Sinubukan kong tanggapin lahat ng mga masasakit na salita. Mga panlalait at pananakit na kailan man ay hindi nakarating sa mga magulang ko, dahil pilit ko itong pinagtatakpan.
Sinubukan kong pakisamahan sila nang naaayon sa kanilang kagustuhan at huwag ipakita ang tunay na katauhan.
Sinubukan kong ikubli ang tunay na kulay dahil iyon ang pag-aakalang makabubuti.
Lahat nang panlalait nila ay tinanggap ko. Ngunit, ang pagkaisahan akong lokohin at ipamukhang tanga ako ay hinding-hindi ko iyon mapalalagpas.
Magandang ugali ang ipinapakita ko ngunit, hindi ibig sabihing iyon rin ang tunay kong nararamdaman at nais ipakita.
Mabait ako ngunit hindi ko ipinamimigay ang mga taong pinahahalagahan ko nang husto. Nagpaka-tanga na ako nang isang beses at hindi na iyon mauulit pa. Hinding-hindi na.
***
READ . VOTE . COMMENT . SUPPORT
- S L E N D E R I X -
BINABASA MO ANG
Untitled Bitch
Humor[HIGHEST RANK: 213] Her name is PRETTY LA BELLA F. CRUZ. But her face is opposite of her name. She's the famous ugly daughter of Mr. and Mrs. Cruz. Cruz Family was known in the whole world because they can get all they want. They can even buy your l...
