Bully 1

122 7 1
                                    


         Birthday ko ngayon at alam mo yon, pero anong ginawa mo? Pinagtripan mo na naman ako. Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom ay binuhusan mo ako ng pinturang itim at sabi mo bagay sa akin yon dahil maitim naman ako.

    Tumakbo ako papuntang comfort room(c.r) pero sinundan niyo ko ng mga kaibigan mo. Hinawakan ako ng dalawa mong kaibigan na si Drew at Drei sa braso at inilublob ang aking mukha sa toilet habang pinaflash ito ni Sunny--ang iyong kababata. Hindi ako makahinga at pinipilit ilayo ang mukha ko pero pinagpatuloy niyo pa rin ang ginagawa niyo.

Hanggang sa mapagod kayo at nilubayan na ko. Umuwi ako sa bahay na luhaan at mabaho. Di ko alam ang gagawin ko sa sarili ko.

Bakit ba kasi kailangang sakin mangyari 'to.

A Bully To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon