Ikaanim na Laro

547 31 5
                                    

"Sino kayo? Anong gagawin niyo samin?" Hysterikal na saad ni Joe.

"Wala lang naman ibebenta lang naman namin kayo." Walang ganang saad ni Lisa sa kanila habang nagkukulay ng kanyang kuko at prenteng naka-upo habang nakasampay ang dalawang paa sa mesa.

Nasa kuta sila ngayon ng isa sa mga pinakamalaking sindikato at akyat-bahay ng bansa. Ang pinuno nila ay ang asawa ni Lisa at si Lisa mismo, na ang totoong pangalan ay Louisa.

"Hayop ka! Niloko mo kami!" Galit na bulyaw ni Kevin sa kanya sabay palag habang nakaupo at tinalian kasama ang mga kapatid niya. Habang si Mark ay tahimik lang, tulala at umiiyak.

"Oh? Ako pa talaga ang manloloko? Hindi ba't kayo rin naman? Ilang babae na ba nabiktima niyo? Ah... Labingdalawa na pala at kawawang mga gaga, nagpabuntis lang sa inyo di man lang nagreklamo? Ngayon dumating na ang karma niyo. At ako yon! By the way, Louisa nga pala. Ang Ex-maid niyo." Panunuya ni Lisa sa kanila at sinabayan pa ng malakas na tawa ng mga bantay na tauhan nito.

Maya-maya pa ay dumating na ang asawa ni Lisa at sinabing, "Dalhin niyo na sila." Utos niya sa kanyang mga tauhan.

"Bye boys! Enjoy your new life." Saad ni Lisa sabay tawa ng malandi at kaway sa magkakapatid.

"San niyo kami dadalhin? Lisa! Hayop ka! Mga hayop kayo!" Sabay na bulyaw ng mga magkakapatid habang kinakaladkad ng mga tauhan ni Lisa.

--------------------

Hindi mawari ng mga kapatid kung saan sila dadalhin ng mga sindikato ng mga ito. Nakapiring at nakatali parin sila habang inisakay sa van. Tahimik man pero kinakabahan ang tatlo sa nakaabang sa kanila pagdating sa kanilang pupuntahan.

Makalipas ang kalahating oras nakarating narin sila sa isang patagong lugar na may malaking gusali.

Pinababa na ang tatlong magkakapatid at agad silang pinapasok sa loob gusali.

"Asan niyo kami dinala?" -Joe.

"Anong lugar to!?" -Kevin.

"Katapusan na natin 'to." -Mark.

Sabay-sabay nilang tanong pagkatapos kunin ang piring sa mata at busal nila.

Lalong natakot ang mga magkakapatid sa nakita nila, may mga lalaki rin na kasing edad nila ang mga nandirito, at lahat sila ay walang suot na pang-itaas tanging brief lang ang suot nito tulad ng sa kanilang tatlo.

"Welcome sa bago niyong tahanan!" Saad ng isang matandang lalaki na may malaking tyan at mukhang manyakis.

"Ako si Taguro, ang pinuno ng lugar na ito. Dahil baguhan kayo may mga batas ako na dapat niyong sundin. Kundi, Buhay niyo ang kapalit. Pero wag kayong mag-alala, dahil kung magiging mabait at masunurin kayo... Magiging mabait rin ako sa inyo. Siya nga pala, narinig kong mahilig kayo sa laro? Magagamit niyo iyon rito, dahil ang gagawin niyo lang naman ay magbigay aliw sakin at sa mga kleyente natin.  And one more thing. BAWAL KAYONG TUMAKAS RITO. Dahil pag binalak niyo, sabog yang ulo niyo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Mahabang saad ng matanda bago tuluyang umalis sa kanilang harapan.

"Kilos na, Bilis!" Saad ng isang tauhan ni Taguro at nagsinunod naman ang mga lalaking nandun.

Bagama't naguguluhan, kumilos nalang din ang tatlong magkakapatid. At simula nung araw na iyon naging bahagi na ang magkakapatid sa mga biktima ng human trafficking.

--------------

"Ang galing mo talaga mahal, Naturuan rin natin sila ng leksyon na hindi nila malilimutan." Saad ng asawa ni Lisa sabay inom ng alak.

"Hmm! Ako pa!" Nakangiting saad ni Lisa habang sumisipsip rin ng kanyang alak.

Naka-uwi na rin si Lisa sa kanilang bahay kasama ang asawa niya at mainit nilang pinagsaluhan ang gabi.

*********************************************************************************

Singkit's note:_ Sorry maikli lang ang update nato. bawi nalang ako sa susunod na chap. :) Anyways thanks for continue supporting my story.

Please vote and comment <3

Love lots! :-*

The Maid ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon