Epilogue

119 7 0
                                    


SAMANTHA

Napalingon ako sa likod ko nakita kong may saksak si Lance sa balikat nang tiningnan ko kung sino ang may gawan nun


Nagulat ako sa nakita ko,



Buhay pa siya?







Agad namang tinanggal ni Lance ang kutsilyo sa balikat niya at agad ng sinaksak sa hita ang sumaksak sa kanya

Agad ko namang kinuha iyonh jacket at tinakip sa mga mata niya at nabitiwan niya ang kutsilyo

Natumba naman kaming dalawa at agad niya akong sinasakal ngayon

"KAHIT KAILAN PROBLEMA KA!" At sinampal ako ni Lance at pilit na sinasakal ulit

Bago ako mawalan ng malay nakita ko ang babae sa likod niya at nagmamakaawa na tulungan siya

Agad ko namang inabot ang kutsilyo ko at sinaksak ito sa leeg niya ng mariin!

Nangingisay siya ngayon at nakahawak sa may leeg niya kung saan napakaraming dugo ng tumatalsik

Napaatras naman ako at lumapit ako agad kay Brent

"Brent" agad kong kinuha ang damit ko sa gilid at agad ng tinali ito sa hita ni Brent

"N-nasaan si Ken?" Tanong niya sa akin

"W-wala na siya" mangiyangiyak na sagot ko nakita ko namang may namuonh luha sa mga mata niya

At tiningnan namin si Lance ngayon at wala na siyang malay at puno na ng dugo ang paligid

Napalingon si Brent sa paligid at nakita niya ang nakabitay na si Kenneth

Napakuyom ito ng kamao at napaiyak ng malakas

Yinakap ko na lang siya ng mahigpit at hinimas himas ang likod niya upang mapatahan siya

Inalalayan ko si Brent makatayo at medyo hindi naman malalim ang pagkasaksak sa kanya

Magang maga na ang mga mata ko ngayon at wala na rin akong saplot pero sa ganitong sitwasyon wala na akong pake

Agad namang hinubad ni Brent ang t-shirt niya at ibinigay ito sa akin

"Kahit na ganito ang nangyayari kailangan mo paring mag damit"

Napangiti na lang ako at isinuot ang t-shirt niya

Maya maya pa ay nakita na namin ang liwanag at napa buntong hininga na lang kami

"MAY TAO BA DIYAN!!??" Rinig kong may sumisigaw

Napalingon naman ako agad at nakitang may mga pulis

Kumaway ako sa kanila

"Dito po!!!" Sigaw ko habang inaalalayan si Brent

Agad naman silang tumakbo at tinulungan kami at buti na lang may mga ambulansya rin


Bago kami makaalis sa gubat lumingon muna ako ulit,

Jun,


Sean,

Mahal na mahal ko kayo.

Agad ng ginamot ang sugat ni Brent sa hita at pati na rin ang mga sugat ko.

Bago pa kami makalayo ng tuluyan nakita ko ang babae na kumakaway


-




"I am Samantha Abrenica, 19 years old, A survivor of a bus accident"

Pagkatapos ng interview agad naman na nagpasalamat ang mga news reporter sa akin.

Isang taon na rin palang nakalipas simula nung aksidente at marahas na pinag gagawa ng lalaking iyon

Pagkalabas ko sumalubong sa akin ang ngiti ni Brent, may dala siya ngayong bulaklak at napangiti naman ako

"Tara na?" Pag yaya niya sa akin

-

Habang naglalakad kami sa napakatahimik na lugar napag usapan namin ang nangyari noong nakaraan na taon

"Yung Lance na iyon, Psychotic pala iyon" sabi niya

"Paano mo nalaman?" Tanong ko

"Nag research ako tungkol sa kanya at may rape case pala siya at murder din"

Ah kaya pala, iyong babaeng iyon, siya siguro ang biktima

"Pinlano niya rin lahat ng aksidenteng iyon" pag papatuloy niya

Galit na galit ako sa kanya pero ngayon kakalimutan ko na ang lahat dahil wala na rin naman siya

Dalawang tao ang kinuha niya sa buhay ko,


Manigas siya kung nasaan siya ngayon,

"Nandito na tayo" biglang sabi ni Brent

Agad ko namang nilinisan ang libingan ni Jun at Sean habang katabi naman nila ang libingan ni Kenneth at inilagay na ni Brent ang bulaklak

"Jun? Magpakasaya ka diyan ha? Nanh dahil sa iyo tumapang si ate"

"Sean? Alam kong palagi mo akong binabantayan kasi nararamdaman ko iyon, maraming salamat sa lahat at sa pag mamahal na ibinigay mo sa akin"

Pagkatapos naming bumisita sa sementeryo nag punta naman kami ngayon sa hospital, hindi naging madali sa amin ni Brent,

Bumibisita kami sa Psychologists dahil sa Trauma na naranasan namin.

Ngayon sinusuportahan na ako ng mga magulang ko at naiintindihan nila ang sitwasyon ko. Ang lagi ko na lang kasama ngayon ay si Brent.

"Saan ka nga pala napadpad nung nawala ka bigla sa gubat?" Tanong ko sa kanya

Napakamot naman ito ng ulo

"Hindi ko alam basta ang alam ko may humila sa akin pero hindi ko makita kung sino" sabi niya sa akin

Ngumiti na lang ako sa kanya, nakaupo kami ngayon sa waiting area ng clinic

"Sa tingin mo dapat ba tayo na lang?"

Tanong niya sa akin bigla napatingin naman ako sa kanya na para bang nandidiri

"Baliw" iyan lang ang nasabi ko sa kanya

Tumawa naman siya ng malakas











Salamat kung sino ka man!
-






A/N: OMG!! Natapos ko na rin! Ang hirap gumawa ng ganitong story dahil nakakatakot at para bang nararamdaman ko haha! Btw nakakalungkot rin sa mga nangyari. Please leave some comments below at
Vote na rin po!!

SuddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon