Chapter 30: SHE'S BeACK

2.9K 44 0
                                    


4 years later..... 


JIA'S POV 

"Jia, pakisabi na lang kay Mommy mamaya, pumasok na ako sa work ko ha?" sabi ni Jho sa'kin. 


"Sige. Mag-ingat ka ha, baka kung ano nanaman mangyari sa'yo." I smiled. 


"Oo na po, inay!" sabi naman nya tapos tumawa nang tumawa. Hays, naloloka na talaga 'tong batang ito. "Ikaw ba? 'Di ka pa papasok?" tanong nya. 


"Ah, nag-day off ako ngayon e, alam mo na, anniversary namin ni Miguel! Hihi!" napangiwi naman sya sakin. Hays, bitter! 


"Ay, landi! Ka-corny nyo talaga forever!" sabi naman nyang nag-acting pang diring-diri sa'min. 


"Aysus, porke ba wala si Bea ganyan ka na! Hahahaha!" Binawian ko naman sya. Yan kasi, Bea, uwi na! Hahahaha! Pero... bigla kong narealize yung nasabi kong pangalan.. 


"Ha? Sinong Bea? Siino ba kasi talaga yun at madalas nyong nababanggit sa'kin nang di sinasadya? Hays, ewan ko sainyo. Bye na nga, Jia! Byeeee!" sabi nya tapos nag-wave pa ng kamay nya habang tumatakbo palabas. 


Oo nga pala, di nya na maalala si Bea. 


FLASHBACK 

"Doc! Ano na po nangyari sa kaibigan namin?" tumakbo agad si Mich sa doctor paglabas na paglabas nya. 


"Okay na po sya, pero may mga bagay po na hindi nya maaalala, epekto po yun ng pagkaka-bunggo nya. Malakas po kasi ang naging impact ng aksidente sa kanya." ngumiti ng malungkot yung doctor. 


"M-makakapaglaro pa po ba sya ng volleyball?" tanong ni Mich ulit. 


Tumango yung doctor. "Opo, makakapaglaro pa naman po sya, pero siguro po kailangan po nya ulit pag-aralan yung sport." 


"Eh, yung mga tao po ba na malapit sa kanya? Maaalala po nya?" seryosong tanong ko. Aba, syempre no! Ililibre nga dapat ako ni Jho sa Christmas e! 


"Siguro po, pero maliit lang ang chance na lahat po ng mga taong malapit sa kanya ay maalala nya." sabi ng doctor tapos nagpaalam na sya. Uy, in fairness, ang pogi! Hihi. Hoy, Jia, may Miguel ka na! 


------- 

Pagkatapos naming makausap yung doctor, inilipat na si Jho sa private room. Hinihintay na namin syang magising. Wooh, namumuti na yata yung mga mata ko, di pa rin sya gising! Hooh!


"Guys..." nagsalita si.... JHO?! 


"Jho? Ikaw ba yan? Multo ka ba? Jhoooo!!! Ibalik nyo na si Jhoooo!!! Di nako magpapalibre sa kanya, ibalik nyo lang sya!!!" naiiyak kong sabi, Seryoso ako, walang biro! 

Unexpected (JhoBea Fanfic) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon