Dear Perfect Bully,
Kung dati pumapasok ako ng malungkot sa school, pero ngayon pumasok ako ng may hinanakit. Kung dati tinitingnan ko muna kayo sa gate bago ako pumasok, pero ngayon wala na akong pake kung ibully niyo ako buong araw. Wala na akong pake sa mangyari sa buhay ko.. Kahit mamatay man ako sa pambubully niyo ok lang sa akin. Dahil makakasama ko na si tatay sa kabilang buhay.
Di nga ako nagkamali binully niyo nga ako pero para sa akin wala ng maslalala pa sa ginawa niyo sakin ngayon.
Sinunog niyo ang mga gamit ko at pagkatapos ay yung abo non ay binuhos niyo sa akin. Hinila naman ako nila Drew & Drei pababa sa building at doon niyo ako pinagbabato ng pie at cherry. Hindi pa doon natatapos lahat ng ginawa niyo sa akin, kinaladkad niyo ako sa ground at binuhusan ng timba timbang putik, pinagbabato niyo rin ako kasama ng mga ibang estudyante ng bati at itlog. Tinatamaan na ako sa ulo pero hindi pa rin kayo natigil.
Hindi rin ako makaalis dahil pinaliligiran niyo ako. Tinangka kong umalis pero may humiwa sa parteng likod ko, di naman madiin pero masakit dahil nga sa putik na binuhos niyo sa akin.
Napaupo na ako. Sobrang nasasaktan na ako sa ginagawa mo, sa ginagawa niyo.
Ilang minuto ang nakalipas at umalis na ang ibang estudyante pero bagi kayo umalis ng katropa mo binuhusan niyo ako ng isang timbang ice cubes na may tubig.. Saka kayo umalis..Umuwi na naman ako sa bahay ng madumi at may sugat. Pero di gaya ng dati hindi ako umiyak.
BINABASA MO ANG
A Bully To Remember
JugendliteraturPlagiarism is a crime. Letters from the heart ~~~~~ WELCOME TO THE WORLD OF BULLY/BULLIES ~~~~~ Spreas awareness, No To Bullying Free to read,wag mag-alala walang bayad.-RuinedPsyche 10-01-16 770,478,691 in Gen. Fic.