Unang Laro

1.1K 55 61
                                    


"Magandang hapon po." Nakangiting saad ni Lisa sa kumadrona sa bahay ng mga Versoza.

"Magandang hapon rin sayo. Halika, Pasok." Saad naman ni Tess, ang kumadrona.

Sumunod naman siya sa kumadrona papasok ng mansyon.

"Ito ang bahay ng mga Versoza. Sa lahat ng nag-apply rito ikaw ang napili ko dahil mukha kang mabait at tinignan kong mabuti ang resume mo.
Masipag ka naman siguro ano? Malamang alam mo na ang gagawin mo rito.
Lahat ng mga bagay dito mamahalin dahil galing pa ibang bansa kaya dapat maging maingat ka sa paglinis at pag gamit ng mga appliances. Samahan mo ko sa kusina para maipakita ko sayo." Saad ng kumadrona.

Pumasok naman sila sa napakalaking kusina na ikinamangha ni Lisa.

"Whoa..." Saad niya.

"Kumpleto kami sa mga gamit pangkusina, may rice cooker, blender, stove, oven, refrigerator, at kung anu-ano pa. Pero! Dapat maging maingat ka dahil isang maling saksak sa isa sa mga bagay na to baka sumabog at bawas yan sa sweldo mo, tandaan mo hindi mo mababayaran ang halaga niyan kahit magtrabaho kapa rito ng limang taon. Naiintidahan mo ba?"
Tanong ng kumadrona.

"Opo, naiintidahan ko po." Saad ni Lisa sabay tango.

"Tayong dalawa lang ang katulong rito kaya kung may problema ka sakin mo sabihin. Ayoko ng chismosa kung anong nakita at narinig mo rito itikom mo yang bibig mo. Kasiraan nila, kasiraan rin natin. Nagkakaintindihan ba tayo?" -kumadrona.

Tumango naman si Lisa at sinabing...
"Opo, ah, ano pong itatawag ko sa inyo?"

"Tess ang pangalan ko. Ikaw na bahala kung ano itawag mo sakin. Siya nga pala, wag kang basta-bastang pumapasok sa mga kwarto rito matuto kang kumatok dahil mga lalaki ang pagsisilbihan mo. Sina señorito Kevin, Joe at Mark magkakapatid silang tatlo. Maiwan na kita may gagawin pa ako sa taas, nasa kaliwa ang kwarto mo ilagay mo muna mga gamit ko dun tapos mag-ikot-ikot ka pero wag kang gagawa ng di ko magugustuhan kung ayaw mong matanggalan ng trabaho." -Kumadrona.

"Sige po Manang Tess, Salamat po." Nakangiting saad ni Lisa saka siya tinalikuran ni Tess at umalis.

Pagkatapos niyang ilagay ang mga gamit niya sa kanyang magiging kwarto naglibot-libot si Lisa sa masyon. Una niyang pinuntahan ang sala, Isa-isa niyang sinuri ang mga vase nito ang mamahaling mga mesa at mga paintings, tumingala siya sa kesame kung saan nakasabit ang enggrandeng chandelier.
Sunod niyang pinuntahan ang itaas ng bahay kung saan mayroong limang kwarto kasali na ang guest room. Dahil nakalock ang mga ito hindi na niya inabala pang buksan.
Pagkatapos ay bumaba na siya at lumabas ng mansyon at pumunta sa gilid ng bahay kung saan naroon ang swimming pool sakto naman na kita niya doon si Manang Tess na nagdidilig.

Pagkatapos ay bumaba na siya at lumabas ng mansyon at pumunta sa gilid ng bahay kung saan naroon ang swimming pool sakto naman na kita niya doon si Manang Tess na nagdidilig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Oh tapos ka na palang magbihis, tapos ka na rin bang maglibot sa loob?" Tanong nito sa kanya.

"Opo, talaga pong napakalaki ng bahay at nitong swimming pool." Saad naman ni Lisa sa matanda.

"Siya nga pala itong swimming pool dapat araw-araw mong linisan every week may pupunta ritong tagalinis talaga niyan." Saad ni Tess.

"Opo." Sagot ni Lisa sabay tango.

"At yang nasa harapan natin diyan ka maglalaba may tatlong washing machine diyan, halika tuturuan kita kung paano gumamit ng mga yan."

Sumunod naman si Lisa sa matanda patungo sa laundry room pagdating nila run agad naman siyang tinuruan sa paggamit nito.

"Kung may mga tanong ka wag kang mahiyang sabihin sakin." Saad ng matanda.

"Opo."

"Oh siya pumasok kanang simulan mong linisin ang kusina para madali nalang ang pagluluto natin mamayang gabi." Saad ng matanda at tumango naman si Lisa at pumasok na sa loob ng bahay.

[Lisa's picture below 👇]

Samantala palihim namang pumunta si Tess sa likod bahay at agad na tinawagan ang kanyang amo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Samantala palihim namang pumunta si Tess sa likod bahay at agad na tinawagan ang kanyang amo.

*Phone conversation*

"Hello." Saad ng nasa kabilang linya.

"Hello sir, Si Tess po ito." Saad ng matanda.

"Oh manang Tess! Anong balita? Andyan na ba yung bago naming laruan?"

"Opo Sir andito na po siya, mas maganda po siya sa personal at gaya ng inaasahan mahinhin po ito. Tiyak na taga probinsya at wala masyadong alam."

"Mabuti naman. Sige po pa-uwi na po kami. I'll hang up the phone. Bye."

*Call ended*

***********
Singkit's note: Abangan ang magiging kapalaran ni Lisa sa bahay ng mga Versoza.

Thanks for reading! ;)

Vote, comment and support please ;*

The Maid ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon