Bully 3

76 7 0
                                    

Pinilit ako ni tatay na pumasok ngayon. Wala akong choice kundi gawin ang gusto niya. Pagkarating ko sa school nakita ko kayo ni Sunny na nagtatalo, di ko alam kung bakit pero sa di ko alam na dahilan ay nilapitan ako ni Sunny at pinagsasampal. Lumapit ka na rin kasama ang mga kaibigan mo at pinagbabato ako ng bato.
Naramdaman kong may dugong dumadaloy sa ulo ko pero hindi pa rin kayo tumitigil. Buti na lang at dumating na yung guard kaya napatigil kayo at nagsipagtakbuhan.. Dinala ako ng guard sa clinic at inutos sa nurse na gamutin ang sugat sa ulo ko at pagkatapos ako ihabilin ng guard sa nurse ay umalis na ito.

Umiyak lang ako ng umiyak, bakit ba napakahina ko. Tanong ko nga sayo Mr. Perfect may pakialam ka pa ba sa akin.. hahahahah malamang wala.
Sino ba naman kasi ako para alalahanin mo. Isa lang naman ako sa mga DATI mong kaibigan.. At ngayon isa na sa mga BINUBULLY MO....

A Bully To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon