Ikaapat na Laro

681 35 24
                                    

"Lisa! Lisa! Lisa!" Galit na sigaw ng Kumadrona.

"Opo! Andyan na po!" Sigaw naman ni Lisa at patakbong bumaba sa hagdan. "Bakit po? Manang Tess?" Tanong niya rito.

"Sino to!? Anong ginagawa ng mga 'to rito?" Galit na tanong ng Kumadrona.

"Nako! Pasensya na po! Nataranta na po kasi ako kanina dahil bumabaha na ang laundry room kaya tumawag ako agad ng tubero." Paliwanag ni Lisa.

"May mga suki na tayong tubero rito! Dapat nagtext ka man lang sakin!" Bulyaw niya kay Lisa at ibinaling ang tingin sa dalawang lalaking nakatayo sa sala, "Kayong dalawa! Heto ang bayad niyo, at wag na wag na kayong babalik pa rito!" Saad niya sa mga lalaki sabay abot ng pera.

Kinuha naman nila ito at lumabas na ng bahay. Ngayon sila nalang dalawa ni Lisa.

"Pasensya na po talaga Manang Tess." Magmamakaawa ni Lisa sa kanya.

"Walang pase-pasensya! Bukas  na bukas pupunta ako ng agency at isusumbong kita! Akala mo ba di ko malalaman ang mga kabulaskugang ginagawa mo rito sa loob ng apat na araw? Yung pang-aakit mo sa mga Señorito dito sa mansyon? Napakalandi mo!" Saad ng kumadrona.

"Wag po! Maawa po kayo! Di ko po naman ginusto ang pinagagawa sakin ng mga Señorito, may kapatid pa po akong kailangan mapagamot! Manang Tess, pakiusap patawarin niyo na ako, di na talaga mauulit." Umiiyak at nakaluhod na saad ni Lisa.

"Talagang di na mauulit dahil bukas na bukas lalayas kana rito! Mag-empake kana!" Saad ng kumadrona sabay tulak kay Lisa na nakaluhod at kumakapit sa isa niyang paa.

Walang nagawa si Lisa kundi ang umiyak lang ng umiyak at dumeritso na sa kanyang kwarto.

----------

Kinabukasan maagang naghanda si Lisa ng agahan para sa tatlong magkakapatid.

Tulad ng dati, parang wala lang nangyari at dedma lang rin si Lisa.

"Lisa pakilagyan mo pa nga ng juice ang baso ko." Utos ni Kevin sa kanya.

"Opo sir." Sagot naman niya.

Sasalinan na sana siya ni Lisa ng may narinig silang nabasag sa kusina.

"Ano yun?" Tanong ni Joe.

"Tara, tignan natin." Saad naman ni Mark.

Sabay na tumayo at pumunta ng kusina ang apat, nadatnan nila ang kumadrona na nakahiga sa sahig at bumubula ang bibig.

"Manang Tess!" Tarantang saad ni Mark at Joe.

"Kevin, tumawag ka nang ambulansya bilis!" Saad ni Mark kay Kevin.

"Lisa, ligpitin mo ang mga bubog." Saad naman ni Joe kay Lisa.

At parehong sumunod ang dalawa.

Matapos ang halos kalahating oras nakarating narin sila sa ospital at dali-daling ginamot ng mga doctor at nurse ang kumadrona.

"Doc, ano na pong kalagayan niya?" Tanong ni Mark sa doctor matapos itong gamutin.

"She's fine now, maybe a week or two pwede na siyang lumabas." Saad ng doctor.

"Ano po ba nangyari?" Tanong naman ni Kevin.

The Maid ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon