03.

103 4 0
                                    

WARNING: This chapter may contain FOUL WORDS!

-

SHANE

Takot na takot na talaga ako ngayon, gusto ko ng makaalis dito, nag didilim na at napakatahimik ng lugar, nasa isang gubat kami pero may parang nakatira na dati dito dahil may mga sirang pader, nasa iisang cottage kami, sobrang liit nito

"Paano tayo matutulog?" Tanong ko habang nakahawak sa braso ni Brylle

"Edi ipikit mo mata mo!" Pag pipilosopo nung Christian

"Saan tayo hihiga? See? Ang sikip at ang lamig dito" open kasi to parang sa mga beach lang

Yinakap ako ng mahigpit ni Brylle at hinihimas ang likod ko

"Jun" rinig kong sabi nung Samantha, wala namang Jun sa amin dito ha?

"Jun, nilalamig ka ba?" Sabi nito habang nakayuko ang ulo niya

Kinakalibutan ako sa kanya, yun ba yung kapatid niya na namatay kanina?

"Babe, nababaliw na ata yang babae" bulong ko kay Brylle

"Mukha naman babe eh" sagot nito sa akin,
sabay kaming tumawa ng mahina

Naibaling ko ang atensyon kay Jerome, siya ang umaaktong lider sa amin ngayon dahil siya naman ang pinaka matanda sa amin dito

"Sa ngayon, mag tiis muna tayo dito"

"Papatayin mo ba kami!? Hindi pa kami kumakain tapos papatulugin mo kami sa lamig" pag aangal ni Brylle halatang galit na siya

"Wala tayong magagawa" sabi ni Jerome

"Anong wala!?" Pa sigaw ni Brylle

Pinigilan ko siya at kinalma

"Kailangan nating mag sakripisyo, kung gusto mong umalis, edi umalis ka na" bulalas ni Lance

Tumayo si Brylle at sinipa ang upuan hinila niya ako at napatingin ako sa kanya umiling iling ako

"1 night lang naman babe atsaka sobrang dilim na" sabi ko sa kanya

Umupo na lang siya ulit at inis na inis parin
-

JAMES

Hindi ko akalaing magkakatotoo yung sinabi ng matanda, pero akalain mo ligtas ako?

"I-ikaw yung nakatabi ko sa bus" napalingon ako sa nag sasalita

Oo nga, siya yung nakatabi ko sa bus at yung tumayo! Ang galing ligtas siya

"Oo! Ako nga iyon! Buti ligtas ka" sabi ko sa kanya habang hinawakan ko ang magkabila niyang balikat

May tumabig naman ng kamay ko at hindi si Samantha iyon pero si Sean ang tumabig

"Close kayo?" Tanong ni Sean kay Samantha

"Siya iyong katabi ko sa bus at" napalingon si Samantha sa akin

"Nakausap niya rin iyong matanda, James! Nagkatotoo iyong sinabi niya at bukas walang liwanag, alam mo iyon Sean diba?"

Oo alam ko pero ayaw kong tawanan nila ako gaya ng pag tawa nila kanina, nasa amin na ang atensyon ng lahat

"Sam tama na" pag bulong ni Sean sa kanya

"Hindi, hindi ako nag sisinungaling" sabi niya

"Nababaliw ka na ba?" Sabi nung model

SuddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon