04.

81 4 0
                                    

SEAN

"AAHHHHHHH!!!"

Rinig naming napakalakas na sigaw ng babae

Nagka tinginan naman kami ni Jerome at kinakabahan na ako

"Bilisan na natin" sambit ni Jerome at agad na kaming tumakbo

Hindi kami nakahanap ng tubig dahil sobrang dilim

Habang mabilis  ang takbo namin gulat na lang ako ng may humawak sa paa ko, pilit kong inaalog ang paa ko para makawala sa pagkahawak

"Jerome!!! May nakahawak sa paa ko!!"

Sigaw ko at tumalikod siya at inilawan niya ang taong naka hawak sa paa ko


Si Brylle,












Dugo dugo na ang mukha niya

Agad naman akong napaupo

"Anong nangyari?" Natatarantang tanong ni Jerome

"T-t-tulungan niyo ako" pagkatapos niyang sabihin iyon ay napabitaw siya sa akin

Tutulungan na sana namin siyang makabangon pero biglang may humila sa kanya

"BRYLLE!!!" Sigaw ni Jerome

Napaatras naman ako sa takot, ang bilis ng pagkakahila sa kanya

Susundan sana ni Jerome si Brylle pero hinila ko to

"Jerome! Bumalik na tayo" pag pipilit ko

"Pero si Brylle"

-
Third Person's POV

Takbo ng takbo si Christian, hindi na siya tumuloy sa pag sunod kay Shane dahil hindi naman siya sigurado sa pupuntahan nito

"Sht! Naliligaw na ata ako!" Pag rereklamo niya

Nanginginig na siya sa takot pagkatapos niyang marinig ang sigaw ni Shane, babalikan niya sana ito pero wala siyang lakas na loob na iligtas si Shane at mas iniisip niya ngayon ang sarili niya

Huminga siya ng malalim at nakarinig siya ng mga yapak

"May tao ba diyan?" Nanginginig niyang tanong

Pero walang sumagot napaatras naman siya ng marinig na palapit na palapit na ang yapak

"Damn! Mag salita ka naman" singhal niya at napatakbo na naman siya ng mabilis ng may naramdaman siyang malamig na kamay na humawak sa leeg niya

Napalingon naman siya agad sa likod at hinawakan niya ang leeg niya

"Si-sino ka?" Nanginginig niyang tanong

-

Biglang lumakas ang simoy ng hangin at napayakap naman si Samantha sa sarili niya

"Si Shane ba iyong sumigaw?" Tanong ni Brent

"Mukhang siya nga" sagot ni Kenneth

"Ka-kailangan na nating makaalis dito agad!" Nag hihisterikal na sabi ni James

"Ano bang pinag sasabi mo, syempre kailangan na nating makaalis dito pero bat parang natatarantanka!?" Tanong ni Lance habang nakataas ang isa niyang kilay

SuddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon