag-uusapan puro compliments ang maririnig mo galing sa ibang tao. Pati nga si kuya, kahit ganoon 'yon kawalang-hiya, magagandang salita at puro papuri pa rin ang ibinibigay sa kaniya ng mga tao lalo na ng mga babae. Pero sa akin? Tsk! Puro lang naman mga masasakit na salita ang ibinabato nila.

In short, mga PANLALAIT. Akala mo naman kung sino sila para laitin ako, konting ayos lang naman kailangan ng mukha ko at kakainin na nila lahat ng mga salitang ibinato nila sa akin.

Kesyo ampon lang daw ako. Sampid sa pamilya. Ang panget ko raw kasi para maging anak nila mom at dad, at ang maging kapatid ni kuya. Panira daw ako sa pamilya namin. Minsan nga napapaisip ako, anak kaya talaga nila ako?

Pero, duh! May pagkakahawig rin naman sila sa akin. Walang halong biro readers, magkakamukha talaga kaming apat. Kainis naman kasi 'tong mga lecheng pimples na nasa mukha ko, tinatabunan ang ganda ko. Isama mo pa 'tong mga makakapal kong kilay na halos sakupin na ang noo ko. Oh? Akala niyo exaggerated ako masyado? Totoo 'yan, ganoon talaga kakapal ang kilay ko. Hindi ko nga alam kung saan ba talaga ako ipinaglihi ni mommy.

Siguro nagtataka kayo at sa dinami-rami ng pera namin ay bakit hindi ko nalang ito ipaayos at ipagkatiwala sa mga eksperto. Marami na ang nag-suggest sa akin niyan. Kaya lang, ayaw kasi ipagalaw ni daddy itong mukha ko, dahil pinanghahawakan niya ang sarili niyang motto. At isa pa, para daw maprotektahan nila ang unica hija nila at walang lalaki ang aaligid-aligid sa akin para umakyat ng ligaw. Parehas sila ni mommy at kuya na hindi sang-ayon. Ayaw lang daw nila akong masaktan dahil lang sa lalaki, kaya intindihin ko na lamang daw sila. Intindihin? Eh 'yong kuya ko nga nananakit ng ibang babae. Tss.

Ayos na rin naman na raw ang mukha ko kaya bakit pa raw kakailanganin 'yon? Geez! Malalabo na ata mata ng mga 'yon eh. Hindi ata nila nakikita itong mga tigidig sa mukha ko. At saka, gusto ko rin namang maranasan ang magkaroon ng manliligaw. As if namang sasagutin ko sila hahaha.

Pero sa totoo lang, sang-ayon din ako sa kanila. Ika nga ng karamihan, 'Be contented of what you are.' Kaya makukuntento nalang ako sa kung anong mukha ang ibinigay sa akin ng Diyos. Hays Lord, bakit naman kasi sa akin pa napunta itong mukhang 'to?

Ayy! Kasasabi ko nga lang pala na makuntento. Peace naman. Kaya bukod sa pagiging mabait, ay mahirap din ang maging panget. So, ayun na nga ang kuwento ng buhay ko kaya maaari na kayong lumay-- JOKE! Baka seryosohin niyo. Oh ilipat niyo na sa kabilang chapter! Matino na ako doon. Swear. See you there bitches!

READ . VOTE . COMMENT . SUPPORT

- S L E N D E R I X -

Untitled BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon