Pakisabi na lang (Oneshotstory)

18 1 0
                                    

"Paki sabi na lang na mahal ko siya
Di na baleng may mahal siyang iba
Paki sabing 'wag siyang mag-alala
Di ako umaasa"

"Hoy Annessa! Heto na yung pinabila mong papel kay Jessa. Ano ba gagawin mo dito?" rinig kong sigaw ni tita Donna sa baba kaya bimaba na ako sa bubong para kunin ang mga papel na binili ko

"Pakisabi Tita kay Jessa thank you ng marami dito!" bigkas ko bago ko umakyat papuntang kwarto

"Sasama ka daw ba kila Angel bukas?" tanong ni tita dahilan ng paghinto ko

"Pakisabi tita hindi po muna wala po akong pera eh"

"Yung mga pictures daw pala ng mga tita mo i-upload mo na"

"Pakisabi po tita bukas na bukas din po hehehe! Nga pala Tita pakisabi kay Jes yung sukli ko last money ko na yun e hehehe!

"Puro ka pasabi kung ikaw na lang kaya ang magsabi" suhestyon sakin ni Tita

"Kung ganon lang sana kadaling sabihin sa kanya na mahal ko siya hindi na kailangan ipasabi pa" bulong ko habang nakaharap sa papel na pinabili ko

"May sinasabi ka pa ba diyan Annessa?"" bigla akong natauhan sa sinabi ni Tita

"Wala po tita, sige akyat na po ako. Goodnight!" sabi ko sabay akyat

"PAKISABI NA LANG"

---+------

Tingin sa kanan
Tingin sa kaliwa
Tingin sa likod
Yes! Walang tao. Nandito ako ngayon sa locker room

"Yan ok na!" sabi ko ng maidikit ko ang papel sa pinto ng locker ni Camille. Ooopss! ayan na siya. Dali ko namang punta sa locker ko at kunwaring may kinukuha para 'di mahalata.

"Oh Eros! Here she is again. May pinapasabi na naman siya sayo hahaha!" rinig kong sabi ni Camille 'di kalayuan sa locker ko

"Care?" walang emosyong sabi ni Eros

Almost 4 months ko na yata tong ginagawa, ang pagdikit ng letter sa locker ni Camille upang ipasabi kay Eros lahat ng nais kong sabihin base sa nararamdaman ko sakanya

"Ang sweet kaya eto sabi niya oh! Camille pakisabi naman kay Eros kung ano ang value niya? Ay wala nga palang sagot kung bakit siya mahalaga"

"Tsst. Tara na malelate na tayo sa klase natin" Ay! Oo nga pala may math class pa kami

"Oh Anessa" bati ni Camille ng makita niya ako

"Papasok ka na rin ba? Sabay ka na samin?" nakangiting sabi ni Eros. Yung puso ko pakitape please!

"Ah eh sige"
-------

" Ok class that's all for today" Hay sa wakas yari na din ang madugong klase

"Eros mauna ka na umuwi. Pasabi na lang kay Tita may, alam mo na hahaha. Ihahatid na lang ako ni Ace mamaya!" dinig kong sabi ni Camille kay Eros

"Date? Tssst. Sige ako na bahala kay mama. Ingat" Sagot ni Eros at nagwave naman si Camille

"Oh! Hey Annessa!' dinig kong sabi ni Eros pero hindi ako tumingin at binilisan pa ang lakad ko

"Annessa hey! Annessa wait!" Bilisan mo Annessa. Yang puso mo kailangan na naman ipackaging tape. Yang bibig mo pagsabihan mo baka ano na naman masabi mo. Ee sa ano magagawa ko siya ang laging bigkas nito puso ko siya ang laman . Inaamin ko mahal ko siya. Mahal kita---

"Annessa wait"

"Mahal kita Eros!" bigla kong sabi ng sumulpot siya sa harap ko

"Huh? What it is again?" hingal nitong sabi habang nakayuko at nakahawak sa dibdib niya

Pakisabi na lang (One Shot) COMPLETEWhere stories live. Discover now