Go away? It's telling the person to do the other way around. In short, telling a person to come closer.
(Lock's Point of View)
It's already Christmas break. Bilis ng panahon 'no? Nasa malayong lugar kami but still around the Philippines [Kunwari near Baguio po. I'm not familiar with places kasi so let's just assume it happened there.]
We're having bonfire outside the hotel. Malamig kasi 'yung klima dito kaya nagb-bonfire kami. I'm with my parents, Kuya Ranz and Ate Love. Gladly, Ate Love's parent's agreed on this vacation.
"So, ano pa lang kukuning course ni Lock? What I mean is strand? May senior high school na nga pala."Tanong ni Daddy. Umuwi na siya galing South Korea. I choked.
'This topic is what I hate the most.'
"You can take engineering o maybe doctor? Lawyer pwede rin. Alin ba doon?"
'Paano kung wala po roon?'
"Naku Dad! Doctor Lock? Engineer Lock? Attorney Lock? Ang pangit. Hahahahaha."Tawa ni Kuya Ranz.
'Oo nga, ang pangit.'I coughed.
The bonfire went well kahit papaano. Nang masigurado kong tulog na sila ay lumabas na ako ng hotel.
I just run and run and run until it rained. It looks like the skies are crying with me. The rains made it easier for my tears to become invisible. I've reached a playground there I saw tunnels, I entered one and there I cried.
10 minutes later.......
"Hello! May tao ba d'yan?" I stopped. Hindi ako umimik. Paos na halos ako at mas lalong lumakas ang ulan. Boses babae. Naramdaman kong may naglalakad patungo dito sa tunnel.
"Go away!" malakas kong sabi. Kaya nga pumunta dito para makapag-isa tapos makikimoment naman siya dito.
"At bakit ako aalis? Iyo ba ito?" hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod ako.Tsaka nasa loob ako ng isang tunnel.
"Hindi, pero nauna ako."
"Care ko?" naramdaman ko na lang na medyo gumalaw yung kabilang tunnel.
"Bakit kaba kasi nandito? Hindi moba naintindihan ang salitang Go away. Daragdagan ko pa, I don't need someone here. I want to be alone, in tagalog---"
"Excuse me, nakakaintindi po ako ng English. Kapal ng mukha nito."
"Eh bakit kasi hindi ka umalis?"
"Eh kasi nga sabi mo, 'Go away!'" napakunot ang noo ko. Baligtad ba ang utak nito?
"Akala ko ba naiintindihan mo ang English, edi dapat alam mo na pinapaalis kita."
"Why would I go away when I know you need the other way? You obviously cried. Paos ka, umuulan at mag-isa. Malamang problemado ka. Kung ayaw mo ng kausap at gusto mo talagang magmuni-muni ay hinayaan mo na lang sana ako. Bakit? Kasi in that way, hindi tayo magkakausap. Hindi ko malalaman na nandiyan ka, hindi ko uusisain ngayon ang dahilan kung bakit ka naiyak? But you chose to say 'go away.'Minsan kasi 'yan 'yung 'Tulak ng bibig, kabig ng dibdib' eh."
"Wow! Ang haba ng nilitanya mo ah."
"Wushu! Amazed ka lang."
"Teka nga, kababae mong tao nandito ka pa. Dis oras nang gabi ah."
YOU ARE READING
LOCK in Love [Finding his KEY}
Novela JuvenilThere's this guy who believes in horoscopes, believes that everything around him is fated or destined, he's on his search for the girl who he thinks is his 'the one' but unfortunately his so called 'the one' doesn't want him to be a part of her life.