Different? It's simply being unique and being only one of a kind.
******************************************************************************************
(Lock's Pov)
Ginawa kong bracelet 'yung moon na keychain. Kung kwintas kasi mahihirapan makita at malapit sa mukha kaya bracelet na lang. Bumili ako sa isang accessories shop tapos kinabit ko 'yung moon. Nasa National Bookstore ako ngayon. Tambay lang nagbabakasakaling magkatagpo ang landas naming ng ka destiny ko. Hindi si Star ha?
Nagtingin-tingin lang ako ng mga libro. Hindi naman ako nabili dito eh, sa Booksale. Mas mura kasi doon tapos ang ganda ng mga kwento. Napatingin ako sa kamay na naka-abot sa isang mataas na shelf. Hindi ko makita ang mukha niya kasi natatakpan ng buhok niya. Pupunta nasana ako para tulungan siya ng mapansin ko ang kumikinang sa may wrist niya.
"Star?" dali-dali akong pumikit at tumakbo sa kabilang parte ng shelf na inaabot niya. Maraming libro at mataas ang shelf kaya hindi kami magkikita. Itinaas ko ang kamay ko para makita niya.
"Moon?"Confirmed. Si Star nga?
"Taga-rito ka pala?" tanong niya na parang gulat na gulat na medyo kabado (?)
"Oo, nagbakasyon lang kami roon."
"Ahh."Bakit parang ang tahimik niya?
"Bakit ang tahimik mo?"
"Wala lang. Masama ba ha?!"
"Chill.Beastmode ka na niyan?" bigla siyang tumawa.
"Hahahaha, joke lang. Bakit pala?"
"Ah... ano..may itatanong sana ako."
"Oh My! Don't tell me..."
"Ano?"
"May HD ka sa akin?"
"High Definition?" kunot noo kong tanong.
"Humaling Disorder. 'Di joke lang. Hidden Desire kasi ang eng-eng mo naman."Wow!
"Na eng-eng pa ako."
"Ano ba kasi 'yon?"
"Kapal naman ng mukha mo. May gusto akong iba."
"Paki ko?" grabe talaga 'tong babaeng 'to!
"Tsk, pahingi kasi ng tulong."
"Nakakarami ka na ah."
"Please...."Sabi ko at nagpa-cute kahit hindi naman niya ako nakikita pero 'yung sa tono ng boses ko.
"Yak!Ano ba kasi?"
"Ano bang magandang ibigay na regalo sa babae?" feeling ko namumula tenga ko. Sh*t. Ang bakla ko ata pero paki ko.
"Depende sa babae. Kung materialistic, okay na siguro 'yung mamahaling chocolate, malaking bouquet ng flowers o malaking teddy bear. Ano bang characteristics nung babae? 'ung mga maliliit na detalye na napapansin mo sa kaniya?" Inalala ko ang lahat ng mga insidenteng nangyari sa amin ni destiny ko.
"She's afraid of heights!" sigaw ko na parang nanalo sa lotto. Bumuntong hininga si Star.
"You think that would help me think of a gift? Ano gusto mo magbigay ng mataas na building sa kaniya para mawala takot niya?" sarcastic na sagot niya.
"She likes Blue."
"Wala na bang iba?"
"Ahh, sandali.Mag-iisip ako."
"Isipin mo kasi 'yung mga maliliit na detalye. 'yung mga obvious lang kasi alam niyo. Try niyo kayang mag-observe kahit papaano." Pilit kong inalala yung mga moments na nagkasama kami. I just suddenly smiled. Hay~ Kailan kaya kami ulit magkikita? Mamaya may pumoporma na doon. Tsk.
"Uy!!!"
"Aba! Huwag ka namang sumigaw!" walanghiyang babae 'to, panira naman.
"Ewan ko nga kasi basta feeling komabilis siyang sumaya sa mga simpleang bagay. Mahilig siya sa cute na bagay. Sumulat. Ewan ko, kakaiba siya eh." It took some time bago siya sumagot. This is the first time I've done such thing. Well, except for my mom of course.
"Why don't you try something new? You know she's like the type of person who values effort rather than its worth, you know, money. I think she would appreciate if you're the one who'll make it. Try making crafts like origami flowers with something written inside. Put chocolates. Regarding stuff toys, it might be cute but try customized notebook? Cute pens? Still, you're choice." I smiled.
"SHOOT! Star!!! You're brilliant!" I was smiling, big time.
"Tsk."
"How can I say thank you?"
"Duh!Sabihin mo, gamit ang bibig at boses mo. Common sense."
"Tsk, pasalamat ka at tinulungan mo ako."
"Wow! Parang baliktad ata."
"Hahahaha, oo na lang. Pero Star, these means a lot. Thank you."
"Don't mention it. Wala naman akong ginawa.Basta siguraduhin mong magugustuhan niya 'yan."
"Pag hindi niya na gustuhan, edi ikaw ang may kasalanan. Ikaw ang nag-advise eh."
"Aba't!"
"Hahahaha, joke lang. Star?"
"Hmm?"
"Sa palagay mo,
Destined kaya tayo?"
"WHAT THE?!!"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" shet! Nakakatawa talaga siya eh!
"Leche!Hindi nakakatawa 'yon. Yuck!"
"H'wag po assuming.May gusto na ako."
"..... Paki ko."
"Star..."
"......."
"Star...."
"........" Huh? Nasaan na'yon?
"Iho?Sinong kausap mo?" napatingin ako kay kuyang guard.
"A..h. Wala po."Napakunot noo ko. Naglakad ako papunta sa kabilang shelf and saw a blue paper. This seems..familiar. No- coincidencelang siguro.
Hoy Loverboy,
Gotta go. I need to leave you with your fantasies. Bye.
~Star
I smiled. Star, you're also one of a kind. :)
YOU ARE READING
LOCK in Love [Finding his KEY}
Teen FictionThere's this guy who believes in horoscopes, believes that everything around him is fated or destined, he's on his search for the girl who he thinks is his 'the one' but unfortunately his so called 'the one' doesn't want him to be a part of her life.