Siyang nanalo, Silang natalo

566 32 22
                                    

(Huling laro)

[ Lisa's or Louisa's Picture below...]

*Flashback*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*Flashback*

"Sigurado ka bang kaya mo mahal? Pwede akong tumawag nalang ng tauhan ko." Saad ng asawa ni Lisa.

"Ano ka ba, hindi na... Kaya ko na to, trust me." Saad naman ni Lisa sa kanya.

"Basta mag-iingat ka palagi." Saad ng asawa niya sabay halik sa labi nito bago lumabas si Lisa sa kuta nila.

--------------

Agad na dumeritso si Lisa sa agency ng mga katulong at dun na ngapply sa loob ng isang linggong paghihintay, tinawagan na siya at agad na patatrabahuin sa bahay ng mga Versoza bukas.

"Oy swerte mo girl, sa mga Versoza ka iaasign." Saad ng kasamahan niyang nag-aaply rin para katulong.

"Oh, talaga? Bakit mo naman nasabi?" Panunuyang tanong ni Lisa.

"Eh kasi daw, araw-araw kang makakakita ng mga naggagwapuhang adonis!" Saad ng kasamahan niya.

"Hoy, hindi kaya! Anong swerte dun? Eh! bali-balita na ang lahat ng mga nagiging katulong nila ay ginagahasa at binubuntisan. Kaya kong ako sa inyo baback-out na ako." Singit ng isa pa nilang kasamahan.

"Talaga? Exciting! 'Di mo lang makikita matitikman mo pa!" Saad ng una niyang kasamahan.

"Hay... Ewan ko sayo Melissa! Basta ikaw Lisa, mag-iingat ka." Saad ng pangalawa niyang kasamahan.

"Wag kang mag-alala magiging okay lang ako." Saad ni Lisa sabay ngiti. Pero ang hindi nila alam ay nagdidiwang na siya sa saya.

Kinabukasan ay pumunta na siya sa bahay ng mga Versoza suot ang kanyang pinaka-inosenteng damit at inosenteng aura.

"Magandang hapon po." Nakangiting saad ni Lisa sa kumadrona sa bahay ng mga Versoza.

"Magandang hapon rin sayo. Halika, Pasok." Saad naman ni Tess, ang kumadrona.

Palihim na tumawa si Lisa pagkapasok nila sa loob ng mansyon at sa isip niya, "Ganda ng bahay... Tiba-tiba na naman kami nito."

------------

Ang inakala nilang maamong tupa ay mas tuso pa pala kesa sa kanila. 

Ang tunay na itsura ng tao madalas nakatago, kaya hindi basta-basta manghuhusga.

Ang inaapi at minamaliit mo, ay siya na palang babawi ng masamang karma para sayo.

*WAKAS*

************************************************************************

Singkit's note: Let me hear and read your thoughts anyone? Im so glad kahit silent reader ka man or not. Thanks for supporting and reading my story.

Any suggestions, recommendations, corrections, and violent reactions, is highly appreciated. So please correct me if im wrong or keep in touch with me :)

Vote and Comment Please.... :-*  

Love lots! Ciao! <3

The Maid ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon