Irel's POV:"So, kapag tinanong ka na Bakit ito yung ginawa natin, anong sasabihin mo?" Sabi ko sa kanya dahil practice na namin ngayon for the question.
Hay Naku! Takte talagang engot na to. Di man lang ako pinansin. Kanina pa to. Nakakairita na.
"Uy! Unggoy! Pansinin mo nga ako!" Iritableng sagot ko habang nagdadabog.
Weird lang dahil ngumiti sya sakin. Siguro namumula na ako ngayon. Peste kasing ngiti yan!
Nagulat na lang ako ng bigla syang lumapit sakin, yung sobrang lapit talaga. Yung parang hahalikan na nya ko.
Jusko! Lord! Ayoko magkaroon ng first kiss sa lalaking to.!Siguro ang bilis na ng tibok ng puso ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Kinakabahan, natatakot, nacucurious.
"Bakit? Namiss mo na ba ako?" Mapangasar nyang sabi.
Ako!? Mamimiss sya!
OMG! Never!"Hindi no! Never! Feeling ka! "
"Ako feeling? Psh! Baka ikaw"
Ah ganun? Ako pa ang feeling saming dalawa."At bakit naman?" I said habang nakapamewang..
"Akala mo kasi hahalikan kita kanina eh. Psh.! Assuming! Never na mangyayari yun!"
Ahhhh!!!! Boset!! Sobrang red na siguro ngayon yung pisngi ko. I don't know the reason. Siguro dahil sa galit, inis, hiya o ano. Ang gulo!
"Aish! Ewan ko sayo! " nagpatuloy na ulit ako sa pagbabasa dito. Bahala sya dyan!
Weird. Wala talagang nagsasalita.Ang taas talaga ng pride nya.! Hindi man lang sya nagsorry sakin.
Nagpout na lang ako at binaba na ang librong hinahawakan at binabasa ko ngayon.
"AHHHHHH!!------ ARAY!" Takte! Ang sakit! Nakakagulat kasi sya eh! Pasulpot sulpot sa harap ko. Hay Naku! Damn! Panira!
"Ang ingay mo! Istorbo ka.!" Ah? So ako pa pala ang istorbo? Eh sya nga yang sulpot ng sulpot bigla eh.
"Ang hangin talaga eh no! Ikaw kaya yung nangiistorbo! Hindi ako mapapasigaw kung di dahil sayo! Sulpot ka kasi ng sulpot! Siguro supot ka no!?"
Hahahahaha!!!!! Grabe! Nasabi ko ba yun sa kanya!?
Hahaha! Akalain mo yun!? Nasabi ko na Supot sya! Hahaha."HahHAHAHAHA!" Nakahawak na ako sa tyan ko sa kakatawa! Ghad! Nakakatawa talaga!
Nagulat na lang ako ng bigla nya akong halikan.
Halikan ba naman sa lips?
Ay SHEMEY! SA LIPS! WHAAAHH! SYA ANG FIRST KISS KO! SA HINAYUPAK NA LALAKI PA NA YAN ANG NAGING FIRST KISS KO!? Pano na yan??? Nawala na ang promise ko sa sarili ko na ang taong mahal ko lang ang pwedeng humalik sa lips ko!Tinulak ko sya ng malakas kaya napadapa sya. Kinuha ko na yung mga gamit ko sa kwarto nya pati yung cellphone ko na naiwan dito. Lumabas na ko ng tuluyan.
"Yung first kiss ko"
"Yung first kiss ko"
"Yung first kiss ko"
Paulit ulit ko yang sinasabi. Yung first kiss ko nakuha pa ng ugok na yun!
Naiiyak na ko!
Umupo na lang muna ako sa grass dun sa park. Ewan ko! Parang nakakawalang gana kapag iniisip mo yung tungkol dun sa kiss.
Naiirita talaga ako!
Tumayo ako at sumigaw "AHHHHHHH!!" Nilabas ko yung emosyon ko. Nakakatawa nga eh, umulan pa! Nakikiramay ata yung panahon sakin ngayon.Basang basa na itong damit ko ngayon. Wala na akong pakialam kung anong itsura ko ngayon.
Umuwi na rin ako matapos kung ilabas yung emosyon ko. Baka pagalitan pa ako ni mama eh.
"Anak! Anong nangyari sayo!? Bakit ganyan ang itsura mo!? Saan ka galing!? " Hay Naku! Ang sakit sa tenga!
"Ma, Okay lang ako" pagkasabi ko nun, dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Pagod na pagod na kasi ako. Gusto ko nang magpahinga.
Nagpalit muna ako ng damit bago humiga sa kama at natulog na.
John's POV:
Baliw na siguro ako. Bakit ganun? Biglang tumibok yung puso ko nung halikan ko sya.
Baka naman may sakit na ako sa puso.Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari sa amin kanina. Nakakainis nga eh! Di ko alam kung bakit nagkakaganito ako.! Lintek kasi yan! Dapat di ko na tinuloy eh! Tuloy para akong shunga dito!
Kinuha ko ang cellphone ko at nagopen ng twitter.
Hays, ganun din naman, sobrang boring.
Bumaba ako sa kwarto ko para lumabas at magmuni muni. Naaalala ko pa rin kasi hanggang ngayon yung nangyari.
Naglakadlakad lang ako hanggang sa mapunta sa waiting shed malapit sa park.
Uupo na sana ako dun kaya lang may nakita akong babae na sumisigaw dun sa park. Hindi ko maaninag ang muka nya kasi medyo madilim na.
Kaya lumapit ako ng kaunti dun,at tinignan kung sino iyon, halos mapatalon ako nung nakita ko si Irel.???? What!? Bakit sya nandito!?
Lalapit na sana ako nung bigla syang sumigaw."AHHHHHHHHHH" Tapos may dinagdag pa syang salita. "Yung first kiss ko"
??? So? Ibig sabihin,? Yung----- O Mhay Ghad!! Kaya pala sya nagwalkout kasi first kiss nya yun.
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Ang cute nya. Shet. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Ano ba!? Ano bang nangyayari sayo John!?
Bumalik ako sa waiting shed dahil biglang umulan. Sa pagbalik ko sa waiting shed,umalis ma rin si Irel. Gusto ko sana syang alalayan kasi para syang zombie maglakad kaya lang naisip ko na baka galit pa sya sakin dahil sa nangyari kanina.
Pagkatapos tumila ng ulan, nagdecide na rin akong umuwi ng bahay, lumalalim na rin kasi ang gabi eh.
Pagdating ko sa bahay, nagpalit na agad ako ng damit na pantulog. Hininaan ko rin ng kaunti yung aircon, kasi medyo malamig ang panahon. Naglabas na rin ako ng bagong kumot kasi luma na yung dati kong kumot.
Chineck ko muna ang facebook account ko. Ganun pa rin. Marami pa ring friend request, likes, comments, chats. Sobrang FAMOUS ko kasi eh. Kaya nga nakakagulat na tanging si Irel lang ang may ayaw sakin. Sya lang ang babaeng laging galit sakin. Baliw siguro yun.
Nagbakasakali akong itext sya tungkol sa nangyari kanina.
To:Irel (PANGET)
Sorry kanina. I didn't mean it. Hope you understand it.
Hanggang ngayon textzone pa rin ako. Bwiset na babae yun!? Di ako sanay na hindi ako sinasagot sa mga text ko.
Bakit ko pa kasi tinext ang babaeng yun!? Nasayang lang ang load ko. -_-
_____ POV: (secret) 😘😹
"Hi, Ma, Kamusta ang bahay?" Bungad ko kay mama.
I'm Back! I miss this country!
Galing akong U.S para magpagamot ng sakit ko. Hindi ko ito pinagsabi kahit kanino. Magulang ko lang ang nakakaalam nito. Kahit ang mga guro ko hindi nila alam, pati ang pinakamamahal kong babae, hindi nya alam.
Miss na miss ko na sya.
Ano kayang itsura nya?
Ganun pa rin kaya? O Mas gumanda?
I'm so excited to see her.
Ano kayang magiging reaksyon nya kapag nakita nya ako?
"Okay naman anak ang bahay natin.. Sobrang namiss ka namin!" Sabay hug sakin ni mama.
Grabe, nakakatuwa naman. Sobrang namiss ko talaga ito, pati ang bahay namin.
Goodluck na lang sakin bukas, sa magiging reaksyon ng mga batchmates ko.
____________
Short UD!
Happy New Year!
YOU ARE READING
Fall In Love With My Enemy
De TodoIsang babaeng... May paninindigan... Babaeng Matapang at Astig.. Babaeng walang inuurungan.. Si Irel na maganda,matapang at higit sa lahat may paninindigan.... Ay???? Maiinlove? Sa lalaking kaaway nya??? Hahaha.. Ang lalaking nangiinis sa kanya araw...