Don't seek for it. Let it find you. The more you seek, the more you won't be able to see.
***********************************************************************************************
"I knew it!"
*blag
"Kuya naman. Please, magsabi ka kung magsasalita ka. Ang sakit tuloy ng likod ko."
"Sabi na eh."
"Ano nga 'yon? Para kang timang."
"I know that girl." Kumaripas ako ng takbo sa kaniya.
"Talaga?! Anong pangalan niya? Ilang taon na siya? Taga-saan? Bakit mo siya kilala? Kailan birthday niya? Masungit ba talaga siya? May boyfriend na ba siya? Anong hilig ni---"
"Tumahimik ka okay? She's a part of Saint Therese's Journalism. Nakasama ko siya noong grade 9 siya."
"Anong grade na niya?"
"She's probably in grade 10 right now. Oo nga." I can't help but to smile.
"What's her name?"
"That is what I don't know."
"ANO?!!!!"
"Lock, Ranz, anno bang meron diyan?" sigaw ni mommy mula sa baba.
"Wala po."
"Ang ingay mo kasi." Napasabunot na lang ako. Nakakainis!
"Arghhh!!!!! Nasaan na ba 'yung sapatos kong isa! Nandito lang 'yon eh!" galit akong napaupo sa sahig. Nabaling ang tingin ko sa may hagdanan...... 'yung sapatos ko. Dali-dali kong kinuha at isinuot iyon.
"Huwag mo kasing hanapin." Napalingon ako kay mommy.
"Po?"
"Huwag mong hanapin. Hindi ba't kanina ka pa paikot-ikot kakahanap niyang sapatos mo. Kung kaailan ka nagpahinga, doon mo pa hindi inaasahang nakita ang sapatos mo. Minsan totoo talaga 'yung, kapag hinahanap mo hindi mo makita, kapag hindi mo hinahanap kitang-kita mo naman."
"Ano pong gagawin ko? Hindi ko na lang po ba hahanapin?"
"Hayaan mong kusang dumating."
Nagpunta ako sa department store, bakit? Kasi ang magaling kong kuya nakalimutan ang fourth anniversary nila ng girlfriend niya, si Ate Love. Ha, pag nalaman 'yan ni ate baka hindi na maging 'LOVE' ang pangalan noon. Hahahahaha.
Napadaan ako sa stationary section. Since mahilig silang dalawa magsulat, edi couple ballpen at notebook na lang. I-critique nilang dalawa 'yung gawa nila. Hahahahahaha.
"Sir, gusto niyo po." Napatingin ako sa sticky note na hawak nung saleslady.
"Sir, promo po. Tatlong iba-ibang design po in one price. Maganda po pang-regalo sa mahilig sa mga cute na bagay or sa mahilig magsulat."
"May iba pa bang design?"
"Ay dito po." sabi nito at sinamahan ako sa isang shelf.
"Salamat, Miss."
"No problem, sir." Ang cute naman ng mga ito.
"Miss, may light blue ba kayo nitong sweater? 'yung pambabae?"
"Para sa kapatid niyo sir?"
"Yeobo, nandiyan ka lang pala. Tumawag si Tita Eliza, let's have lunch at our house daw."
"Miss, para sa kaniya 'yung size."
"Wait, bakit ka nabili ng sweater?"
"We're going to spend our vacation in Baguio right? Syempre para hindi lamigin ang Jagi ko."
"Hala, nag-abala ka pa."
"Kahit kalian hindi ka magiging abala para sa akin."
"Ang cute naman nung mag-boyfriend na 'yon oh." Ang ingay naman ng mag-syotang 'to. Inis akong lumingon. Ang ganda na ng sticky notes shopping ko dito eh.
Tang*na!
Hahahahahahahaha.
Oo nga, pag hindi mo hinanap makikita mo.
Ayan oh! Kitang-kita ko 'yung babaeng hindi ko kilala pero gusto ko, na nakapulupot sa braso ng isang t*rantadong lalaki.
Hahahahahahahahaha!
T*ngina talaga!
I saw her in the most unexpected scene I've never imagined. I never seek for her. I just waited for her, but seeing her in someone's arms makes me wish that I should have just sought for her so that I won't be able to see her. So that I won't be able to hurt like this. Damn it!
YOU ARE READING
LOCK in Love [Finding his KEY}
Teen FictionThere's this guy who believes in horoscopes, believes that everything around him is fated or destined, he's on his search for the girl who he thinks is his 'the one' but unfortunately his so called 'the one' doesn't want him to be a part of her life.