Chapter 31: Hello

3.2K 44 0
                                    


BEA'S POV 


"Anak, are you sure na kaya mo labanan jet lag?" tanong ni Mom. I nodded as an answer, kakayanin, para kay Jho! Woooh!


Ilang taon ko na rin di nakakausap teammates ko, at si Dad ang dahilan ng lahat ng 'yon. Kaya nga ngayon hindi ko pa rin mai-alis yung sama nang loob ko sakanya. 


FLASHBACK 


"Dad, please. I really need to go home! Kailangan ako ni Jho. Please, dad..." halos lumuhod na ako kay Dad mula pa kanina, pero wala pa ring nagbabago sa desisyon nya. 


"No, Bea. Her family is there, she doesn't need you." sabi ni Dad, 'yan ang paulit-ulit n'yang sinasabi kanina pa sa'kin. 


"Dad, please..." lumuhod na ako sa harap ni Dad, alam nyo namang kahit ilang beses ko nang sinaktan si Jho, e, mahal na mahal ko pa rin sya. At ngayong alam kong grabe ang kalagayan nya, kailangan kong manatili sa tabi nya. 


"Para sa'yo din naman to, kaya kung pwede lang, sumunod ka naman sa'kin!" napag-taasan ako ng boses ni Dad. Ngayon lang 'to. 


"No, no. I can't see your point, Dad." Umiyak na ako, bakit ganyan si Dad? Bakit ganyan na sya? 


"May offer sa'yo ang Bangkok Glass volleyball team, alam mong no. 1 sila sa lahat ng league dito sa Thailand, kailangan mong makipag-training sa kanila. You can't go home." seryosong sabi ni Dad. 


"Alam mo, Dad, parang anak mo na rin po si Jho. Mahirap po ang kalagayan nya ngayon. Pero ano Dad? Ipagpapalit mo ba si Jho na parang anak mo na rin para lang sa fame at money?" Di ko na napigilan yung sarili ko sa nasabi ko. 


"Whatever." sabi ni Dad tapos tinalikuran ako. He stopped. "Isa lang ang masisigurado ko sayo, Isabel, hindi ka makakauwi ng Pilipinas at mapuputol ang communication mo sa lahat ng tao na nasa Pilipinas." matigas na sabi Dad, tapos pumunta na sya sa room nila ni Mom. 


Dad... bakit ngayon ka pa nagkaganyan? 



END OF FLASHBACK 



Dialing Jia.... 

"Hello, Jia? Asan na kayo?"  


"Dito na, Bei. Ikaw na lang hinihintay." 


"Andyan na ba SIYA?" 


"Oo, kanina pa." 


"Sige garod, bye na." 


"K." 

Unexpected (JhoBea Fanfic) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon